Hindi maiwasan na hindi mapakuyom ang mga kamay ni Andrei pagkalabas nila ng silid kung saan naroon ang impostor na kuya ni Vena. Ayaw nitong magsalita at nananatiling nakatikom ang bibig, sa itsura nito ay mukha talagang wala itong balak na sabihin kung sino ang amo nito.Pero dahil sa hawak nila ang cellphone nito ay kailangan lang nilang ipa- track sa mga tauhan ni Finn kung sino ang lalaking tinawagan nila kanina na ang nakapangalan lang ay boss. Gamit ang numero nito ay masisiguro nila kung sino ito at kung nasaan ito.“Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Huwag ka ng masyadong mag- alala.” sabi ni Zake sa kaniya ngunit napabuntung- hininga lamang siya.“Oo nga, ilang oras lang ay mat- track din nila kung sino ang boss nito.” dagdag naman ni Finn. “Ang pinakamabuti mo munang gawin sa ngayon ay magpahinga kana lang muna dahil baka naman magkasakit ka. Halos hindi ka na yata natutulog.” sabi nito sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napasandal sa upuan at
“At ano naman ang tungkol sa kaniya? Alam mo ba kung nasaan siya?” tanong nito habang nakakunot ang noo.Isang tango ang isinagot niya rito. Tyaka na lamang niya sasabihin sa mga ito ang tunay na nangyari. “Sumama kayo sa akin.” sabi niya at nauna ng sumakay ng kotse niya.Ilang sandali lang ay pinaandar niya iyon at tiningnan niya kung susunod nga ba ang mga ito at sumunod nga sila sakay ng kotse na pinagsakyan ng mga ito kanina.HALOS mag- iisang oras din ang nakalipas bago sila tuluyang nakarating sa lugar kung saan nila iniwanan ang impostor na si Vin. hindi pa rin kasi nila alam o wala pa rin kasi silang nakukuhang impormasyon tungkol rito kahit na ang totoong pangalan nito.Pagkalabas niya nga ng kaniyang sasakyan ay mabilis niyang inantay ang pagdating doon ng sasakyan kung saan nakasakay ang magkapatid na si Luke at si Thirdy. Hindi nga rin nagtagal ay pumarada na rin ang kotse sa harap niya. Mabuti na lang din at hindi niya nakalimutan ang daan patungo doon.Hinintay niyang
Abot- abot ang pagkabog ng dibdib ni Vena habang naglalakad palapit na sa bahay nila. Napalunok siya at pagkatapos ay palingon- lingon sa kaniyang paligid. Takot na takot siya ng mga oras na iyon dahil baka mamaya ay makakita o may makakilala sa kaniya.Kalat pa naman ang issue tungkol sa kaniya at sa pagpapatay niya diumano sa kaniyang ama. Malalim na ang gabi ng mga oras na iyon kaya panatag na rin naman kahit papano ang pakiramdam niya. Hindi naman siguro siya basta- basta makikilala ng mga tao lalo pa at nakasuot naman siya ng shades at nakabalot din ang buo niyang mukha sa isang shawl.Mabuti na lang din at napakiusapan niya si ate Lorna na tulungan siyang makaalis ng islang iyon upang makausap niya ang knaiyang mga kapatid at makahingi ng tulong sa mga ito. Isa pa ay kailangan niyang magpaliwanag rito tungkol sa biglaang pagbabago ng last will ng kaniyang ama at kailangan niya ring dalawin ang puntod ng kaniyang ama upang magbigay ng respeto.Ilang sandali pa ng ay natanaw na ni
“Ano?” kunot na kunot na tanong ni Thirdy nang marinig nila ang sinabi ng tauhan ni Finn na may alam kung sino ang boss na tinawagan nila kanina gamit ang cellphone ng impostor na iyon.Halos pare- pareho sila ng reaksiyon nang marinig nila ang sinabi nito at hindi sila makapaniwala. Maging siya ay gulat na gulat at hindi niya inaasahan na ito pala ang may utak ng lahat ng iyon. Bigla tuloy nabuo ang tanong sa kaniyang isip kung bakit nito nagawa ang mga bagay na iyon. Ano ang nagtulak rito?“Pero bakit?” halos manghinang tanong muli ni Thirdy.Nang lingunin niya ito ay nakasabunot na ito sa buhok at tila ba mababaliw na dahil lang sa nalaman nila ng mga oras na iyon. Maging siya ay nagulat dahil sa nalaman nila, isa pa ay hindi niya inakala na ang boss ng impostor na iyon ay ang lalaking iyon. Wala siyang ideya kung bakit.“Hindi mo ba natatandaan Thirdy noong una siyang dumating sa bahay?” biglang tanong sa kaniya ni Luke na ikinalingon nila rito.Napapikit ng mariin si Thirdy at n
Hindi makapaniwala si Thirdy sa kaniyang nakikita ng mga oras na iyon. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata upang siguruhin lamang na hindi siya namamalikmata ng mga oras na iyon. Pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay naroon pa rin ito.“To- totoo ba itong nakikita ko?” halos nauutal na tanong niya dahil sa sobrang pagkamangha. Baka mamaya ay siya lang pala ang nakakakita rito.“Bakit hindi mo lapitan?” narinig niyang sabi ni Andrei kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na takbuhin ang kama.Nang nasa harap na siya nito ay mabilis niyang niyakap ito at totoo nga.“Daddy!” punong- puno ng emosyon na sambit niya habang yakap- yakap niya ito.Parang ayaw niyang maniwala, parang pinaglalaruan lang siya ng kaniyang paningin pero totoo nga. Buhay ito. Buhay ang kaniyang ama!…“Paanong nangyari ito Andrei?” baling sa kaniya ni Luke habang pinapanuod nila si Thirdy na yakap- yakap pa rin ang Daddy ng mga ito.Napahugot siya ng malalim na buntung hininga.“Itinakas ko siya noong araw na
“Paano nangyari iyon?” mahinang tanong sa kaniya ng ama nila Vena.Nang mga oras na iyon ay halos hindi siya makatingin rito ng diretso dahil ipinangako niya rito na sisiguruhin niyang nasa maayos at safe na lugar si Vena ngunit ganito naman ang nangyari. Kung tutuusin ay wala nga siyang mukhang maihaharap rito pagkatapos nga niyang malaman na nakaalis pala si Vena sa isla sa tulong ni ate Lorna dahil sa sobrang pagmamakaawa nito na tulungan siya.Hindi niya alam kung paano niya ito nakumbinsi ngunit nasisiguro niya na ginawa nito ang lahat ng makakaya nito upang mapapayag niya ito na tulungan siya.“Hindi ko rin po alam. Ang alam ko lang ay nasa mabuti at safe siyang lugar pero ganito naman ang nangyari, pasensiya na po.” paghingi niya rito ng paumanhin. Nasa tabi nito ang dalawang anak nito na kasama niyang nagpunta doon at nakaupo sila sa paanan nito.“Wala naman may gustong mangyari ito lalong- lalo ka na.” sabi nito na ikinagaan ng kalooban niya dahil mukhang hindi naman ito gal
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito at pagkatapos ay lumunok na lamang habang nag- aapuhap ng pwede niyang isagot sa tanong nito. Para siyang na- corner ng mga oras na iyon dahil sa tanong nito, paano niya ba ipapaliwanag ang sarili rito.“Mahal—” pinilit niyang abutin ito ngunit mas umatras lamang ito.Kitang- kita niya ang sakit sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Parang pinipiga ang kaniyang puso habang nakikita niya na tumutulo ang mga luha nito sa mata. Ni minsan ay hindi niya naisip na malalaman nito ang tungkol sa pagtataksil niya.Halos magtatatlong taon na rin naman ang nakalipas noong panahong nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon at nangako naman ito na hindi manggugulo sa kanila kaya naging malinis ang paghihiwalay nila noon. Sa katunayan dahil nga sa maselang pagbubuntis noon ng kaniyang asawa sa pangatlo nilang anak na si Thirdy ay napilitan siyang hindi tabihan ito at halos ayaw din naman siya nitong makita noong panahong iyon dahil sa paglilihi nito.At dahil sa
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Armando upang makipag- usap sa babaeng dahilan kung bakit muntikang masira ang kanilang pamilya. Nangako siya sa kaniyang asawa na kakausapin niya ito at aayusin niya ang gusot na iyon. Ipnangako niya rin sa kaniyang mahal na asawa na wala na itong dapat pang ipag- alala dahil sinisiguro niya na malilinis niya iyon.Mabuti na lamang at mabait ang kaniyang asawa at hindi nito pinairal ang pagiging matigas ang puso nito at inintindi na lang ang mga nangayri. Sa katunayan nga ay ito pa ang nag- sorry sa kaniya dahil alam naman nito na may naging pagkukulang naman talaga ito.Dahil sa impormasyon na ibinigay ng kaniyang asawa sa kaniya ay madali niyang natunton ang bahay nito at halos magulat pa ito nang buksan nito ang pinto. Kitang- kita niya nga ang gulat sa mukha nito nang makita siya, siguro ay hindi nito inasahan na makikita siya nitong nakatayo doon.“A- anong ginagawa mo rito?” nauutal na tanong nito sa kaniya.Hindi niya sinagot ito bagkus ay n