Share

Chapter 10 - One Last Hope

Author: Lirp49
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-14 23:48:32

MAHIGIT isang oras nang nagmamaneho si Clara kaya pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan sa pagod. Pero nang makita ang kaibigang si Janice na naghihintay sa labas ng apartment building nito ay gumaan ang pakiramdam niya.

Nakasandal ito sa gate habang nakahalukipkip at nang makita ang sasakyan niya ay agad tumayo nang maayos, may ngiti sa labi. “Finally!” masayang sambit ni Janice.

Hindi pa man nakabababa si Clara ay dali-dali na siyang hinila palabas para yakapin. Matapos ay hinawakan ang m
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
sna tuloy tuloy n ang update dto
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 10 - One Last Hope

    MAHIGIT isang oras nang nagmamaneho si Clara kaya pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan sa pagod. Pero nang makita ang kaibigang si Janice na naghihintay sa labas ng apartment building nito ay gumaan ang pakiramdam niya.Nakasandal ito sa gate habang nakahalukipkip at nang makita ang sasakyan niya ay agad tumayo nang maayos, may ngiti sa labi. “Finally!” masayang sambit ni Janice.Hindi pa man nakabababa si Clara ay dali-dali na siyang hinila palabas para yakapin. Matapos ay hinawakan ang magkabila niyang pisngi, pinakatitigan nang mabuti ang kanyang mukha. "Anong ginawa sa'yo ni Ethan?""Wala," pagsisinungaling niya, nais iiwas ang mukha."Anong wala? Kitang-kita na galing ka sa iyak.""Alam mo naman na mababaw lang ang luha ko." Hinawakan pa ni Clara ang kamay ng kaibigan.Bumuntong-hininga na lamang si Janice at pagkatapos ay marahang hinila ang kaibigan papasok sa apartment na pagmamay-ari niya. Sampung unit lahat ang pinapaupahan at iyon na rin ang source of income.Naupo sil

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 9 - Leaving

    HINDI nagustuhan ni Ethan ang narinig kaya hinawakan niya ang braso ng asawa sabay hila. "Sumusobra ka na!"Nasaktan si Clara, ngunit hindi siya natinag. Akala niya, maiibsan ang sama ng loob sa paglipas ng mga araw pero mali siya, dahil mas tumitindi lang."Ni hindi ka man lang tumawag o kahit nagtext man lang… May asawa pa ba talaga ako, ha, Ethan?" Kahit naluluha na ng mga sandaling iyon ay malakas pa rin ang loob niyang harapin at tingnan ito direktra sa mga mata para ipakita ang nararamdaman. "I hate you!" puno ng pagkamuhi niyang sabi sa kabila ng mahinahon na tono. Matapos ay marahas niyang binawi ang braso, hindi pa siya nakuntento at tiningnan nang masama si Mina. "Magpakasaya kayo." Sabay takbo patungo sa kwarto.Akmang hahabol si Ethan nang pigilan ni Mina. "Hayaan na muna natin siya. Sooner or later ay mare-realize niyang masiyado lang siyang nag-iisip ng masama tungkol sa'tin."Napatingin si Ethan, may punto ito ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt. "Kakausapin

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 8 - Nowhere to Rest

    LIMANG araw ng naka-duty si Clara sa ospital, noong una ay wala pang napapansin ang mga kapwa katrabaho pero sa ikatlong araw ay nagtatanong na ang mga ito.May nakahula pa ngang nag-away sila ni Ethan pero hindi siya nagsalita. Ayaw niyang mapag-usapan lalo pa at hindi madali ang trabaho nila bilang nurse, baka maapektuhan pa siya sa maririnig."Nurse Clara, ayos ka lang ba?" tanong ng isa niyang kasamahan.Nasa nurse station siya ngayon, busy sa pagsusulat ng bagong record ng pasiyente. Nang marinig ang tanong ng kasamahan ay nag-angat siya ng tingin sabay ngiti. "Oo naman. Hindi lang masiyadong nakatulog kanina.""Pa'no ka naman makakatulog ng maayos sa staff lounge? Eh, hindi ka naman sanay, 'di ba nga hindi ka nakakatulog nang maayos kapag 'di mo kama ang hinihigaan?"Napakurap si Clara sabay ngiti, piniling hindi na lamang magkumento saka inabala ang sarili. Mga bandang hapon ay ramdam na niya ang bigat ng pakiramdam.Nariyang nahihilo na siya kaya nagpunta siya sa staff lounge

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 7 - Buried Truths

    BIGLANG nanuyo ang lalamunan ni Ethan matapos marinig ang tanong ng kapatid.“Anong ginagawa ni Mina at Nathan sa bahay mo?” tanong muli ni Ysabelle.Tahimik si Ethan habang nakatingin sa mag-ina na nasa may hagdan. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha ni Mina.Samantalang naghihintay naman ng sagot si Ysabelle.Sa may hagdan ay pigil hininga si Mina habang yakap ang anak. Mahigpit pa niyang tinakpan ang bibig ng bata, na tila naguguluhan sa nangyayari.“Ahm… Ate,” panimula ni Ethan, pilit kinakalma ang boses. “Sino-sino ba ang mga dumating diyan? Marami ba?” pag-iiba niya ng usapan.Ngunit hindi nagpadaig si Ysabelle. Hindi siya madi-distract sa tanong nito. “Ethan,” malamig na tawag niya sa kapatid. “Sagutin mong tanong ko. Anong ginagawa nila diyan? 'Wag kang magkakamaling sabihing mali lang ako ng dinig dahil rinig na rinig ko ang boses ng babaeng 'yan.”Saglit na napapikit si Ethan. Wala na siyang lusot pa. “Wala na silang mapupuntahan, Ate, kaya pinatuloy ko sa bahay."Nabigla si

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 6 - The Choice He Couldn't Make

    HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato pero pinipigilan siya nito, sinasabing huwag ng magpagod."Ang mas mabuti pa ay magpahinga ka na, dadalhin ko 'to bukas para ipaayos kaya 'wag ka ng umiyak."Umiiling-iling si Clara, kahit anong assurance pa ang sabihin nito ay nahihirapan siyang maniwala. Oo, posibleng maibalik sa dati ang litrato pero alam niya, mag-iiba pa rin ito kaysa sa origihinal na itsura."Patirahin mo sila sa ibang lugar, 'wag dito.""Ano?" naguguluhang tanong ni Ethan. "Sina Mina at Nathan ba ang tinutukoy mo?""Ayoko sila rito.""Clara… hindi ko akalaing ganyan ka pala. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Wala na silang ibang mapupuntahan. Saka, bata lang si Nathan, hindi niya sinasadyang punitin ang litrato."Mariing

  • Remarried: Carrying the Tycoon's Child   Chapter 5 - Torn Memories

    MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kayo aalis?"Saglit siyang tumahimik upang mas magkaroon pa ng interes si Ethan na magtanong. "Dahil ba kay Clara?""Ayaw niya atang nandito kami ni Nathan. Kaysa makagulo ay aalis na lang kami.""Ano bang sinasabi mo?! Hindi kayo aalis dito ni Nathan kahit na anong mangyari. Kakausapin ko ulit si Clara, sa ayaw niya man sa gusto ay dito lang kayong dalawa," saad ni Ethan, halatang naiinis sa asawa.Napangiti naman si Mina saka nagpasiyang kumain na parang walang nangyari. Dahil nakuha na niya ang gusto ay kontento na siya ng sandaling iyon.Masaya silang kumakain na tatlo na para bang sila ang tunay na pamilya habang si Clara ay nagkulong sa kwarto, masama ang loob.Ni hindi na nga siya inakya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status