ログインSalamat po sa paghihintay ng update
“Bakit napakaraming typo error ng kontratang ito?” mataas ang boses na sita ni Nikko sa binabasang kontrata.Rinig sa labas ng kanyang opisina ang lakas ng boses ng boss. Hindi nagtagal, lumabas si Vincent bitbit ang isang laptop.“Bakit ba mainit ang ulo ni Sir?” pabulong na tanong ni Grace kay Vincent paglabas ng huli mula sa opisina ng presidente ng JNQ Steel.“Baka pagod. Wala pa siyang pahinga mula nang umuwi galing Cagayan,” sagot ni Vincent habang nire-retrieve ang isang file sa hawak na laptop.Lumabi si Grace. “Pagod o dahil mahigit one week na niyang hindi nakikita si Capt. Marcelo?”Binalikan nang tingin ni Vincent ang babae at sandaling napaisip. “Tingin ko may tama ka diyan.”Naiiling na napangiti si Grace. “Kung tawagan mo na kaya ang future Madam natin?”“Anong sasabihin ko?”“Na pinapatawag siya ni Sir,” sagot ni Grace habang may tinitipa sa computer.Napaisip si Vincent.“Kunsabagay ikaw naman ang ilang beses na niyang nasisigawan,” ngingiti-ngiting sabi ni Grace.“M
Ipinarada ni Helga ang kanyang sasakyan sa basement parking ng isang seven-star hotel sa Parañaque City. Sinipat pa muna niya ang kanyang hitsura sa rearview mirror bago dinampot ang silver purse niyang dala at saka bumaba sa sasakyan. Sumakay siya sa elevator upang umakyat sa 10th floor, kung nasaan ang grand ballroom ng hotel. Pasara na ang elevator door nang may humarang na maputing kamay ng isang lalaki. Napakunot ang noo ni Helga. Nang muling bumukas ang p!nto, nakangiting mukha ni Evander ang bumungad. Umangat ang kaguwapuhan nito sa suot na dark blue tuxedo.“I was calling you pagbaba mo pa lang ng kotse, pinatakbo mo pa ako,” anito na medyo humihingal.Bahagyang kumunot ang noo ni Helga at saka napangiti. “Gaano ba kalayo ang tinakbo mo para hingalin ka nang ganyan?”“Kulang lang siguro ako sa practice, wala na akong kasamang mag-jogging,” nakangusong sabi ni Evan.Natawa si Helga. “Hindi pa ako ina-assign ulit para mag-patrol.”“May special assignment ka nga raw sabi ng HR. S
Magkahawak-kamay sina Helga at Heaven na pumasok sa mansyon ng mga Dela Torre mula sa pintuan sa kusina dahil mas malapit iyon sa kanilang tinitirahan. Nakauwi na sila sa bahay mula sa ospital kahapon at parang nagdahilan lang ang bata dahil malikot na ulit.Nang marating nila ang dining hall, nagliwanag ang mukha ng bata at agad bumitaw sa pagkakahawak ng ina. “Grandma!” hiyaw ni Heaven pagkakita kay Doña Placida.Napangiti si Doña Placida pagkarinig sa boses ni Heaven. “Magaling ka na nga, apo ko!”Yumakap ang bata sa matanda. “Opo. Magaling pong mag-alaga si Mommy Helga.”Pagkatapos humalik sa pisngi ng matanda ay nilapitan din nito sina Abe at Isla para humalik sa pisng. Dinampot pa ni Heaven ang kamay ng bunsong anak ng mga Dela Torre na kalong-kalong ni Isla para ilapat ang munting palad nito sa kanyang pisngi bago nagpunta sa kabilang panig ng mahabang mesa para maupo sa tabi ni Anya na niyakap nang mabilis si Heaven bago inalalayan sa kanyang upuan.Pinatawag silang mag-ina ni
“Helga, stay away from Nathan’s younger brother,” mariing sabi ni Abe pagkapasok na pagkapasok nila sa elevator.Pinamulahan ng kanyang pisngi ang dalaga. “Usap-usapan sa business community ang pagiging babaero niya. Ibang-iba sa ugali ni Nathan,” seryoso pa ring sabi ni Abe.“P-Pero wala naman kaming relasyon, Kuya,” nahihiyang katwiran ni Helga.Tinitigan ni Abe ang reflection ni Helga sa makintab elevator door. “He is good in business, sa sobrang galing makipag-deal kayang-kaya niyang bolahin ang mga babae. Wala siyang sineseryosong babae.”Nahigit ni Helga ang kanyang hininga. May kung anong tumusok sa puso niya. Naalala niya lahat ng ipinapakita sa kanyang pag-aalaga ng lalaki. Bigla niyang kinuwestiyon ang lahat ng iyon.“Work with him as your boss only. Guard your heart,” muling bilin ni Abe na ngayon ay bahagya nang nilingon ang katabing babae. Tumango si Helga. “I understand po. Thank you, Kuya Johan.”Hindi na kumibo si Abe. Nang bumukas ang p!nto, iginiya na niya si Helga
Pagpasok ni Helga sa walk-in closet, napahawak siya sa kanyang dibdib na lumakas ang tibok kanina nang makitang nakatitig sa kanyang labi si Nikko. Mabuti na lamang at nakaiwas siya dahil sigurado siyang ang susunod na gagawin ng lalaki ay hal!kan siya sa labi.Mabilis siyang kumilos dahil kailangan pa niyang i-check ang guimbal kung ligtas ba ilipad. Maliit ito kumpara sa ibang sasakyang panghimpapawid, kaya kailangan din niyang i-check ang weather.Dumaan muna sila sa hangar ng JNQ sa Tuguegarao para mag-full tank at ipa-check na rin sa mekaniko ang makina kung ligtas na bumiyahe sila ni Nikko nang malayo. Nang masigurong okay na ang lahat, lumipad na sila ni Nikko.Busy ang lalaki sa dalawang oras nilang biyahe. Kung hindi sumasagot sa text messages ay may binabasa itong mga dokumento sa hawak na tablet. Hindi niya maiwasang humanga sa lalaki. Nakita niya kung paano magtrabaho ang Kuya Johan at Kuya Harris niya, pero iba ang sipag ni Nikko, kaya kahit pa sabihing bilyonaryo na ang m
Sumibol ang munting kaba sa dibdib ni Helga. Natanong niya ang sarili niya kung iyon na ba ang pinakahihintay niyang ebidensiya laban kay Nikko at kung ito na ang magiging katapusan ng kanyang misyon sa JNQ Steel.Nakita niyang dumilim ang mukha ni Nikko at kumuyom ang dalawang kamao nito. Agad na humakbang patungo sa ikatlong container van ang lalaki. Dahil sa kitang-kitang galit sa mukha nito, curious na sumunod si Helga, ngunit ang isip ay bahagyang lumilipad sa kung ano ang mangyayaring kasunod.Sakaling nasa ikatlong container van ang hinahanap niyang ebidensya laban kay Nikko. Ibig bang sabihin ay hindi na niya muling makikita ang lalaki? Dahil hindi naman ganoon kakapal ang mukha niya na magpakita pa sa lalaki at sa pamilya nito kung siya ang magiging dahilan ng pagkakakulong ng nakababatang Quinn. Bumigat ang kanyang dibdib sa mga naisip. Sandali siyang nahinto sa paghakbang at kinumbinsi ang sarili na tungkulin niya sa bayan ang kanyang ginagawa. Iginala niya ang kanyang
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







