Share

CHAPTER 14

last update publish date: 2026-06-02 13:40:02

Makalipas ang dalawang araw tuluyan nang nakarekober si Ashton. Masigla na ulit itong nakikipagkwentuhan sa mga nurse at masaya nang naglalaro gamit ang stuffed dinosaur na regalo ni Xavian.

Habang inaayos ni Astrid ang mga gamit nila para sa discharge, tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Xavian mula sa kabilang bahagi ng silid. Hindi pa rin siya sanay. Hindi pa rin siya sanay na makita itong kasama nila araw-araw. Parang panaginip. O kaya naman isang bagay na anumang oras ay maaaring mawala.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Running Away With His Child   CHAPTER 15

    Hindi agad nakaalis si Astrid mula sa hospital lobby.Matapos ang pag-uusap nila ni Alena, pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na bumagsak sa balikat niya. Mga bagay na hindi niya alam noon. Mga katotohanang hindi kailanman sinabi ni Xavian. At mga tanong na mas lalo lamang dumami.Tahimik na nagpaalam si Alena ilang minuto matapos iyon. Wala nang drama. Wala nang paninisi. Ngunit naiwan ang bigat ng mga sinabi nito."Take care of yourself, Astrid."Iyon ang huling sinabi nito bago tuluyang umalis. At hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin iyon sa isip niya."Mama?"Napakurap siya. Napatingin siya kay Ashton na nakahawak sa kamay niya."Can we go home now?"Agad siyang napangiti."Of course, baby."Tumango naman ang bata. Ngunit bago pa sila makaalis ay narinig niya ang boses ni Xavian."I'll drive you home."Agad siyang natigilan. At gaya ng dati...Awtomatikong gusto niyang tumanggi. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay sumingit si Ashton."Yes!"Napatawa agad si Xavian. Sama

  • Running Away With His Child   CHAPTER 14

    Makalipas ang dalawang araw tuluyan nang nakarekober si Ashton. Masigla na ulit itong nakikipagkwentuhan sa mga nurse at masaya nang naglalaro gamit ang stuffed dinosaur na regalo ni Xavian.Habang inaayos ni Astrid ang mga gamit nila para sa discharge, tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Xavian mula sa kabilang bahagi ng silid. Hindi pa rin siya sanay. Hindi pa rin siya sanay na makita itong kasama nila araw-araw. Parang panaginip. O kaya naman isang bagay na anumang oras ay maaaring mawala."Mama, can Dino ride in the car?" seryosong tanong ni Ashton habang yakap-yakap ang stuffed toy.Napatawa si Astrid."Of course."Agad namang ngumiti ang bata."Yay!"Tahimik na napangiti rin si Xavian. Simple lang ang eksena. Ngunit para sa kanya, ito na yata ang pinakamagandang umaga sa loob ng maraming taon.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas ang tatlo sa hospital room. Bitbit ni Xavian ang ilan sa mga gamit ni Ashton habang hawak naman ni Astrid ang discharge papers. Masayang

  • Running Away With His Child   CHAPTER 13

    Tahimik ang buong hospital room matapos sabihin ni Ashton ang mga salitang iyon.“Then say sorry.”Parang biglang huminto ang mundo. Nakatayo lang si Astrid malapit sa pintuan habang nanlalaki ang mga mata. Samantalang si Xavian naman ay nakaluhod pa rin sa harap ni Ashton habang hawak ng maliit na kamay ng bata ang kamay niya.At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon…Pakiramdam ni Xavian ay may unti-unting bumabasag sa matigas na pader sa paligid ng puso niya.Tahimik siyang napatawa nang mahina. Ngunit may halong sakit iyon.“You really think saying sorry fixes everything?” mahina nitong tanong kay Ashton.Nag-isip naman ang bata saka bahagyang kumunot-noo.“Sometimes.”Tahimik ulit. Pagkatapos ay marahan na ngumiti si Ashton.“Teacher said kapag nag-sorry ka, dapat sincere.”At doon tuluyang napayuko si Xavian. Dahil hindi alam ng batang ito… Kung gaano kalalim ang tama ng simpleng salita niya. Mabagal nitong hinaplos ang maliit na kamay ni Ashton.“You’re smart.”Ngumiti n

  • Running Away With His Child   CHAPTER 12

    Tahimik ang hospital room. Tanging mahinang tunog lang ng heart monitor at air conditioner ang maririnig habang nakaupo si Ashton sa kama at masayang kumakain ng strawberry jelly na binili ng nurse para sa kanya. Samantalang si Astrid naman ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang anak.Pero kahit kalmado ang paligid…Magulo ang isip niya.Dahil hindi niya mapigilang mapansin kung gaano kabilis naging komportable si Ashton kay Xavian. At mas lalong hindi niya mapigilang makita kung gaano kasaya si Xavian habang kausap ang bata. Parang…parang matagal na nitong gustong maging ama.“Mama,” biglang tawag ni Ashton.Napakurap siya.“Yes, baby?”“Can tall man come tomorrow too?”Nanigas agad siya. Tahimik naman na napatingin si Xavian kay Ashton mula sa couch sa kabilang side ng kwarto. At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon…parang may warmth na lumitaw sa malamlam nitong mga mata.“Tall man?” mahina nitong ulit.Ngumiti si Ashton.“I still don’t know you

  • Running Away With His Child   CHAPTER 11

    Tahimik ang buong opisina. Tanging mahinang tunog lang ng air conditioner ang maririnig habang magkatapat na nakaupo sina Astrid at Xavian.Ngunit para kay Astrid…parang napakalakas ng tibok ng puso niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig mula sa lalaki.“Don’t punish me by taking my son away before I even get the chance to love him.”Five years ago, hindi niya kailanman inakalang maririnig niya kay Xavian ang ganoong klase ng salita. Dati kasi, kapag may gusto ito, kinukuha nito. Kapag nagagalit ito, sumasabog ito. At kapag nasasaktan ito, lalong nagiging mapanganib. Pero ngayon parang ibang tao ang kaharap niya. At iyon mismo ang nagpapagulo sa isip niya.Dahan-dahang tumayo si Xavian mula sa pagkakaluhod sa harap niya. Ngunit hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya.“I’m not asking you to forgive me immediately,” mababa nitong saad. “Pero bigyan mo naman ako ng chance.”Mariing napapikit si Astrid. Chance. Ilang beses niya ring hiniling noon na sana magbago si Xavian.

  • Running Away With His Child   CHAPTER 10

    Hindi alam ni Astrid kung paano siya nakauwi nang araw na iyon. Magulo ang isip niya. At habang paulit-ulit niyang iniisip ang mga sinabi ni Xavian…mas lalo siyang kinakabahan.“I want the chance to be his father.”Dati, kapag naiisip niyang malalaman ni Xavian ang tungkol kay Ashton, galit agad ang pumapasok sa isip niya. Possessive, violent, at controlling kasi si Xavian pero ngayon…parang may nagbabago. At iyon ang mas lalong nakakatakot. Dahil mas mahirap labanan si Xavian kapag hindi ito galit.Pagdating niya sa condo ay agad siyang sinalubong ni Ashton.“Mama!”Napangiti siya nang pilit habang niyayakap ang anak.“Hey, baby.”“Mukha kang pagod.”Napatawa siya nang mahina. Masyadong observant ang batang ito.“Long day.”Agad namang hinawakan ni Ashton ang kamay niya.“Come! I drew something!”Bahagya siyang napangiti habang hinahayaan ang anak na hilahin siya papunta sa maliit nitong study corner. At doon…biglang huminto ang paghinga niya.May drawing si Ashton. Tatlong tao. Isan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status