공유

CHAPTER 01

작가: itseiaink
last update 게시일: 2026-11-04 23:15:55

Hindi pa rin sumagot si Evangeline. Sa halip, tumingin ito kay Victoria, na agad umiwas ng tingin. Sapat na iyon upang lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Aurelia.

"Mom?"

Napalingon siya nang bumukas ang p***o ng study room. Nakatayo roon si Romano Sebastian, nakasuot ng itim na polo. Malamig ang mukha nito habang sinusuri ang mga taong nasa sala.

"What is going on?" tanong nito.

Agad na lumapit si Victoria at hinawakan ang braso ng lalaki.

"Romano, please. Don't get upset. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni Aurelia," malambing nitong paliwanag.

Napatingin si Aurelia sa kamay ng pinsan. Hindi niya maintindihan kung bakit masakit makita ang simpleng paghawak na iyon.

"Romano, I need you to answer something," sambit niya, pilit pinananatiling kalmado ang sarili.

"What?" malamig na tanong nito.

"Sino ang mga batang nasa litrato?"

Bahagyang nanigas ang panga ni Romano.

"Victoria's children," maikli nitong sagot.

"I know that. Ang tinatanong ko, sino ang ama nila?" mariing tanong ni Aurelia.

Walang sumagot.

"Romano, please. I deserve an answer," pakiusap niya.

"Not here. We'll talk about this at home," malamig na sagot nito.

"Why not here? Ano ang mayroon sa tanong ko na hindi mo kayang sagutin sa harap nila?"

"Aurelia, enough," saway ni Romano. "You're making Victoria uncomfortable."

Napatawa si Aurelia nang mahina.

Si Victoria na naman. Kahit siya ang may tanong at nasasaktan, ang iniisip pa rin ng asawa niya ay ang mararamdaman ng ibang babae.

"Of course. I'm sorry. I never wanted to cause problems between you two," mahinang sambit ni Victoria, kunwaring inosente.

"You're not causing anything. Don't worry about it," agad na sagot ni Romano habang hinahawakan ang balikat nito.

Napatitig si Aurelia sa kanilang dalawa. Anim na taon niyang hinintay na hawakan siya ng asawa nang ganoon. Umaasa siyang balang araw, magiging natural din kay Romano ang magpakita ng pagmamahal sa kanya sa harap ng ibang tao.

Ngunit tila mas madali pa nitong ibigay iyon kay Victoria.

"Romano..." halos pabulong niyang tawag.

Napalingon ang lalaki.

"Let's go home. I want to talk to you," pakiusap niya.

"Go ahead. I'll follow later. I still have work to finish," sagot nito habang tumitingin sa cellphone ni Victoria.

"Please. Just this once, huwag mo akong iwan sa gitna ng ganitong usapan."

"Aurelia, I said I'll follow later," mariing sagot nito.

Dahan-dahang umatras si Aurelia. Tiningnan niya si Evangeline na tila walang pakialam, si Elara na halatang kampi kay Victoria, at ang pinsang nakatayo sa tabi ng kanyang asawa.

Hindi na niya kailangang makita pa ang ibang litrato. Sa kanilang mga mukha, nauunawaan niyang hindi ito lihim na aksidenteng nakalimutang sabihin sa kanya.

Isa itong katotohanang matagal nang alam ng lahat.

Lahat maliban sa kanya.

Muli niyang naalala ang dalawang batang lalaki sa litrato—ang kanilang mga mata, mga ngiti, at ang mukha ni Romano habang karga ang mga ito. Hindi iyon mukha ng lalaking nakikisalamuha lamang sa mga anak ng iba.

Iyon ang mukha ng isang ama.

May anak ang asawa niya sa pinsan niya.

At alam ng lahat maliban sa kanya.

Naalala niya ang mga gabing mag-isa siyang naghihintay sa asawa. Kinumbinsi niya ang sarili na trabaho lamang ang dahilan ng pag-uwi nito nang gabi. Ngayon, bawat alaala ay nagbago ng kahulugan.

"Romano, may sasabihin ka ba sa akin?" muli niyang tanong.

Napabuntong-hininga ang lalaki.

"Do we really have to do this now? Pagod ako, Aurelia. I don't have time for unnecessary arguments."

"Unnecessary arguments? You're talking about two children who look exactly like you. Paano naging unnecessary ang pagtatanong ko?"

"Aurelia, you're jumping to conclusions."

"Then tell me I'm wrong. Sabihin mong hindi ikaw ang ama nila."

Natahimik si Romano. Walang pagtanggi o paliwanag.

"See? Hindi mo kayang sabihin," mapait na sambit niya.

"Ano ba ang gusto mong marinig? Do you expect me to explain everything in front of my family?" tanong nito, nawawalan na ng pasensiya.

"Your family? Romano, pinsan ko ang pinag-uusapan natin. At ikaw ang asawa ko. Hindi ba ako bahagi ng pamilyang ito?"

"Aurelia, don't make this bigger than it already is," saway nito.

"At least look at me when I'm talking to you," dagdag niya, ngunit nanatiling malamig ang mukha ng lalaki.

"Don't turn this into a scene," sagot ni Romano. "We will discuss it when we're alone."

Saglit siyang tinitigan nito, ngunit wala pa ring lumabas na salita. Mas masakit iyon kaysa sa anumang pag-amin.

Nais ni Aurelia na marinig kay Romano ang katotohanan. Kahit gaano kasakit, mas gugustuhin niyang manggaling iyon sa asawa kaysa patuloy siyang lokohin.

Napangiti siya nang walang saya.

"Six years, Romano. Anim na taon akong nanatili sa tabi mo. Hindi ba sapat iyon para pagkatiwalaan mo ako?"

"You're being dramatic. Hindi lahat ng bagay ay kailangang gawing tungkol sa iyo, Aurelia," malamig na singit ni Evangeline.

"Mom, I'm asking a simple question. Gusto ko lang malaman kung bakit may mga anak si Victoria na kamukhang-kamukha ng asawa ko."

"Then perhaps you should ask your husband privately instead of embarrassing everyone here," sagot ni Evangeline.

"Embarrassing everyone? Ako pa ngayon ang nakakahiya?"

"You're making Ate Victoria look like some kind of villain. Hindi mo ba kayang respetuhin ang personal life niya?" singit ni Elara.

"Respect? Paano naman ang respeto sa akin? Did anyone even think about how I would feel kapag nalaman kong may ganitong mga litrato ang pinsan ko kasama ang asawa ko?" sagot ni Aurelia.

"You're always making yourself the victim," mapanuyang tugon ni Elara.

Hindi na nakipagtalo si Aurelia. Muli siyang tumingin kay Victoria.

"Victoria, look at me. Did you know that I was married to Romano when you had those children?" mahinang tanong niya.

Bahagyang namilog ang mga mata nito.

"Aurelia, what kind of question is that?" kunwaring nasaktan nitong sagot.

"Just answer me. Did you know?"

"Ate, that's enough. Stop interrogating her," mabilis na depensa ni Elara.

Ngunit hindi na nakinig si Aurelia. Hindi pa rin sumagot si Victoria. Sa katahimikang iyon, tuluyan niyang napagtantong wala siyang makukuhang katotohanan mula sa mga taong ito.

"Fine. I'll wait for you at home, Romano. But this conversation isn't over," matatag niyang sambit habang kinukuha ang handbag.

"Aurelia, don't start another argument when I get home," babala nito.

Hindi na siya sumagot at tuluyang naglakad patungo sa p***o.

"Romano, I'm sorry. I really didn't want this to happen," malambing na sambit ni Victoria.

"It's not your fault. Don't worry about it," paniniguro ng lalaki habang hinahaplos ang balikat nito.

Napapikit si Aurelia. Kahit papalayo na siya, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng asawa niya sa pinsan niya.

Paglabas ng mansiyon, inilabas niya ang cellphone at tiningnan ang litrato ng nag-iisa nilang anak.

Ang batang bunga ng anim na taon niyang pagmamahal sa isang lalaking hindi niya lubusang nakilala.

Bunga ang anak nila sa isang mainit na gabi nila Romano. One night stand sa hotel.

Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya pag-uwi.

Ngunit alam niyang hindi na siya babalik sa mansiyong iyon bilang parehong Aurelia na pumasok kanina.

Maaaring asawa siya ni Romano sa papel, ngunit tila matagal nang may ibang babaeng itinuring na bahagi ng pamilyang iyon.

At ang pinakamasakit sa lahat?

Pinsan niya mismo ang babaeng iyon.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 06

    Ang mahinang tawa ni Aurelia at ang pagod na pagkapi nito kay Romano ay parang isang maliit na apoy na dumampi sa natitirang gasolina sa loob ni Romano.Gusto mo pa ba?Ang tanong ay hindi isang tanong. Ito ay isang matinding pangangailangan na kanyang dapat tugunan.Hindi siya gumalaw nang ilang segundo. Hinihigop ang pakiramdam ng kanyang asawang malambot, nagpapahinga, na nasisiyahan na nakayakap sa kanya nang mahigpit.Pagkatapos, dahan-dahang inalis ni Romano ang kanyang bisig mula sa ilalim niya. Ang kanyang mga mata, na nakatuon sa kisame na may mga anino ng mga sanga ng puno mula sa bintana, ay nagningning ng isang mas malamig, mas determinadong liwanag kaysa sa buwan.Tumalikod siya."Hmm?" ungol ni Aurelia, nag-aangat ng ulo nang bahagya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkalito at pagkapagod.Hindi sumagot si Romano. Sa halip, hinawakan ng kanyang asawa ang kanyang balikat at mahigpit na itinulak siya pababa sa kama, na ipinatong siya nang nakadapa. "Romano, ano—" nagsimu

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 05

    Ang bulong ni Aurelia ay nawala sa hangin nang maramdaman niya ang isang matigas, mainit na kamay na humila sa kanyang balakang at igulong siya nang bahagya patungo sa gitna ng kama.Ang kanyang mga mata ay biglang nagdilat, natagpuan ang madilim na silweta ng kanyang asawa sa itaas niya, ang liwanag ng buwan ay nagbubunga ng isang maputlang outline sa kanyang malawak na mga balikat at bisig."Romano, ano—" nagsalita siya, ngunit ang kanyang mga salita ay naputol sa isang mahinang sigaw nang maramdaman niya ang kanyang mga kamay.Ang magaspang, kilalang mga palad na iyon na para bang isang manggagawa sa konstruksyon na hinila pababa ang kanyang pantulog na shorts at ang manipis na lace ng kanyang panty nang sabay, isang mabilis at determinadong pagkilos na walang pasubali."Shut up, wife," ang boses ni Romano ay isang magaspang, mababang kulog na pumuno sa silid. Wala na ang pagod mula sa kanyang mukha. Ito ay pinalitan ng isang matinding, nakatuong dilim na pinasisinayaan ni Aurelia

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 04

    Ang ulan ay walang tigil na bumubuhos mula sa isang galit na langit, parang mga luha ng mga anghel na hinampas ang mga bubong at bintana ng malaking mansyon. Ang tunog nito ay isang malakas, tuluy-tuloy na himig na pumuno sa bawat sulok ng tahimik na tahanan. Sa labas, ang mundo ay naglaho sa isang kulay-abong hamog. Sa loob, ang mga lampara ay naka-dim, nagpapadala ng malalamlong anino sa kahabaan ng mga koridor. Sa kanyang silid, natutulog si Aurelia nang mahimbing, sa pagod na katawan. Ang pagdating ng kambal, ang tensyon, ang mahirap na pagsisikap na panatilihing normal ang lahat para sa kanyang anak. Ay nagdala sa kanya sa isang malalim, walang-malay na pagpapahinga.Nakahimlay siya sa gitna ng malaking kama, nakatalikod sa pintuan, ang katawan ay nakabaluktot sa isang natural, malambing na kurba. Ang kanyang maitim na buhok ay nakakalat sa puting unan tulad ng isang silk fan, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakahiwalay, ang paghinga ay mabagal at pantay. Isang manipis na st

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 03

    Kinabukasan, kasama niya ang kanilang limang taong gulang na anak nang marinig nila ang pagbukas ng pangunahing pinto.Pumasok si Romano kasama si Victoria at ang kambal na walong taong gulang."Welcome home, boys! Did you miss Papa?" masayang bati ni Romano habang yumuyuko upang salubungin ang dalawang anak."Yes, Papa!" sabay na sagot ng kambal habang mahigpit na yumayakap sa kanya.Agad na lumapit ang ilang kasambahay upang kunin ang mga gamit ng bagong dating."Good morning, Ma'am Victoria. Welcome back!" masiglang bati ng isa sa mga ito habang inaasikaso ang kanilang mga bagahe. Nakatayo si Aurelia sa may hagdan habang hawak ang kamay ng kanyang anak. "Papa!" masayang tawag ng batang babae habang itinataas ang isang kamay. Napalingon si Romano at ngumiti. "Good morning, sweetheart. Come here, anak," malambing nitong tawag habang inaabot ang kamay ng anak. Ngunit bago pa makalapit ang bata, muling yumakap sa kanya ang kambal. Napangiti si Romano habang niyayakap silang dalaw

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 02

    Tahimik ang buong biyahe pauwi. Nasa passenger seat si Aurelia habang hawak ang cellphone na naglalaman ng mga litrato ng kambal. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang mga mukha ng dalawang batang lalaki. Pareho silang may mga matang hindi niya maaaring ipagkamali. Mga matang namana nila kay Romano. Hindi niya kailangang makarinig ng kumpirmasyon mula sa iba. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng mga litratong iyon. Mga anak ni Romano ang kambal. At ang kanilang ina ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Victoria. Pagdating sa mansiyon, nadatnan niya ang asawa sa sala. Nakaupo ito sa sofa habang may binabasang dokumento. Nang mapansin siya, ibinaba nito ang hawak at bahagyang sumandal. "You're home," malamig nitong bati habang inaayos ang relo sa pulsuhan. "We need to talk, Romano. At sana naman, this time, huwag mo akong iwasan," seryosong sambit ni Aurelia habang inilalapag ang handbag sa katabing sofa. Napabuntong-hininga ang lalaki. "Can it wait until tomorrow

  • My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife    CHAPTER 01

    Hindi pa rin sumagot si Evangeline. Sa halip, tumingin ito kay Victoria, na agad umiwas ng tingin. Sapat na iyon upang lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Aurelia."Mom?"Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng study room. Nakatayo roon si Romano Sebastian, nakasuot ng itim na polo. Malamig ang mukha nito habang sinusuri ang mga taong nasa sala."What is going on?" tanong nito.Agad na lumapit si Victoria at hinawakan ang braso ng lalaki."Romano, please. Don't get upset. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni Aurelia," malambing nitong paliwanag.Napatingin si Aurelia sa kamay ng pinsan. Hindi niya maintindihan kung bakit masakit makita ang simpleng paghawak na iyon."Romano, I need you to answer something," sambit niya, pilit pinananatiling kalmado ang sarili."What?" malamig na tanong nito."Sino ang mga batang nasa litrato?"Bahagyang nanigas ang panga ni Romano."Victoria's children," maikli nitong sagot."I know that. Ang tinatanong ko, sino ang ama nila?" mariing tanong

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status