Share

Kabanata 18

MALAYO pa lang sa gate nagpatay na si Jacob ng makina ng kanyang motor at inakay na lang iyon hanggang sa makarating siya sa kanilang bakuran. Nakabukas nang bahagya ang main door, pero hindi niya natatanaw ang asawa sa sala o sa may dining table kung saan ito madalas pumuwesto tuwing nagtatrabaho sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok, at noon niya napansin na malinis ang buong kabahayan. Naglinis si Adelyn, at mukhang nauwi iyon sa general cleaning dahil maging ang mga kurtina at punda ng throw pillow ay napalitan na. Sa sobrang busy nilang mag-asawa sa trabaho bibihira iyong mangyari at nagagawa na lang tuwing may espesyal na okasyon.

And then he was suddenly reminded about their wedding anniversary. Sa malamang ay iyon ang dahilan ng paglilinis ng kanyang asawa. May binabalak kaya ito? He hoped there was none. May mga plano na siya para sa araw na iyon at hindi naman niya maaaring sabihin dahil baka ma-spoil pa ang surprise niya para rito.

“Adelyn?” tawag ni Jacob habang n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status