Isang mayamang babae, maganda at maimpluwensiya sa negosyo ang dalagang si Lilybeth Lenz na kilala bilang Ms. Lenzly. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang siyang naging isang substitute wife ni Tyler Ferrero at napagkamalang mahirap. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya sa poder ng Ferrero Family? Mamahalin kaya niya ang kaniyang asawa na si Tyler Ferrero na isang gwapo, mayaman at seryosong lalaki? Hanggang kailan kaya maitatago ang kaniyang pagkatao para lamang maprotektahan ang Ferrero Family kahit na masama ang pakikitungo nila sa kaniya?
Lihat lebih banyakNAGKAKAGULO ang kaharian sa Spain. Agawan sa kapangyarihan ang dahilan. Ang pamilyang Lenz ay halos hindi magkandaugaga lalo na ang mag-iina. Samantalang ang hari ay ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan.
"Evacuar ahora!!" (Evacuate now!!) Sigaw ng hari sa kaniyang mga nasasakupan. Nangangamba at natatakot ang lahat dahil sa digmaan na nangyayari sa pagitan ng dalawang magkapatid na lalaki. Ang isa ay gusto lang ay kapayapaan at ang isa naman ay kapangyarihan.Lumapit ang mag-iina ng hari. "Albert! Anong gagawin natin ngayon? Paano ang mga bata?" Tanong ng reyna sa asawa habang hawak-hawak nito sa magkabilaan ang kambal na anak. Nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog ang hari dahil ang reyna na kaniyang asawa ay isang Pilipina. "Lumikas kayo kung maaari'y dalhin mo sila sa iyong bansa." Sabi ng hari sa kaniyang asawa."Ngunit paano ka?" Tanong naman ng kaniyang asawa sa kaniya ng may pag-aalala. Nag-aalala sa kaniyang kaligtasan. Hindi nito makakaya kung may mangyari sa hari. Papaano na ang bansang Spain kung si Reino ang maghahari sa bansa. Paano na ang kinabukasan ng mga tao rito? Papaano na ang kanilang mga anak kung mawawalan sila ng ama?"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang may mangyari sa akin." Sabi niya sa reyna. Sasagot sana ang reyna nang biglang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok mula dito ang kanang kamay ng hari na Baltazar. Yumuko ito bilang paggalang at sinabi ang nais sabihin. "Alteza están cerca del reino!!" (Your higness, They are close to the kingdom!)"Reúne a todos nuestros hombres!" (Gather all our men) Agad na kumilos si Baltazar sa utos ng hari. Ang hari naman ay humarap sa kaniyang pamilya. "Daddy, what's happening?" Tanong ng pitong taong gulang nilang anak na babae. Yumuko ang hari para mapantayan ang kaniyang dalawang anak. "It just a mess, I need to clean this okay? You need to go with your mommy."Sa murang edad nila ay matalas ang kanilang isip, alam na nilang hindi lang ito dumi na kailangang linisin ng hari kundi isang digmaan ang nagaganap. "Quiero ayudarte papá a luchar contra esa gente mala." (I want to help you dad fight against those bad people.)Agad na hinawakan ng hari ang ulo ng prinsesa at saka ginulo ang buhok. "No need princess. Kaya na ito ni daddy okay?" Napasimangot naman ang mumunting prinsesa. "But I can defeat them!" Dagdag pa nito."Me too! We are strong enough daddy. I am top 1 in taekwando, remember?" Sabi ng pitong taong gulang naman ng lalaking anak habang sumisipa pa ng flying kick. Sa mura nilang edad ay masasabing mahuhusay silang makipaglaban. Sinanay talaga sila upang maipagtanggol nila ng kanilang mga sarili at hindi umaasa sa ibang tao na ipagtanggol sila sa masasama.Natawa naman ng mahina ang hari sa liksi ng kaniyang mga anak. Agad niyang ginulo ang buhok ng mga ito. "Si papá necesita ayuda, llamo a uno de ustedes, ¿vale? Pero primero tienes que ir al país de mamá." (If dad needs help, I'll call one of you, okay? But first you have to go to mom's country.) Sabi ng hari sa kaniyang dalawang anak.Tumango naman ang dalawa na para bang mababait at masunuring anak. Humarap naman ang hari sa kaniyang asawa. "Kailangan niyo ng kumilos, magmadali ka. Itakas mo ang mga anak natin. Isama mo si Binang para may kasama ka sa pag-aasikaso sa kambal." Paliwanag niya sa reyna.Maya-maya ay dumating na rin si Binang na halata sa mukha niya na siya ay natatakot pero hindi niya ito pinahalata sa harap ng hari at reyna. Si Binang ay kanilang kasambahay na Pinay. Siya ang pinagkakatiwalaan nilang kanilang kasambahay dahil siya ay kaibigan ng reyna simula pagkabata.Tinawag ng hari ang ilang magagaling niyang tauhan para sumama sa kaniyang mag-iina. Kung sakaling may mangyari man sa kanila ay may magtatanggol sa mag-iina niya.Naluluha ang reynang tumango. "Por favor cuídate." (Please take care.) Sabi ng reyna bago umalis kasama si Binang at ang kanilang kambal na anak. Napahinga ng malalim ang hari saka hinarap ang problema sa pagitan ng kaniyang kapatid na si Reino.Tinipon ng hari ang lahat ng kaniyang tauhan upang samahan siyang pabagsakin ang kaniyang kapatid na gahaman sa kapangyarihan.Sa kasamaang palad habang ang hari ay abala sa pakikipaglaban sa mga tauhan ng kasamaan at paghahanap sa kaniyang kapatid, hindi namalayang si Reino ay papunta sa mag-iinang tumatakas.Hindi naman sinasadya ng reyna na mabitawan ang kaniyang anak na lalaki. Dali-dali namang tumakbo ang munting prinsipe pabalik sa kaniyang ama upang ito'y tulungan.Nagulat naman ang hari nang makita ang anak niyang lalaki na dumating sa tabi niya. "Why are you still here?" Tanong ng hari sa prinsipe. "I want to help you daddy." Wala ng nagawa ang hari sa kakulitan at katigasan ng ulo ng kaniyang anak na prinsipe.Habang ang reyna ay nababalisa kung saan napunta ang anak niyang prinsipe.Tumatawang lumapit sa kanila si Reino. "Bwahahaha! No puedes escapar de mí! Secuestrarlas!!" (You can't escape from me! Abduct them!!) Sigaw ni Reino sa kaniyang tauhan. Agad naman kumilos ang kaniyang mga tauhan para hawakan sila at hindi na makatakas pa.Ang iba naman ay pinatumba ang ilang tauhan ng hari na kasama nila para protektahan sila ngunit nagapi pa rin sila ng mga tauhan ni Reino. Wala silang binatbat sa tauhan nito sa tauhan ng hari.Samantalang, bago pa mahawakan sina Binang, at ang reyna ay bumagsak na sila sa lupa. Agad na sumugod ang ilang mga tauhan ni Reino sa munting prinsesa. Ngunit pinatumba lang sila ng munting prinsesa. Nagulat sila Reino sa nakita at kakayahan ng batang prinsesa. Sa isang iglap lang ay tumba na ang kaniyang mga tauhan.Kung walang binatbat ang mga tauhan ng hari sa tauhan ni Reino, mas walang binatbat ang mga tauhan ni Reino sa iisang mumunting bata. Tinalo sila ng isang bata? Nakakahiya sila, isang bata lang ang nakapagpataob sa kanila.Talagang sinanay ng mabuti ng hari ang kaniyang mga anak upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili. Tama nga ang kalkulasyon ng hari sa darating na panganib sa Spain."Fácil." (Easy.) Mayabang na sabi ng munting prinsesa. Nagngitngit naman sa galit si Reino sa kaniyang pamangkin. Isa lang naman siyang munting bata pero kung makapagsalita ay mas malakas na siya sa kaniya.Agad namang hinigot ni Reino ang kaniyang baril at pinaputukan ang prinsesa. "Huwaggg!!" Agad na humarang ang reyna sa anak nito kaya't nagulat ang prinsesa sa nangyari."Mommy!!" Sigaw ng munting prinsesa. "Mommy, why did you that? Kaya ko naman protektahan sarili ko." Umiiyak na sabi ng munting bata sa kaniyang ina. "A-Ayoko masaktan ka. Sumama k-ka kay yaya Binang mo." Nahihirapang sabi ng reyna sa kaniyang anak. Saka humarap sa katulong nila na si Binang."Binang, t-tumakas na k-kayo. Pumunta k-kayo sa Pilipinas. A-Alagaan mo ang anak ko, i-ingatan mo siya." Sabi niya sa pinagkakatiwalaan niyang Pinay na yaya nila. "Opo, mahal na reyna.""¿De qué estás hablando? ¿Qué idioma es ese? ¡¡No importa, atácalos!!" (What are you talking about? What language is that? Nevermind, attack them!!) Sigaw ni Reino kaya agad na sumugod ang mga tauhan nito."SIGE NA UMALIS NA KAYO!!" Sigaw ng reyna kaya't kinaladkad na ni Binang palayo ang prinsesang umiiyak at ayaw pang umalis. Nasa isip niya ay malakas naman na siya pero bakit waka siyang nagawa upang iligtas ang reyna. Walang kwenta ang pagiging top strongest taekwando student sa paaralan nila. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak dahil sa nakikitang kalagayan ng kaniyang ina na unti-unting nawawala sa kaniyang paningin.DINALA ni Tyler si Lily sa isang shopping mall kung nasaan narito ang lahat ng magaganda at pinamahal na uri ng mga damit, sapatos, at bag. Halos ang mga nakikita ni Lily na mga damit ay pamilyar sa kaniya. Sobrang gaganda ng mga ito.Lumapit sa kanila ang isang sales lady. "Hello sir, good morning. How can I help you sir?" Pabebe pang sabi ng sales lady. Napaface-palm naman si Lily sa nakitang ugali ng babae. 'How did he hire this bitchy girl.' Napasabi na lang ni Lily sa kaniyang isip. Hindi niya kasi aakalain na mababa ang standards na kinukuha na employees sa shop na ito."Is Mr. Ling here?" Tanong ni Tyler dito kaya tumango naman ang sales lady na kaharap nila. "What do you want from him Sir?" Tanong ng sales lady kaya tinignan ito ng masama ni Tyler madaming tanong ng sales lady na akala mo'y close na sila. Halata namang nagpapacute ito kay Tyler.Agad namang natakot ang babae at tumingin na lang sa baba dahil hindi nito masabayan ang tingin ni Tyler. "Just call your boss. Tell h
NAGISING si Lily sa pagtama ng liwanag ng araw sa kaniya na nanggagaling sa bintana ng kwarto. Naramdaman pa niyang may mabigat na bagay ang nakapatong sa kaniyang tyan. Tumingin siya rito at nakita niya ang braso ng isang lalaki. Sinundan niya ang brasong iyon ng tingin hanggang sa makita niya ang mahimbing na natutulog na si Tyler sa kaniyang tabi at nakayakap pa sa kaniya. Lumaki ang mga mata niya sa nakita kaya agad itong napabangon at napatili. "AAHHHHH!!!" Dahil sa kaniyang ingay ay agad na napabangon din si Tyler. Nagising ito sa kaniyang malakas na sigaw. Kinuha niya ang kumot at tinago ang katawan mula dito. Napakunot-noo naman si Tyler sa nangyayari. "What happened?" Nagtatakang tanong nito pero agad ding napahawak ito sa ulo dahil sa hangover. "Argh!""Anong ginawa mo sa'kin? Bakit ka andito?" Nagtaka si Tyler sa kaniyang sinabi. "What are you talking about?" Takang tanong nito habang hinihilot pa ang ulo nito. Iniisip ni Lily na may nangyari sa kanilang dalawa pero bakit
MAAYOS na natapos ang kasal sa pagitan nila Tyler at Lily. Hapon na ng matapos ito. Pagkatapos ng kasal ay umalis kaagad si Tyler upang pumunta sa kompanya para asikasuhin ang mga naiwan niyang trabaho. Kaya si Lily ay umuwing mag-isa at nagtaxi pauwi sa mansyon ng mga Ferrero. Buti na lang at may cash pa siyang natitira. Tamang tama lang iyon para ipamasahe sa taxi. Nang makauwi siya ay agad siyang pumasok sa mansyon upang pumunta sa kaniyang kwarto. Paakyat pa lamang siya nang may tumawag sa kaniya. Kaya napahinto siya sa pag-akyat. "Lily, you are now wife of my brother. Sabi ni kuya doon ka na daw sa room niya matutulog from now on." Nakangiting pagsisinungaling na sabi ni Melanie. Ang totoo ay ayaw na ayaw ni Tyler na may pumapasok sa room nito. Kahit sino man yan ay ayaw niya. Kahit ang kapatid at ina nito ay hindi nakakapasok dahil pinagbabawal ni Tyler iyon. "Okay." Walang ganang sabi ni Lily kay Melanie at pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan. Naasar naman si Melanie sa par
"HINDI pa rin ako makapaniwala sa nakita natin kanina. How did she have such a necklace like that?" Di makapaniwalang tanong ni Marina sa anak. Nasa isang kwarto silang dalawa at pinag-uusapan ang nangyari kanina. Hindi sila maka move on sa nangyari. Napairap naman sa ire si Melanie tungkol doon. "Of course mom, she's a thief. She stole it." Sagot naman ng kaniyang anak. Napatango-tango naman siya na parang bakit ngayon niya naisip ang bagay na 'yun. "True, such a bitch! Pinagyayabang ang ninakaw niyang kwentas na may camera." Galit na sabi pa ni Marina. "We need to revenge about what she did to you my dear." Dagdag pa niya at humarap sa anak. Napangisi naman ang anak niya sa kaniyang sinabi at parehas silang napatawa na parang nagkaroon sila ng clown na paglalaruan.Samantalang si Lily naman ay nasa kwarto niya na itinuro kanina ni Loring ang mayor doma ng Ferrero. Si Lily ay busy sa pagtatahi at pag-aayos na nasirang wedding gown. Buti na lang at may available na sewing machine sa
HAPON na ng dumating ang mga kakailanganin nila sa kasal kaya hapon na rin naisukat niya ang wedding gown. Ito ay sukat sa katawan ni Janice. Buti na lang at magkaparehas lang sila ng pangangatawan at tangkad. Mas sexy at may hugis nga lang si Lily compared kay Janice kaya medyo maluwang ang bandang tiyan ng wedding gown.Ginawan niya ito ng paraan, tinahi niya ang bandang at sinikipan para humugis sa katawan niya. Tutal magaling naman siyang magtahi dahil hilig niya ito. Nang sinukat niya muli ay sumakto at mas lalong gumanda ang gown na gagamitin niya. Wala namang masama sa ginawa niya dahil hindi rent ang gown na iyon. Binili na iyon ng mga Ferrero, saka ang gown na suot niya ay mismong siya ang gumawa. Sa kaniya galing ang gown na isusuot niya mismo sa kasal. "Oh dear, nagmukha kang tao." Sabi ni Melanie sa kaniya. Walang galang itong nagsalita na akala mo'y ito ang mas matanda sa kaniya. "But it doesn't deserve you. You don't deserve my brother." Dagdag pa nito sa kaniya pero h
PAGKALIPAS ng isang oras ay nakarating sila sa mansyon ng Ferrero Family. Tumingin si Lily sa mansyon na nasa harap niya. Tinignan niya ito na para bang wala lang. Ang ineexpect niya ay mas malaki pa at elegante ang mansyon ng Ferrero ngunit nagkamali siya. Tinignan niya lamang ito na parang normal lang na bahay para sa kaniya. Pero kung tutuusin, ang Ferrero Family ay top 5 na mayaman sa Pilipinas."What's with that look huh? You are not amaze of what you saw?" Cold na pagkakatanong ni Tyler sa kaniya. Nakikita kasi nito sa mukha niya na hindi siya interesado dito. Ni hindi man lang daw siya namangha sa mansyon ng mga Ferrero. Sa totoo ay malawak at malaki ang mansyon ng Ferrero. Maganda, malinis at makikita ang karangyaan pero bakit hindi pa rin namangha ang isang dukha at walang tirahan na katulad niyang babae. 'She's a poor girl but it seems like she doesn't care about our wealth. She's have no reaction at all, she's so interesting.' Sabi ni Tyler sa isip nito.Habang si Lily
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen