ログインLumi POVHindi ko alam kung sino sa amin ni Sorin ang mas kinakabahan. Ako ba o siya?Pero kung pagbabasehan ko ang paraan ng pagkakahawak niya sa manibela kanina pa, parang gusto kong sabihin na baka siya.Yes, dalawang buwan na akong buntis ngayon. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay sobrang boring talaga dahil naka-stay lang ako sa mansion.At ngayong araw na ito, heto na, napagdesisyunan na naming sabihin na sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Sorin.Hindi na puwedeng kami lang ang nakakaalam. Kapag pinatagal pa namin ito, baka magalit pa sila lalo. Saka, excited na rin kasi akong marinig mismo nina Nanay Yumi at Tatay Atlas ang balita mula sa amin. Oo, alam kong may galit moment pa rin pero alam ko ring magiging okay din sila sa huli. Sana, kasi minsan, mahirap din silang basahin.Tinignan ko ulit si Sorin. Wala siyang kangiti-ngiti sa mukha ngayon. Halata siya masyado. Halatang kabado. Pero, gusto ko na rin kasing ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin. Na ang magiging ama
Lumi POVNapadala na ni Sorin kay Nanay at Tatay ang mga kahon-kahon na grocery. Kaya heto, napakahaba ng message ni Nanay sa akin ngayong umaga.“Anong sabi?” tanong ni Sorin sa akin habang nag-aalmusal kami ngayong umaga. Ngiting-ngiti pa siya.Simula nung malaman niyan nung isang araw na buntis ako, hindi na nawawala ang ngiti niya kapag magkasama kami at magkausap. na para bang excited na rin talaga siyang magkaanak.“Sabi nila, para raw akong nasa ibang bansa. Grabe ka rin daw. Gusto mo raw ba silang magtayo ng grocery doon?”“Oh, anong sagot mo naman?” tanong pa niya.“Sabi ko, ikaw kakong lahat ang namili nun. Ikaw lahat ang nag-isip, hindi ako.”Lumaki ang mga mata niya. “Bakit kasi sinabi mo pa iyon!”“Hayaan mo na, para alam nila. Iyon naman kasi ang totoo. Saka, para alam mo na, para kapag sinabi na natin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko ay medyo mabawasan na ang alam mo na, galit nila at pagkagulat,” sagot ko habang kumakain ng papaya. Tapos na kasi akong mag-almusa
Lumi POVAng unang bagay na naramdaman ko nang magising ako ay ang malamig. Hindi iyong ordinaryong lamig ng aircon sa kuwarto. Mas malamig, at may kakaibang amoy din. Parang gamot.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Doon ko nakita ang puting kisame.Nasaan ako? Bakit ang tahimik?Tinangka kong igalaw ang kamay ko, pero may nakakabit na maliit na IV line sa kamay ko.Napatingin ako roon at napakurap ako.“What the?!”Dahan-dahan kong inilibot ang tingin ko. May nakita akong puting kurtina, hospital bed, at saka si Sorin. Nasa tabi siya ng kama ko, nakaupo, at tahimik. Seryoso rin ang mukha niya. Diretso siyang nakatingin sa akin na para bang matagal na niya akong hinihintay na magising.“S-sorin?”Napatayo siya nang marinig ang boses ko.“You’re awake.”Napatingin ulit ako sa paligid. “Bakit ako nasa ospital?” Hindi siya agad sumagot, kaya mas lalo akong kinabahan. “Ano bang nangyari?”Naalala ko ang huling nangyari. Nag-aayos kami ng mga kahon ng grocery na ipapadala sa mga m
Lumi POVPagod na pagod ako nang makauwi ako sa mansion nang gabing iyon. Buong araw akong nasa main branch ng Sorin Spa dahil sa commercial shoot. Simula umaga, halos paikot-ikot ako sa bawat room para siguraduhing maayos ang lahat. Nakipag-usap ako sa director, sa videographers, sa stylist, sa models at maging sa staff namin.Kaya ang tanging nasa isip ko pagkapasok ko sa mansion ay maligo, kumain at humiga.Pero pagpasok ko pa lang sa living area, agad akong napahinto sa nakita ko.May mga malalaking kahon sa gitna ng sala.Hindi lang isa, dalawa o tatlo, halos limang malalaki at matitibay na kahon ang magkakatabing nakita ko roon. May ilan pang grocery bags sa paligid, at sa gitna ng lahat ng iyon, nakita ko si Sorin kasama ang ilang kasambahay na nagtutulong-tulong ayusin iyon.Abala silang naglalagay ng mga grocery sa loob ng mga kahon.Napakunot-noo ako. Ano na naman ito?“Anong mayroon, Sorin?”Napalingon agad siya nang makita ako.“Oh, you’re home.”“Anong ginagawa ninyo?” ta
Lumi POVMadaling-araw palang ay gising na ako. Mahalagang ganap kasi ang mayroon ngayon dahil isu-shoot na ang bagong mukha o bagong itsura ng main branch ng Sorin Spa.Naisip ko, bago pa ito magalgal, masaraula o magamit na gamit, mas maganda kung maipa-shoot ko na habang bago pa.Kaya alas sais palang ng umaga, nandito na ako sa main branch ng Sorin Spa.“Ma’am Lumi, nandito na po ang first batch ng models.”Agad akong napalingon kay Menda.“Totoo? Ang aga pa ah?”“Yes, Ma’am. Nasa dressing area na po silang lahat.”“Okay, sige, mas maganda nga kung maaga palang ay nandito na sila.”Napatingin ako sa hawak kong production schedule. Nakaayos roon ang buong timeline. Call time. Hair and makeup. Wardrobe. Camera setup. Lighting. Treatment sequences. Food break. Room changes, at maging ang estimated time kung kailan kailangang matapos ang bawat eksena.Hindi ako puwedeng basta umasa sa bahala na. Malaking pera ang inilabas namin para sa shoot na ito, at higit sa lahat, hindi lang naman
Lumi POVAng bilis ng araw. Parang kailan lang, nasa Boracay kami ni Sorin, naglalakad sa Station 1 hanggang Station 3, kumakain ng kung anu-anong street food, at nanonood ng sunset habang pinaparamdam sa akin na parang bakasyon lang ang buong mundo. Parang kahapon lang din ‘yung nangyaring nakakalokang gabi sa aming dalawa. Grabe talaga ‘yun, hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon.Pero ngayon, aba, heto na, nakatayo na ako ulit sa gitna ng bagong-renovate naming main branch ng Sorin Spa, habang hawak ang clipboard na halos lahat ng tao sa paligid ko ay abalang-abala.“Careful sa table, Menda. Huwag mong ipatong diyan.”“Yes, Ma’am Lumi.”Napalingon ako sa secretary ko na nitong mga nakaraang linggo ay parang naging personal assistant ko na rin. Halos sabay na kaming kumakain, sabay umuuwi, sabay nag-iinspeksyon. Pero, okay lang kasi tinaasan ko na rin naman ang sahod niya, deserve niya iyon.“Menda?”“Yes po, Ma’am?”“Nasa pantry na ba ‘yung mga pagkain?”“Yes, Ma’am. Dumating
Czedric’s POV Pinunasan ko ang pawis sa noo ko, habang ramdam ko pa rin ang pagod mula sa unang bahagi ng training. Kahit medyo makulimlim ang araw, pakiramdam ko ay para akong nasa ilalim ng tirik na araw. Ngayon, iba ang kasama kong nagtuturo sa akin— si Tita Jaye, ang bestfriend ng mama ni Everis
Everisha’s POVCzedric, nasaan ka na?Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasabi ito sa sarili ko. Nasa kuwarto ako, nakaupo sa gilid ng kama, habang nakatingin sa bintana. Ang asul na kalangitan ay tila hindi na kasing liwanag gaya ng dati, parang may kulang—parang may nawala. Parang ang na
Misha’s POVSanay na sanay na kami na sa tuwing umaga, ganito, para kaming nasa palasyo. Nakaupo kami sa dining area ng mansyon namin habang naghahanda ng agahan ang private chef naming Koreano. Sa harapan namin ay may isang lamesa ng mga Korean dishes tulad ng samgyeopsal, kimchi pancakes, at mainit
Czedric’s POVPagod na akong nakaupo sa sulok ng training room habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang basang tuwalya. Ramdam ko ang kirot sa bawat kalamnan ng katawan ko, pero alam kong sulit lahat ng hirap na ito.“Good job, Czedric,” ani Tita Marie habang hawak ang training staff. Bumungad si







