Share

My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife
My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife
Author: itseiaink

PROLOGUE

Author: itseiaink
last update publish date: 2026-11-04 23:15:22

"Ate Victoria, buti ka pa, tanggap ka ni Mommy. Hindi tulad ng asawa ni Kuya Romano na pilit lang."

Napahinto si Aurelia sa likod ng sofa.

Hindi niya inaasahang maririnig ang pangalan niya sa isang pag-uusap, lalo na ang mga salitang iyon mula mismo kay Elara, ang bunsong kapatid ng kanyang asawa.

"Ano ka ba, Elara? Don't say that. Asawa pa rin naman siya ni Romano. I should respect her position, kahit alam naman nating hindi ganoon kadali ang sitwasyon," tila maamong tupa na sa loob ay demonyo na sagot ni Victoria habang bahagyang yumuyuko.

Napakuyom ang mga kamay ni Aurelia. Masyadong pamilyar ang boses na iyon.

Si Victoria Isabelle Suarez. Ang pinsan niyang minsang itinuring na kapatid. Ang babaeng pinagkatiwalaan niya sa loob ng maraming taon, at ang parehong babaeng palaging nasa tabi ng pamilya Romano.

"You're too kind, Ate. Kung ako lang talaga ang masusunod, ikaw na lang sana ang naging asawa ni Kuya. At least, hindi namin kailangang magkunwaring masaya sa tuwing kasama ka namin," walang pag-aalinlangang sagot ni Elara habang nakangising inaayos ang unan sa tabi nito.

"Elara, please. Ayokong magkaroon ng problema dahil sa akin. You know how much I care about this family," mahinang sabi ni Victoria habang marahang hinahaplos ang braso ng dalaga.

Napangiti si Aurelia nang mapait.

How much she cared about the family?

Nakakatawa.

Kung alam lamang ni Victoria kung gaano karaming beses niyang ipinagtanggol ito sa mga kamag-anak nila, marahil ay hindi nito kayang tumingin sa kanya nang ganoon kadali.

"Aurelia?"

Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Evangeline, ang ina ni Romano. Nakatayo ito malapit sa hagdan habang may hawak na tasa ng kape.

"Good afternoon, Mom," magalang na bati ni Aurelia habang pilit na inaayos ang ekspresyon.

"Oh, you're here. Hindi ko napansing dumating ka," walang gaanong interes na sagot ng matanda bago ibinaling ang tingin sa sala.

Agad na ngumiti si Victoria nang makita ito.

"Tita, nandito po pala kayo," malambing na bati nito habang tumatayo.

"Victoria, anak! Why are you standing? Umupo ka lang. I told the kitchen to prepare your favorite dessert," masiglang sambit ni Evangeline habang lumalapit dito.

Bahagyang napatingin si Aurelia sa paper bag na hawak niya.

May dala rin siyang paboritong pagkain ni Evangeline. Personal niya iyong ipinabili bago pumunta sa mansiyon dahil alam niyang mahilig ang biyenan niya sa mga iyon.

Ngunit hindi man lamang ito nagtanong kung ano ang laman ng dala niya.

"Thank you, Tita. You really don't have to," nahihiyang sagot ni Victoria habang nakangiting tinatanggap ang atensiyon nito.

"Of course, I do. You're always welcome here. This is your home, remember?" malambing na sagot ni Evangeline bago hinalikan ang noo ng dalaga.

Napayuko si Aurelia.

Your home.

Hindi niya alam kung bakit tila mas masakit marinig ang dalawang salitang iyon mula sa biyenan niya.

Anim na taon na siyang asawa ni Romano. May anak sila. Kasama niya sa iisang bahay ang lalaki. Ngunit kahit kailan, hindi niya naramdamang tunay siyang kabilang sa pamilyang ito.

"Ano naman ang dala mo?" tanong ni Evangeline nang sa wakas ay mapansin ang paper bag sa kamay niya.

"May dala lang po akong pagkain para sa inyo. Sabi ninyo last time, nagustuhan ninyo iyon," mahinahong sagot ni Aurelia habang iniaabot ang bag.

"Ah. Thank you," maikling tugon ng matanda bago ibinigay iyon sa kasambahay na nakatayo malapit sa kusina.

Wala man lamang ngiti.

Wala man lamang pagkasabik.

Samantalang kay Victoria, halos hindi maubos ang lambing nito.

"Ate Aurelia, you came?" kunwaring nagulat na bati ni Elara habang tumitingin sa kanya.

"Yes. May kailangan lang akong ibigay kay Romano," mahinahong sagot niya habang bahagyang itinutuwid ang pagkakatayo.

"He's in his study. You can leave it there," malamig na sagot ni Elara bago muling umupo sa tabi ni Victoria.

Tumango lamang si Aurelia.

Wala siyang balak makipagtalo. Gusto lamang niyang maihatid ang mga dokumentong ipinakiusap ng asawa niya.

Ngunit bago siya tuluyang makalayo, may napansin siyang cellphone na nakapatong sa sofa.

Umilaw ang screen nito kasabay ng isang notification.

Hindi niya sana iyon papansinin kung hindi niya nakita ang isang litrato sa preview.

Dalawang batang lalaking kambal.

Parehong may makakapal na buhok, mapupungay na mata, at maliliit na ilong. Magkahawig na magkahawig ang dalawa, ngunit higit na nakatawag ng pansin ni Aurelia ang kanilang mga mukha.

Parang may nakita na siyang ganoong mga mata.

Dahan-dahan siyang lumapit at napansing walang lock ang cellphone. Nasa screen ang isang conversation, kasama ang litrato ng dalawang bata.

Napahigpit ang hawak niya sa aparato nang mabasa ang pangalan sa itaas.

Victoria.

Ang pinsan niya ang may-ari ng cellphone.

Nanginig ang kanyang mga daliri habang binubuksan ang litrato.

Mas malinaw na ngayon ang mukha ng mga bata.

At sa isang iglap, tila may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya.

Kamukhang-kamukha nila si Romano.

Hindi lamang ang hugis ng kanilang mga mata. Pati ang ilong, labi, at maging ang maliliit na dimples sa kanilang mga pisngi.

Para silang maliliit na kopya ng kanyang asawa.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Mabilis na napalingon si Aurelia nang marinig ang boses ni Victoria.

Nakatayo na ito sa kanyang likuran, nakakunot ang noo

habang nakatingin sa cellphone na hawak niya.

"These children..." halos pabulong na sambit ni Aurelia habang muling tumitingin sa litrato. "Sino sila?"

Agad na kinuha ni Victoria ang cellphone mula sa kanya.

"My children. Bakit?" mahinahong sagot nito habang mabilis na pinapatay ang screen.

"Mga anak mo?" ulit ni Aurelia habang hindi inaalis ang tingin sa pinsan.

"Yes. My twin boys," nakangiting sagot ni Victoria habang inaayos ang buhok.

"Nasaan ang ama nila?"

Saglit na natahimik ang dalaga.

Ngunit bago pa ito makasagot, sumingit si Elara.

"Why are you asking so many questions? Hindi naman kailangang malaman mo ang lahat tungkol sa buhay ni Ate Victoria," iritableng sagot nito habang tumatayo mula sa sofa.

"Elara, I was only asking," mahinahong paliwanag ni Aurelia habang sinusubukang panatilihing kalmado ang boses.

"Then stop asking. Hindi mo ba nakikita na uncomfortable na si Ate Victoria?" mataray na sagot ni Elara habang inilalagay ang isang kamay sa baywang.

Napatingin si Aurelia kay Victoria.

Hindi ito mukhang uncomfortable.

Sa halip, nakatingin lamang ito sa kanya na para bang may alam itong hindi niya dapat malaman.

"What's happening here?"

Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang tinig ni Evangeline.

Lumapit ang matanda at agad na tumabi kay Victoria.

"Nothing, Tita. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding," mahinahong paliwanag ni Victoria habang bahagyang yumuyuko.

"Anong misunderstanding?" tanong ni Evangeline habang nakatingin kay Aurelia.

"Mom, I saw a picture of her children. I just wanted to know who their father is," diretsahang paliwanag ni Aurelia habang nakatitig sa biyenan.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Evangeline.

Ngunit sandali lamang iyon.

"Why does that concern you? Victoria has her own life, Aurelia," malamig na sagot nito habang inilalagay ang tasa sa mesa.

"Because I saw Romano in one of the pictures."

Tuluyang natahimik ang sala.

Hindi na nakangiti si Victoria.

Si Elara naman ay napatingin sa ina bago muling ibinalik ang tingin kay Aurelia.

Maybe you misunderstood what you saw," mahinahong sagot ni Evangeline habang umiiwas ng tingin.

"Then explain it to me. Bakit kasama ng pinsan ko ang asawa ko sa litrato kasama ang dalawang bata?" nanginginig na tanong ni Aurelia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 08

    Inangat niya ang kanyang mukha, ang kanyang baba at labi ay nakalubog sa kanya. Tiningnan niya ang mukha ng kanyang asawa—ang mga luha, ang pawis, ang buhok na nakadikit sa kanyang noo, ang mga labi na namumula mula sa pagpipigil sa kanyang mga daing. "Wala na siya," bulong ni Romano, ang kanyang boses ay magaspang mula sa paggamit. "Ngayon, ituloy na natin." At bago pa makasagot si Aurelia, bago pa siya makahinga nang malalim, ibinaba na niya ang kanyang mukha at muling kinain siya, ang kanyang mga daliri ay bumalik sa paggalaw sa loob niya, mas mabilis ngayon, mas determinado. "Huwag!" sumigaw si Aurelia, ang kanyang mga kamay ay bumalik sa kanyang buhok, hindi upang itulak siya palayo kundi upang hilahin siya nang mas malapit. "Huwag na, Romano, sobra na... ayoko na... ayokong labasan ulit... masyadong masakit pa.. nakailan pa tayo kagabi" uminit ang pisngi niya. Pero ang kanyang katawan ay nagsisinungaling. Ang kanyang kiffy ay kumapit sa kanyang mga daliri, basa pa rin at n

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 07

    Ang unang liwanag ng umaga ay isang banayad na pilak na sumisilip sa pagitan ng mga blinds na dumadampi sa hubad na balikat ni Aurelia na nakahilig sa kanyang dibdib. Gising na si Romano nang ilang minuto at hindi siya gumagalaw at pinagmamasdan lamang ang natutulog na asawa. Ang kanyang asawa sa pagtulog ay isang bagay na banal.Ang kanyang buhok na maitim at mala-seda, ay nagkakalat sa puting unan tulad ng tinta sa niyebe. Ang kanyang mga pilikmata, mahaba at maitim, ay naglalagay ng mga anino sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang mga labi, bahagyang nakabukas, ay kulay-rosas at malambot. Ang bawat paghinga ay isang banayad, umaayon na pag-angat ng kanyang dibdib laban sa kanyang sarili—isang ritmo na pumupuno sa silid ng buhay.Pero higit pa sa pisikal na kagandahan. Mayroong isang kapayapaan sa kanyang mukha, isang malalim, hindi nag-aalala na pahinga na tila nagpapalabas ng isang malambot na liwanag mula sa loob. Sa ganitong mga sandali, siya ay parang isang diyosa na nagpahinga

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 06

    Ang mahinang tawa ni Aurelia at ang pagod na pagkapi nito kay Romano ay parang isang maliit na apoy na dumampi sa natitirang gasolina sa loob ni Romano.Gusto mo pa ba?Ang tanong ay hindi isang tanong. Ito ay isang matinding pangangailangan na kanyang dapat tugunan.Hindi siya gumalaw nang ilang segundo. Hinihigop ang pakiramdam ng kanyang asawang malambot, nagpapahinga, na nasisiyahan na nakayakap sa kanya nang mahigpit.Pagkatapos, dahan-dahang inalis ni Romano ang kanyang bisig mula sa ilalim niya. Ang kanyang mga mata, na nakatuon sa kisame na may mga anino ng mga sanga ng puno mula sa bintana, ay nagningning ng isang mas malamig, mas determinadong liwanag kaysa sa buwan.Tumalikod siya."Hmm?" ungol ni Aurelia, nag-aangat ng ulo nang bahagya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkalito at pagkapagod.Hindi sumagot si Romano. Sa halip, hinawakan ng kanyang asawa ang kanyang balikat at mahigpit na itinulak siya pababa sa kama, na ipinatong siya nang nakadapa. "Romano, ano—" nagsimu

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 05

    Ang bulong ni Aurelia ay nawala sa hangin nang maramdaman niya ang isang matigas, mainit na kamay na humila sa kanyang balakang at igulong siya nang bahagya patungo sa gitna ng kama.Ang kanyang mga mata ay biglang nagdilat, natagpuan ang madilim na silweta ng kanyang asawa sa itaas niya, ang liwanag ng buwan ay nagbubunga ng isang maputlang outline sa kanyang malawak na mga balikat at bisig."Romano, ano—" nagsalita siya, ngunit ang kanyang mga salita ay naputol sa isang mahinang sigaw nang maramdaman niya ang kanyang mga kamay.Ang magaspang, kilalang mga palad na iyon na para bang isang manggagawa sa konstruksyon na hinila pababa ang kanyang pantulog na shorts at ang manipis na lace ng kanyang panty nang sabay, isang mabilis at determinadong pagkilos na walang pasubali."Shut up, wife," ang boses ni Romano ay isang magaspang, mababang kulog na pumuno sa silid. Wala na ang pagod mula sa kanyang mukha. Ito ay pinalitan ng isang matinding, nakatuong dilim na pinasisinayaan ni Aurelia

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 04

    Ang ulan ay walang tigil na bumubuhos mula sa isang galit na langit, parang mga luha ng mga anghel na hinampas ang mga bubong at bintana ng malaking mansyon. Ang tunog nito ay isang malakas, tuluy-tuloy na himig na pumuno sa bawat sulok ng tahimik na tahanan. Sa labas, ang mundo ay naglaho sa isang kulay-abong hamog. Sa loob, ang mga lampara ay naka-dim, nagpapadala ng malalamlong anino sa kahabaan ng mga koridor. Sa kanyang silid, natutulog si Aurelia nang mahimbing, sa pagod na katawan. Ang pagdating ng kambal, ang tensyon, ang mahirap na pagsisikap na panatilihing normal ang lahat para sa kanyang anak. Ay nagdala sa kanya sa isang malalim, walang-malay na pagpapahinga.Nakahimlay siya sa gitna ng malaking kama, nakatalikod sa pintuan, ang katawan ay nakabaluktot sa isang natural, malambing na kurba. Ang kanyang maitim na buhok ay nakakalat sa puting unan tulad ng isang silk fan, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakahiwalay, ang paghinga ay mabagal at pantay. Isang manipis na st

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 03

    Kinabukasan, kasama niya ang kanilang limang taong gulang na anak nang marinig nila ang pagbukas ng pangunahing pinto.Pumasok si Romano kasama si Victoria at ang kambal na walong taong gulang."Welcome home, boys! Did you miss Papa?" masayang bati ni Romano habang yumuyuko upang salubungin ang dalawang anak."Yes, Papa!" sabay na sagot ng kambal habang mahigpit na yumayakap sa kanya.Agad na lumapit ang ilang kasambahay upang kunin ang mga gamit ng bagong dating."Good morning, Ma'am Victoria. Welcome back!" masiglang bati ng isa sa mga ito habang inaasikaso ang kanilang mga bagahe. Nakatayo si Aurelia sa may hagdan habang hawak ang kamay ng kanyang anak. "Papa!" masayang tawag ng batang babae habang itinataas ang isang kamay. Napalingon si Romano at ngumiti. "Good morning, sweetheart. Come here, anak," malambing nitong tawag habang inaabot ang kamay ng anak. Ngunit bago pa makalapit ang bata, muling yumakap sa kanya ang kambal. Napangiti si Romano habang niyayakap silang dalaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status