Walang hinangad sj Rome Saavedra kung hindi ang mapagsilbihan ang lalaking umampon sa kanya. Ang kaparehong ama-amahan na nag-aruga sa kaniya nang mapulot siya nitong pagala-gala sa kalsada ng Reiti, Paso. Para gawin iyon ay kailangan niyang tanggalin ang kahit anong bumabalakid sa plano nito, at isakatuparan ang isang misyong buong buhay niyang pinaghandaan at ipinangakong gawin. Armed with skills and a hunger to be loved back, Rome pointed his sniper gun to the old man who was silently drinking his coffee while reading the early newspaper. It was such a beautiful morning. Pero paano kung kakalabitin na lang niya ang gatilyo ay biglang bumukas ang pintuan ng pinagkukublihan niyang kwarto kasunod ng mahigpit na pagyapos sa kanya ni Margaux Montenegro - ang anak ng milyonaryong dapat niyang paslangin? Anong unang mamamatay? Ang milyonaryong matagal na niyang plinanong paslangin? O ang puso niyang hindi sinasadyang magmahal nang lubos?
View More“SHOOT!” MUNTIK MADAPA si Margaux nang mabali ang takong ng kaniyang high heels. Cursing, she took her shoe off and inspected it. Kung mamalasin nga naman.
Tired from a long flight and with her pair of favorite shoes hanging in her left hand, she continued dragging her baggage against the marble floor of Montenegro Corporation.
Ang totoo ay hindi na niya alam kung may paglalagyan pa siya ng dagdag na disappointment sa kaniyang katawan. Getting there had been a bitch enough; hours of sitting inside a plane, over-priced taxis, and an excessive amount of traffic that is only available in the streets of Manila.
Naipilig ni Margaux ang kaniyang ulo nang maalala ang paghambalang ng mga usisero sa kalsada kanina. Paano nga ba niya makakalimutan ang pinagsasabi ng napagtanungan niya?
"May binaril po, Ma'am!” the witness excitedly reported. Nainip kasi siya sa tagal ng usad ng sasakyan, nagtawag tuloy siya ng street vendor. “Ang galing nga noong eksena! Parang pelikula—"
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng lalaki nang yamot na pagsarahan niya ito ng bintana. Sumasakit na rin ang likod niya sa pagkakaupo sa taxi. May nagbarilan daw sa gitna ng highway, ano namang pakialam niya roon? The only thing she cared about was meeting her papa. Marami na siyang problema para isipin pa ang tsismis na iyon.
‘This is not happening.’ Napabuntong-hininga si Margaux oras na marating ang huling pinto sa pasilyo. Trying to calm herself, she stared at the grandiose door and took another deep breath. Medyo matagal na panahon na rin mula nang huli siyang tumayo sa mismong lugar na ‘yon. Weird, pero wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya kahit ilang taon na ang lumipas— ninenerbiyos pa rin.
She released her breath in a thin whistle while still staring at the door. Parang pinipilipit ang sikmura niya at hindi ‘yon maitatago ng panlalamig ng kaniyang mga daliri.
Nang pakiramdam ni Margaux ay nakapag-relax na siya ay mabilisan niyang inayos ang kaniyang palda. She smoothed her palm over the creases. Pagkatapos ay pinasadahan niya rin ng mga daliri ang kaniyang nakalugay na buhok bago siya mahinang kumatok.
"Papa?" Wala siyang nakuhang sagot.
"Papa? Can I come in?" Still no answer.
"Pa?" Kumatok siya ulit, pero wala pa rin.
Sinipat niya ang kaniyang suot na relo at napakunot-noo nang makita ang oras. Alas-kwatro pa lang ng hapon. It was still office hour.
Curious, dinikit niya ang kaniyang tainga sa pintuan. Nawala ang kaniyang kaba nang makarinig ng mga kaluskos mula sa loob ng k’warto. She knew it—her papa was inside.
Ilang minuto muna siyang nag-isip kung ano ang mas magandang gawin. Galit ba ang kaniyang papa sa kaniya? Sana naman hindi kasi wala pa naman siyang sinasabi rito kung bakit siya umuwi.
A minute later and she was already back to knocking at the door impatiently. Darn etiquette and everything else she learned from school, kailangan niya ang kaniyang ama ngayon.
“Shit!”
Then it happened. Lumagutok ang seradura at bahagyang bumukas ang pinto. Mayamaya pa ay isang estraghero ang sumilip sa makitid na siwang ng pintuan.
She was caught like a deer with headlights. Tuloy ay naibaba niya bigla ang kaniyang braso.
"H-Hi?"alanganing bati ni Margaux. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nauutal. There was something about the man staring at her that she couldn’t explain. Sobrang lamig ng mga mata nito— nakakapanginig.
"Nandiyan ba si Papa? C-Can I come in?"
Hindi sumagot ang matangkad na lalaki. Bagkus ay nanatili lang itong pailalim na nakatingin sa kaniya habang nagkakamot naman siya ng pisngi.
"I'm Margaux Montenegro, Alejandro's daughter." Inabot niya ang palad dito at pilit ngumiti. She would appreciate a polite handshake, kaso ay ni hindi natinag ang kaniyang kaharap. Patamad na tinignan lang nito ang kamay niya, bago binalik ang titig sa kaniyang mukha.
‘Aba’t! Sino ba ito?’ Sa ikalawang pagkakataon ay napapahiyang binawi ni Margaux ang kaniyang palad. Pagkatapos ay taas ang isang kilay na sinuyod niya ng tingin ang lalaki.
Black leather shoes, denim jeans, white tee with their company logo printed across his chest. Iyon lang ang mga napansin niya, pero napatango siya. The mysterious man was far from looking bad. Kahit medyo nakatago ito ay nadama niya ang kakaibang dating ng binata. He was incredibly masculine and...
‘Amber-eyed?’ Napakurap si Margaux. Bihira kasi sa bansang ‘yon ang may ganoong klaseng mga mata. Tila gawa sa apoy ang mga mata ng binata, kabaligtaran ‘yon sa napakalamig nitong dating.
"Umh. So you're from our Maintenance Team? Anong pangalan mo?" Kusang kumilos ang kamay ni Margaux para hawiin ang sariling buhok at kapagkuwa’y ipitin ‘yon sa likod ng kaniyang tainga. Huli na nang matigilan siya at nagtatakang napatingin ulit sa kaharap. Jesus! Nagpapa-cute ba siya talaga sa harap nito? Oh please! Sana hindi.
Naghintay siya ng reaksyon ng kaharap.
At naghintay pa.
At naghintay pa rin makalipas ang ilang segundo hanggang sa tuluyan nang natunaw ang kaniyang ngiti at napataas pang lalo ang kaniyang kilay. "Hindi mo ko kilala, ‘no?"
Hindi pa rin sumagot ang misteryosong lalaki. Napapalatak tuloy si Margaux. Ito siya, ang anak ng may-ari ng kumpanya pero harap-harapang binabalewala ng kung sinong herodes na taga-Maintenance Department lang nila.
"Move your ass, Mr. Deadpan. I'm sending you to HR." Tinalikuran na niya ito. Nakakailang hakbang na siya palayo nang matigilan siya at inis na mapalingon.
"Didn't you hear me? Sundan mo ‘ko sa HR. And please naman, have some courtesy to carry my baggage! Kanina pa ako nauubusan ng—"
Natigilan ang pagsigaw ni Margaux nang sa wakas ay kumilos ang binata. Kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata ay ang mabilis na pagkalat ng lamig sa kaniyang katawan.
Seeing the rest of the stranger was way far from what she readied herself for. Salo ng lalaki ang dumudugong tagiliran nito habang hirap na nangunguyapit sa pader papalapit sa kaniya. He was severely wounded. Tumutulo ang dugo nito sa sahig sa bawat hakbang nito.
“Oh my God...”
Tuloy ang paglapit nito nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Mukhang lethargic na ang estranghero nang itaas nito ang kamay, at sa laking gulat ni Margaux, ay hablutin ang kaniyang balikat.
Lumapat ang duguang palad nito sa kaniya. Akmang sisigaw si Margaux nang walang babalang mawalan ng ulirat ang lalaki at tangayin siya ng bigat nito pabagsak sa sahig.
She could have screamed when his weight pressed on her.
She could have waddled out of his hold and escaped.
She could have done a lot of things other than pathetically lying under his half-dead body while screaming, “Saklolo!”
NAPAKIBINI NG ARAW habang nakatunghay sa Reiti Paso, Italy. Tulad ng masasayang mga oras na dumaan sa munting bahay na 'yon ay naririnig pa rin ang paghampas ng alon sa dalampasigan mula sa kinauupuan ng Don. Napakasarap sa pakiramdam ng hanging gumugulo sa kanyang buhok habang sumisimsim siya ng wine. Mabagal rin ang pagsasayaw ng mga kurtina sa bawat bintana. Sumasaliw iyon sa kanyang mahina paghuni— Alla Mia Amata s'yempre."Papa?"Alejandro pretended not to see the tiny boy who approached his lap. Bagkus ay mas tinaas niya ang hawak na dyaryo para takpan ang kanyang mukha. Nagkunwaring siyang abala. Ganoon pa man ay pasimple niyang ibinaba ang kanyang tuhod para may makapitan ang makulit na paslit."Papa...""Nagbabasa ako, Romano," he playfully dragged the boy's name, copying how the child called his. "Ang daming mga balita na kailangan tingnan ni Papa kasi makakaapekto sa ating kartel—" Napahinto ang kanyang bibig nang maulinigan ang sariling sinabi. Nang makabawi ay mabilis niy
IT WAS THE WORST BATTLE HE HAD FOUGHT. Isang labanan kung saan hindi niya man lang makilala kung sino ang kanyang kalaban. A battle where he had to keep firing his gun while staring at his cara's dying face.Nakalimutan na niya kung ilang bala ba ang bumaon sa kanyang katawan para kay Margaux. His whole body was numb, but then he just couldn't let her go. Blangko na rin ang kanyang isip. Hindi niya na kayang kilalanin ang daan-daang mga duguang mukhang pumapaligid sa kanila.Alejandro's soldiers were fighting like they were a group of hungry beasts. But then, the group that broke through the gate minutes ago, whom he thought were Marco's soldiers, were just as ferocious.Napansin niyang isa sa mga grupo ang prumotekta sa kanya habang tinatakbo ang direksyon ng parking lot. Ilang unipurmadong sundalo rin ang sumalo ng bala para sa kanya. They were willingly giving their lives to him, assuring him that he would get where he needed to.He was in pain— so much of it.Pero hindi 'yon dahil
"MARGAUX." HINDI UMABOT SA PANDINIG ni Margaux ang pagtawag ni Alberta. Tulad kanina ay awtomatikong kumilos ang kanyang kamay para dakutin ang kanyang puson nang kumirot iyon.The drop of sweat that fell on her fist resting on her lap looked blurry. Sobrang sakit ng kanyang nadarama at kinakapos siya ng hininga kahit nakaupo lang siya roon."Ayos ka lang ba, anak?""Tapos ka na bang magsalita?" Mariing naipikit ni Margaux ang kanyang mga mata nang magdoble ang tingin niya sa kaharap. Getting this dizzy and in this much pain weren't what she needed."Patawarin mo 'ko..."Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng matandang babaeng nakaluhod sa kanyang paanan, pero hindi na 'yon rumerehistro sa kanyang isip. Isang bagay na lang kasi ang nanatili roon — ang kanyang caro.Sa dami-dami ng sinabi Alberta, ang natatandaan niya lang ay ang mga katagang 'tunay na anak ng Don' at 'tunay mong ina'. Ewan na ni Margaux kung tama pa ba ang pakikirinig niya sa iba pa. Hindi na rin
ALA-SINGKO PA LAMANG NG UMAGA ay umuugong na ang buong villa. The scent of food, combined with flowers, was lingering in the air. Daan-daang lamesang binalutan ng puting linen ang pumupuno sa kabuuan ng bakuran. Nagmistulang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga katulong sa pagbubuhat ng mga pinggan at kubyertos.Mayroon ding isang grupo ng mga musikero na pinatawag ng dis-oras ng gabi. Nagkukumahog ang mga ito sa kasalukuyan habang pag-aralan ang pinakamasalimuot na musikang kanilang tutugtugin sa kanilang tanang-buhay — ang Alla Mia Amata."Tandaan mo. Kapag nagkamali ka nang isang beses ay magbabago ang kahulugan ng piyesa." Sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo ang Panginoon. Pailalim itong nakatitig sa isang pobrerong kaluluwang may hawak ng violin."S-Señor—""Para sa nag-iisang anak ko 'yan..." Alejandro nodded his head as his amber eyes pierced through the trembling violinist's face. Hindi man ito magsalita ay madali namang hulaan na huling piyesa ng kaawa-awang musikero ang Alla Mia
NAGLALARO ANG MGA DAGA kapag wala ang pusa. Sa kaparehong paraan, naglalaro rin ang mababang klase ng diyos kapag wala ang Panginoon."Nagpakita na ang batang Montenegro." Maingat na inusog ng nakakabatang lalaki ang itim na pyesang hawak nito sa chessboard. Ilang saglit pa ay hininto nito sa harap ng puting reyna - isang nakapagandang babaeng nililok sa salamin - ang hawak nito."Oh, siya nga ba?" Sumagot ng atake ang kalaro nitong matanda. Ginalaw nito ang puting reyna upang sakupin ang kaawa-awang itim na kawal.That made the young man chuckle. Patamad na sinandal nito ang likuran sa mamahaling upuan bago nag-anunsyo, "Yes, Papa. Natagpuan na siya ng mga kawal.""Molto bien..." Binaha ng galak ang boses ng matanda. Pagkatapos ay ginaya nito ang ginawa ng anak at sinandal ang sarili sa upuan. Bakas ang saya sa kilos nito nang kunin ang kopita sa lamesa at sumimsim ng mamahaling alak. "Kumusta naman ang Panginoon? Nagpakita na ba?""Hindi pa," the younger man answered while giving hi
MAHIRAP SABIHIN KUNG ANO ba talaga itsura ng impyerno noong mga oras na 'yon. At three in the morning, hell looked nothing like what the bible said. Madilim. Pagkatapos nagri-ring 'yong telepono hanggang may sumagot boses.[Hello? Parating na siya, Panginoon.]"Mabuti."[Gusto mo bong ipasalubong ko siya sa 'yong mga sundalo?]"Huwag. Hintayin mo siyang makapasok sa teritoryo ko."[P-Pero...]"Maghintay ka lang. Hindi maaring hindi siya sundan siya ni Romano."..Pauwi ako sa villa.Hihingi ako ng tulong kay papa.Mahal na mahal kita.—Margaux :)A THREE-SENTENCE NOTE, A LITTLE SMILEY AFTER IT, and her name written using her red lipstick. Iyon lang ang kinailangan para magunaw ang buong mundo ni Rome habang nakatulala sa harap ng salamin.Pagod na pagod na siya. Ni hindi na nga niya alam kung humihinga pa ba ang kanyang kaluluwa. Napakalamig ng mundo, mainit ang mga braso ni Margaux nang yakapin siya nito kagabi. Damn it. Hindi niya sinasadyang makatulog!That was a reckless move. He
KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses."Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya."[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]"Natural!" Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. "Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?"[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]"Kaladkarin mo siya pabalik." Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. "Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon."..TUMATAWAG SI ALBERTA.Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.'Sasabihin ko ba kay, Rome?' Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang
GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino."Sunugin ninyo," utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.Kawangis ng lugar na 'yon ang langit— kaso may demonyo sa loob."Sunugin ninyo at..." humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. "Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo."..'CAZZATA!' Rome's cuss remained unspoken as he watched his headquarters, 'The Romans', burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.Makapal ang
“GUSTO KO MAKITANG SUOT NINYO ‘YON.” Rome felt his chest tighten. Could he tell his cara about the heavy things pressing him down on that bed? O kaya naman, maari niya bang sabihin dito kung anong sumasakal sa kanya habang nagmamakaawa siyang isuot nito ulit ang damit na ‘yon? He took a deep breath to lessen the pain eating him up. “Please...”“Matagal nang wala ‘yong dress, caro.”Bigong naipikit niya ang kanyang mga mata. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago gumalaw at nilingon ulit ang nag-iisang babaeng kanyang minahal.He saw his cara looking back at him over her beautiful shoulder. Unti-unti bumaba ang kanyang paningin sa likod nito at nagtagal sa dalawang dimples na nasa ibabang bahagi ng spine nito. Then, dotingly, his warm gaze lingered on her hips.The corner of his lips lifted although his smile didn’t reach his sad amber eyes. ‘Nagmamadaling lumaki ang anak ko.’“Huwag ka ngang ngumiti nang ganyan nagmumukha kang sira.” Iritableng boses ni Margaux ang nagpabalik ng p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments