Share

Special Chapter

"1 caramel frappe, Miss.." Nakangiti kong sambit sa nakayukong si Wren. Nadatnan ko itong abala sa coffee machine, tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Saka lamang ito nag-angat ng tingin nang marinig nito ang boses ko. Tinaasan ako nito ng kilay samantalang binigyan ko siya isang matamis na ngiti.

"Naligaw kaba?" Umiling ako sa naging tanong nito saka siya tinitigan ng mabuti. "So, anong ginagawa mo rito?"

"Magkakape?" Alinlangan kong sagot. Lalong tumaas ang kilay niya saka inayos ang apron na suot at muling itinuon ang atensyon sa coffee machine. "Busy?"

"Obviously, Aria? Kailangan mo pa bang itanong, e nakikita mo na nga diba?" Mataray niyang tugon ng hindi ibinabaling ang tingin sa akin. Pansin ko ang itim sa ilalim ng mata nito. Halata ang puyat at pagod sa kaniya. Hindi na ako umimik muli, pinanuod ko na lamang siya, base sa galaw ng kamay niya ay halatang sanay na sanay na ito sa kaniyang ginagawa. Dahil sa ginawa kong hindi pagsagot ay muli siyang tumigil at bumuntong hining
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status