로그인![SECRETLY MARRIED to My Father's COLLEAGUE [A.G.S #2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
SABRINA DE VERA’S POV
“Annulment?” Parang bumagal ang mundo ko sa narinig kong salita. Napatigil ako sa paglalakad sa may hagdan, hawak pa rin ang strap ng bag ko habang nakatitig sa sala kung saan naroon si Mommy at ang kaibigan niya. “Matagal ko na itong iniisip,” narinig kong sabi ni Mommy, mahina pero malinaw. “Hindi na kami masaya. And I think… it’s time.” Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi na masaya? Ganun na lang ‘yon? Bigla akong bumaba ng hagdan, hindi na iniisip kung maririnig nila ako. “Mom.” Napalingon silang dalawa sa akin. Halata ang gulat sa mukha ni Mommy. “Sabrina… you’re home already?” Tiningnan ko siya nang diretso. “You’re filing an annulment?” Tahimik. Isang segundo. Dalawa. Hanggang sa napabuntong-hininga siya. “Hindi mo dapat nalaman sa ganitong paraan—” “Then how, Mom?” putol ko agad, bahagyang tumataas ang boses ko. “Kailan mo balak sabihin? Kapag tapos na?” “Sabrina, lower your voice—” “No!” Napailing ako, ramdam ang init ng ulo ko. “You’re talking about ending your marriage like it’s nothing!” “It's not like that, Sabrina,’” sagot niya, mas seryoso na. “Matagal na kaming may problema ng Daddy mo.” “Then fix it!” Halos matawa ako sa frustration. “Hindi ‘yong tatakbuhan niyo lang!” Biglang tumalim ang tingin niya sa akin. “You don’t understand, Sabrina.” “Then make me understand!” sigaw ko. “Because all I see is you giving up!” Tahimik ulit. Mas mabigat. Mas masakit. “Hindi lahat naaayos, anak,” mahina niyang sabi. “Minsan… kailangan mo nang bitawan. Hindi mo pa iyon naiintindihan kasi bata ka pa." Napakagat ako sa labi ko, pilit pinipigilan ang kung anong gustong kumawala sa dibdib ko. “Or maybe…” mapakla akong ngumiti, “you just don’t want to try anymore.” “Sabrina.” “Fine,” tumango ako, mabilis na pinunasan ang mata ko kahit hindi pa naman ako umiiyak. “Do whatever you want.” Kinuha ko ang bag ko at tumalikod. “Sabrina, saan ka pupunta?” “Out,” malamig kong sagot, hindi na lumilingon. “Sabrina De Vera, bumalik ka rito—” Pero hindi na ako huminto. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng gate. ~~~~ Hindi ko alam kung gaano ako kabilis nagmaneho. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis. Kailangan kong huminga. Kailangan kong makalimot. Kaya dumiretsyo ako sa lugar kung saan maingay, maraming tao at tiyak akong makakalimot ako. Sa bar. Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ng malakas na tugtog at ilaw na sumasayaw sa dilim. “Sabrina!” sigaw ni Danica nang makita ako. “Finally!” Maging ang ibang kasama niya sa table ay napalingon sa akin at namumukhaan ko ang ilan sa kanila. "Shot!!!" salubong sa akin ni Kristofer, kahit na hindi pa man ako tuluyang nakalapit sa lamesa. Napangiti na lamang ako sabay abot ng baso at walang sabi-sabing ininom iyon. At lahat sila ay napasigaw dahil sa ginawa ko. "INOM PA!!!" sigaw nilang lahat, muli nilang sinalinan ang baso ko at pagkatapos niyon ay nagtaas kami lahat ng baso sa ere. "SHOT!!!" sabay-sabay naming sigaw at tinungga ang baso. Nasundan pa iyon ng isa... dalawa, hanggang sa dumami na at hindi ko na mabilang. Tanging naramdaman ko na lamang ay parang tinatamaan na ako ng alak, pero kayang-kaya ko pang uminom ng marami. “Grabe ka, girl,” natatawang sabi ng isa sa mga kaklase ko. “Anong meron sa’yo tonight? bakit mukhang gustong-gusto ming uminon?" “Wala,” kibit-balikat ko. “Gusto ko lang mag-enjoy.” “Talaga lang ha?” singit ng isa pa, nakangisi. “Or may tinatakasan?” Napairap ako. “Ang dami niyong tanong.. mas mabuti pa bigyan niya ako ng lalaki para mas lalo akong mag-enjoy...." malanding tugon ko at nagkatinginan silang dalawa. Makalipas ang ilang segundo ay humarap sa akin si Danica. “Fine,” tumawa siya, saka uminom. “Let’s make this night interesting.” “Bet tayo,” sabat naman ni Janice, sabay baling sa ibang direksyon. "You see that guy over there?" Sinundan ko ang tingin niya. At doon ko nakita ang isang lalaking napapalibutan ng mga tao.. he looks confident, well-known, at halatang hindi basta-basta. “Casper Jimenez,” bulong nila. “Celebrity and fantasize by most of the women." Napataas ang kilay ko. “So?” “So,” ngumisi siya, “seduce him.” Natawa ako. “That’s it?” “Make him want you,” dagdag pa ng isa. “One night. Prove you can.” I smiled. Slow. Dangerous. Reckless. “Fine,” sabi ko, sabay tayo ng shot. “I’ll do it..." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako papalapit kay Casper Jimenez. And as expected... I got him so easily. ~~~~~ KINABUKASAN.... Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Mabigat ang ulo ko. Parang umiikot ang buong paligid habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Music. Mga inuman, tawanan at ang pustahan naming magkakaibigan. Napangiti ako nang bahagya, dahan-dahang iniangat ang tingin ko, pero agad ding nawala ang ngiti ko. Nang makita kong ibang lalaki ang nasa tabi ko. Malapad ang balikat. His presence alone felt… heavy. Dominating. Hindi ko siya kilala. “Oh my God…” Bigla akong napabangon, halos matumba sa pagmamadali. Napatakip ako ng bibig ko, pilit pinipigilan ang sarili na mapasigaw. Anong ginawa ko? Anong nangyari kagabi? Mabilis akong bumaba ng kama, nanginginig ang kamay habang isa-isang pinupulot ang mga damit ko sa sahig. Hindi ko na inayos ang sarili ko. Hindi ko na inisip kung ano ang itsura ko ngayon dahil kailangan kong makaaalis bago niya pa man ako makita. Muli akong lumingon sa kama. At nakita kong tulog pa din siya at walang kaalam-alam sa ginagawa ako. Agad akong tumalikod. At tumakbo palabas. Halos hindi ko maramdaman ang paa ko habang tumatakbo palayo sa kwartong iyon. “What have I done…” mahina kong bulong sa sarili ko. Dapat si Casper Jimenez ang nakita ko, pero hindi... Siya dapat. Pero bakit…? Bakit ibang lalaki ang nasa tabi ko. And what if... what if he is a k!ller and he was sent to k!ll me, and I ended up sleeping with him Instead? TO BE CONTINUED....KAZRIEL HECTOR VALDERAMA'S POV "Akala ko ba ay gusto mo si Virelle? Eh bakit hinahayaan mo ang ibang lalaki na lumapit sa kanya nang ganyan?" utas na sambit ni Manuel habang nakaturo sa direksyon ni Virelle. Kasalukuyan itong umiinom sa mesang ilang metro ang layo sa kinaroroonan ko. I didn't say anything ang just stared at their direction. Carefully watching their every movement, especially that man sitting beside her. Masyadong itong malapit sa kanya na para bang iyon na lamang kaliit ang upuan. At ang mas nakakainis? Tumatawa siya. Nakikita ko kung gaano kalawak ang ngiti niya habang may sinasabi sa kanya. At si Virelle ay ngumingiti rin na parang wala lang. I clenched my jaw. "Bro." Napalingon ako kay Manuel. "What?" "You been staring at them," natatawa nitong komento. "So what?" "You're practically burning a hole through that guy's head." I scoffed. "Wala akong pakialam sa lalaking 'yan." "Sure." Hindi ko siya pinansin. Muli akong tumingin kay Virelle.
HECTOR VALDERAMA'S POV "Kazriel!!" i growled when he suddenly jumped in the pool. Halos liparin ko na ang distansya ko mula sa pool sa sobrang bilis ng takbo ko. Without a second thought, i jumped in and wrapped my arms around his body. Then swim into the surface. "What do you think you're doing?" tanong ko sa kanya nang makaahon na kami. Maya-maya pa ay lumabas si Shania, lumapit siya sa amin at lumuhod sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin kay Kazriel, halos hindi na ito makatingin sa amin. Hindi niya alam kung saan siya haharap sa kakaiwas sa aming mga matang nakatutok sa kanya. "Kazriel..." Shania called his name with a warning tone. Ilang sandali lang ay tuluyan na itong humarap sa amin. Mariin ang pagkakadikit ng kanyang mga labi at unti-unting namumula ang mga mata. "I-I'm s-sorry," he said, sudden burst out crying. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shania ng bigla itong yumakap sa kanya. At sa bawat segundong lumilipas ay palakas nang palakas ang iyak niya. "M
SHANIA'S POVHindi ko namalayang muli akong napaluha. Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa pananabik at saya na makita ang anak ko. Ilang minuto matapos akong magising ay marahang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang nurse. May karga siyang maliit na bundle na nakabalot sa puting kumot. At masyadong maingat ang pagkakakarga niya doon.Parang kusang huminto ang paghinga ko.Hindi ko maialis ang tingin ko roon.Ngumiti ang nurse."Ready na po ba kayong makita ang baby ninyo, Mrs. Valderama?"Hindi ko agad nasagot. Tumango lang ako habang tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.Napansin kong agad na lumapit si Hector sa gilid ng kama ko. Maingat niyang inalalayan ang likod ko upang bahagya akong makaupo nang maayos."Easy..."..ahina niyang bulong. "Huwag mong biglain ang sarili mo."Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa maliit na sanggol na papalapit sa amin. Hanggang sa tuluyan siyang inilagay ng nurse sa mga bisig ko.Nanigas ako. Parang natakot ako bigla na gumalaw.Napakaliit
SHANIA'S POV Unti-unti kong naramdaman ang bigat ng mga talukap ko. Parang napakahaba ng naging tulog ko. Mabigat ang buong katawan ko. May bahagyang kirot sa ibabang bahagi ng tiyan ko. At bawat paghinga ko ay parang may kung anong humihila sa dibdib ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Malabong kisame. Puting ilaw. Amoy ng antiseptic.Iyon ang agad na sumalubong sa akin. Napakurap ako nang ilang ulit hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Nasa isang pribadong silid na ako. At tahimik ang paligid, tanging mahinang tunog lamang ng monitor ang naririnig ko. Marahan kong iginala ang tingin ko. Hanggang sa may napansin akong init sa kaliwa kong kamay. Bahagya kong ibinaba ang aking tingin at agad na nakita si Hector. Nakaupo siya sa tabi ng kama ko habang nakayuko. Nakapatong ang noo niya sa gilid ng kama, at mahigpit pa ring nakakapit ang mga daliri niya sa kamay ko. Para bang natatakot siyang bumitaw. Napangiti ako. Kahit magulo ang buhok niya. Kahit
HECTOR VALDERAMA'S POVSabay-sabay kaming napatingin nang bumukas ang pinto. Unang lumabas ang doktor.Nakatanggal na ang surgical cap niya.Halata ang pagod sa mukha nito.Ngunit may maliit na ngiti sa mukha niya.Agad akong tumayo at halos takbuhin ang distansya palapit sa kanya."Doc..." halos hindi lumabas ang boses ko."Kumusta po ang asawa ko?"Lumapit siya sa amin.Sandaling tumingin sa bawat isa.Pagkatapos ay ngumiti nang mas malaki."Congratulations, Mr. Valderama."Parang huminto ang tibok ng puso ko."The delivery was successful."Hindi ko namalayang napabuga ako ng hangin.Para bang ngayon lang ulit ako nakahinga."Your wife made it through the operation safely."Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko.Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan.Napahawak ako sa mukha ko.Kasunod niyon ay agad kong naramdaman ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko."T-Thank You, Doc..." paulit-ulit kong bulong."Thank you very much," Narinig ko ang hikbi ni Mommy.Paglingon ko ay mahigpit si
HECTOR VALDERAMA'S POVTahimik akong nakatitig sa pulang ilaw sa itaas ng pinto.IN OPERATION.Tatlong simpleng salita. Pero pakiramdam ko ay kaya nitong durugin ang buong pagkatao ko.Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko.Ilang beses akong nakiusap sa doktor na hayaan akong samahan si Shania sa loob. Pero si Shania mismo ang tumanggi.Iginagalang ko ang hiling niya. Kahit pakiramdam ko ay unti-unti akong kinakain ng takot.Napaupo ako sa isa sa mga upuan sa hallway.Iniyuko ko ang ulo ko. At doon ko lang napagtantong nanginginig na pala ang dalawa kong kamay."Please..." mahina kong bulong. "Please let her come back to me..."Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang inuusal ang panalanging iyon. Paulit-ulit. Na para bang kapag tumigil ako ay may masamang mangyayari.Makalipas ang ilang minuto...Narinig ko ang sunod-sunod na yabag ng mga paa.Agad akong napalingon sa direksyong iyon."Hector!" si Mommy.Halos patakbo siyang lumapit sa akin. Kasunod niya sina Dad at ang mga kapatid
SABRINA DE VERA'S POV (Continuation...) Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Hinila ko na kaagad si Enzo papalayo sa kanila. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Atasha sa likod ko...matalim, galit, halos tumutusok sa balat ko. Pero mas lalo ko lang hinigpitan ang kapit ko kay Enzo ha
SABRINA DE VERA'S POV Nakaupo ako sa isang bakal na silya. At sa harapan ko at nakatayo si Janice at Mariel, parehong naka-krus ang mga braso at matalim akong tinitingnan. Hindi ko na matandaan kung gaano na ako katagal na nakaupo rito. Dahil mula ng mahuli nila kami ni Rouge kanina ay hindi na
SABRINA DE VERA'S POV KASALUKUYAN akong kumakain ng agahan ng marinig ko ang tunog ng bawat yabag ng takong pababa sa hagdan. Hindi ko na iyon nilingon at tuloy lang sa pagkain ng cereals. Ilang sandali pa ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Mommy sa lamesa.Hindi ako nag-abalang lumi
SABRINA DE VERA'S POV Nakatayo ako sa tapat ng pintuan ng bahay ni Rouge. Kanina pa ako doorbell ng doorbell, pero wala akong natanggap na sagot. I tried calling him, message him to inform that I'm currently outside his house. Waiting for him to open the door for me, bago pa man may makakita







