Share

Chapter 20

Ilang araw na mula nang magkausap sila ni Kristina pero tila sariwang-sariwa pa sa kaniyang balintataw ang napag-usapan nila. Sariwa pa para kay Lloyd ang mga nalaman niya. Pakiramdam nga niya ay parang ngayon lang sila nag-usap ng dalaga.

Para sa kaniya, hindi madali ang mga nalaman niya. Hindi man niya aminin pero ikinatuwa niya nang nalaman niyang may gusto si Kristina sa kaniya pero pilit niya iyon kinalimutan dahil ayaw niyang ito ang maging dahilan ng lahat.

Uminom muli siya sa kupita. Mahirap, alam niyang mahirap. Mahirap kung gagawa pa siya ng isang bagay na alam niyang ikakapahamak niya.

Nandito na siya sa matinong daan, bakit pa siya gagawa ng mali? Baka nga isa lamang itong patibong ni Kupido para kunwari ay mapahamak siya at mawala ang babae na nais nitong ilaan sa kaniya.

“May pagtingin din naman ako kay Kristina. Bakit hindi ko na lang subukan?” tanong niya sa sarili. “Gusto niya rin naman ako, hindi ba? Baka kami talaga.&r

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status