Share

Kabanata 7

NAISIP niya, mas mahalaga kay Vivian ang career bilang modelo kaya hindi nito mabibigyan ng apo ang ina nila.

“P-pero, Ma…” ang layon niya ang magprotesta. It’s unfair! Napakabigat naman yatang kasunduan niyon kapalit ng hinihingi niya at inililimos na pagmamahal mula sa ina.

“Hindi mo kayang gawin? Pwes, wala kang aasahan sa akin!” asik ni Sonia na nagmumura pang tinalikuran siya.

Iniwan siyang tigagal at hindi makahuma. Ganoon ba kababa ang tingin ng ina sa kanya para gawin ang hinihiling nito?

Nagtatalo sa isip kung pagbibigyan ang ina o hindi sa kagustuhan nitong gawin niya kapalit ng inaamot niya buhat dito. Bakit ba napakahirap para sa ina ang mahalin siya?

Ang sakit-sakit namang kahilingan niyon. Lalo na’t wala naman siyang nobyo.

Kanino siya pasisiping?

Sinong matinong lalaki ang bubuntisin siya, mabigyang kasiyahan lamang ang ina?

Mabilis na pinahid ni Jewel ang luhaang mga mata sa pagsigid ng mapait na alaalang iyon sa kanyang gising na diwa. Doon natapos ang pagbaba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status