Share

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!
Author: Eyah

PROLOGO

"Hey! Are you awake?! Miss, please huwag kang pipikit! Just stay with me, okay? Parating na ang ambulance!"

Bahagya na lang na narinig ni Serena ang tila nagpapanic na boses na iyon ng isang lalaki. Pagkatapos noon ay naramdaman na lang niya ang unti-unting pag-angat ng katawan niya mula sa malamig na sahig. Parang may bumubuhat sa kanya pero hindi niya alam kung sino. Gaya ng hindi niya pagkaalam sa kung sino man ang lalaking narinig niyang sumigaw kanina. Gustuhin man din kasi niya na kilalanin iyon ay hindi niya rin magawa. Wala siyang ibang maramdaman sa katawan kundi ang matinding pagod at sakit. She was so tired that she couldn't open her eyes even a bit.

"Gosh, paano ba ako umabot sa puntong ito? Where's the life I used to live? Once, I had everything. I did nothing against anyone. All that I wanted was to be free and this is what I got. Is this the price of the effin' freedom I've been wishing for all my life?" anang dalaga sa sarili, kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha sa pisngi niya. "Is this how everything would end? Hanggang dito na lang ba ako?"

Lalo pa siyang nanghina sa isiping lahat ng sakripisyo at mabibigat na desisyong ginawa niya para sa sarili ay tila mababalewala lang at mapupunta sa wala. Nanlulumo siya.

Wala na siyang ideya kung gaano na katagal ang lumipas mula nang dumating ang isang hindi niya kilalang lalaki para sagipin siya sa kamay ng mga demonyo. Basta ang alam niya lang, hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang matigas na dibdib nito na kinasasandigan ng kanyang ulo. And those muscular arms that carries her...

Nakaramdam siya ng kapanatagan. She knew in herself that for now, she could finally rest while he is still with her. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang payapang naghihintay sa pagdating ng hinihintay na tulong. Ilang segundo pa ay narinig niya na mula sa malayo ang malakas na alingawngaw ng ambulansya. Ngunit hindi niya na nahintay pa na makalapit ang tunog na iyon. Tuluyan nang inagaw ng kadiliman ang natitira pang hibla ng kamalayan sa katawan niya. And with that in mind, she dozed off.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status