Share

CHAPTER 141 : WEDDING OF WHO?

Author: Nikkinini
last update publish date: 2026-08-16 19:44:58

Pero tulad kanina, nananatili siyang tahimik at walang balak na kausapin ako.

Mas lalo akong binalot ng matinding lamig. Ang mga palad ko ay basang-basa na ng malamig na pawis, at kahit malakas ang aircon sa loob ng kanyang kotse, ramdam na ramdam ko pa rin ang pawis na dumadaloy mula sa aking noo pababa sa aking leeg.

Pasimple kong hinawakan nang mahigpit ang door handle sa aking gilid upang subukang buksan iyon—Wala na akong pakialam kung mamatay ako sa pagtalon sa labas, basta huwag lang mat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ayz Mocha
OMG! MAGPAPAKASAL NA BA?! Eme, thank you Miss A, waiting sa next update! Ang exciting dedma muna sa mga kontrabida
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 141 : WEDDING OF WHO?

    Pero tulad kanina, nananatili siyang tahimik at walang balak na kausapin ako.Mas lalo akong binalot ng matinding lamig. Ang mga palad ko ay basang-basa na ng malamig na pawis, at kahit malakas ang aircon sa loob ng kanyang kotse, ramdam na ramdam ko pa rin ang pawis na dumadaloy mula sa aking noo pababa sa aking leeg.Pasimple kong hinawakan nang mahigpit ang door handle sa aking gilid upang subukang buksan iyon—Wala na akong pakialam kung mamatay ako sa pagtalon sa labas, basta huwag lang matuloy ang binabalak ng lalaking ito!—pero ganoon pa rin, mahigpit pa rin itong naka-lock.Mukhang naramdaman niya ang pagkilos ko kaya naman matalas, at nagbabanta ang mga mata niyang binalingan ako. Napakurap-kurap ako sa takot."Stop running those stupid, suicidal thoughts inside that stubborn head of yours, Maya!" bulyaw niya nang may diin."Saan mo ba kasi ako dadalhin?! Sinisigurado ko sa'yo na gusto ko nang sumuko sa mga otoridad! Akala ko ba doon ang punta natin?! Ano 'to?! Bakit tayo nar

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 140 : JAIL

    Tinitigan ko ang kanyang mukha habang pilit na pinoproseso ang mga sinabi niya. Wished him dead? Akala ko ba mahusay at matalino ang buong Sandoval Group pagdating sa mga masasalimuot na imbestigasyon? Seriously? Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ang pinuno nila sa isang malinaw na edited at sadyang minanipulang video?How utterly incompetent.May bahagi sa akin na gustong matawa sa kahibangan niya. Gustong-gusto kong pabulaan ang bawat maling akusasyon at maling paniniwala na nakatanim sa utak niya, dahil sadyang nakaka-disappoint, na ang isang katulad niyang may kapangyarihan ay madaling mauto sa ganoong klaseng kasinungalingan. Pero sa mga sandaling ito, ang natitirang emosyon ko ay tuluyan nang naubos; nawalan na rin ako ng kahit katiting na gana para makipag-usap pa sa kanya."Let's just go straight to the point, Mr. Sandoval. You want me to rot in jail, right? Oh, heto," pagak kong sambit habang marahas na iniharap ang pareho kong mga braso sa kanyang mukha. "I surrender my

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 139 : WISH

    "Ay, Ma'am! 'Iyong sukli po ni Sir, sandali lang!" nilingon nung kahera ang pwesto ko nang may panghihinayang nang makitang nakalayo na ang lalaki. Maingat niya namang iniabot sa akin ang bungkos ng mga rosas."Heto po 'iyong mga bulaklak ninyo, Ma'am. Ikaw na lang po ang mag-abot nitong natitirang sukli doon sa gwapo mong boyfriend, Ma'am, mabilis siyang lumakad, eh," sabi nung babae sabay tulak ng ilang barya sa tapat ko.Marahas akong umiling sa kanya.Anong boyfriend ang sinasabi mo riyan, ate?! Ni-hindi ko nga ex ang lalaking 'on! We are completely nothing but strangers! "Baka sabihin niya pang pinagnanakawan ko siya. Keep the change mo na lang 'yan, ate, o pambayad niya riyan sa mga bulaklak na sinayang niya... at hindi ko siya boyfriend."Mabilis kong binuhat ang mga bulaklak tsaka ako naglakad palabas ng tindahan.Hindi ko dapat tinatanggap 'to, 'di ba? Bukod sa mahirap paniwalaan ang biglaan naming pagkikita ngayon, mas lalo lang akong nagulantang nang makalabas ako sa shop

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 138 : PAY

    "Hindi ko alam kung sino talaga, Maya. Basta ang sabi sa akin ng administration, isang napakayamang tao raw na ayaw ipabanggit ang pangalan. Siyempre, hindi na ako nagreklamo pa, 'no? Libre na ang lahat ng gamot at ICU room ni Lola Rita, malaking kabawasan na yun sa atin," sabi ni Luna habang inaayos ang kumot ng higaan.Hindi naman siguro pera ng mga Sandoval?Ang isiping iyon ay nanatiling palaisipan sa akin hanggang sa makauwi kaming apat sa bahay ni Luna. Ganoon pa rin naman ang takbo ng gabi namin—walang tigil na bangayan at away sa pagitan nina Chloe at Luna tungkol sa kung sinong mas may karapatang mag-asikaso sa amin.Nang makaakyat kami sa kwarto, agad kong pinagmasdan ang tahimik si Angelo habang nagbibihis ng kanyang pantulog."Why so quiet tonight, Angelo? What's wrong, my big boy?" nag-aalala kong tanong sa kanya, bagamat alam ko naman kung ano ang totoong dahilan ng pananahimik niya.Nilingon niya ako nang may seryosong mukha matapos niyang makapagpalit ng damit tsaka da

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 137 : WHO?

    Magkasabay na nanlaki ang mga mata nina Luna at Chloe sa naging rebelasyon ko."A-Anong sabi mo, Maya?!" natatarantang tanong ni Chloe habang lumalapit sa akin."Teka lang muna, ha! May tutuli ata ako dahil kung ano-anong nakakagulat na bagay ang naririnig ko..." nilingon ni Luna ang pwesto ng aking kapatid habang hawak ang kanyang kanang tenga. "Huy, Bruhilda, tignan mo nga kung may nakabarang dumi sa loob," at pilit niyang inilapit ang kanyang tenga sa mukha ng kapatid ko.Marahas naman siyang itinulak ni Chloe palayo. "Kadiri mo talaga kahit kailan, Luna! Umayos ka nga!"Binalingan muli ako ni Chloe nang may labis na pag-aalala sa kanyang mukha. "What happened, Maya? Ayos ka lang? May nangyari ba?"Nagseryoso na rin si Luna at lumapit sa tabi ko upang makinig.Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng aking buong kalamnan. Nilunok ko ang laway ko at marahan akong umiling. "Hindi niya ako nakita. Nagkausap sina Angelo at Tala, pero mabuti na lang at mabilis na umalis palayo ang an

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 136 : STRAY CAT

    Hindi ako nagkakamali. Even after seven years, kabisado ko pa rin siya nang buong-buo.Nanatili lang akong nakasandal sa malamig na pader, takot na gumalaw o gumawa ng kahit kaunting ingay, pero ang puso ko ay walang tigil sa kabog. Angelo, please! "Who are you talking to, Tala?" Nikolai's authoritative voice echoed."Hey! Stop right there!" sigaw ni Tala.Napasulyap ako nang bahagya sa aking tabi nang makita ang mabilis na pagdaan ni Angelo. Nakakuyom ang kanyang kamay habang nagmamadali sa paglalakad."Who was that child, Tala?" Nikolai asked.Narinig ko ang mumunti nilang galaw. Hindi ko matukoy kung paalis na ba sila sa pwesto nila o mananatili pa."It's just a random, stubborn kid, Dad. Nabangga ko lang siya habang naglalakad, hindi kasi tumitingin sa daan," sagot naman nung dalaga."Why are you even roaming around here? I'm done with my meeting with the board, let's go home. I told you not to go anywhere without my permission," matigas niyang saad.Unti-unting lumalapit ang

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 5 : THE PROFESSOR'S COUNTER-ATTACK

    “Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 4 : THE OUTRAGEOUS PROPOSAL

    Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 3 : THE LITTLE RUNAWAY

    “Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 2 : THE BILLIONAIRE'S DISDAIN

    “Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status