Alex's Pov"Wooohh!!!" malakas kong sigaw habang nakalabas ang isa kong kamay at bahagya ring nakalabas ang aking ulo sa nakabukas na bintana ng kotse ni Art. Binabaybay namin ang bagong gawang kalsada papunta sa probinsiya ng Rizal. Mabilis ang patakbo ni Art dahil madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan at puro mga private vehicle pa lamang ang pinapayagang dumaan. "Bilisan mo pa ang pagmamaneho mo, Art!" malakas ang boses na sabi ko sa kanya kahit isandaan na ang bilis ng patakbo niya."Baka maaksidente tayo kapag mas binilisan ko pa," sagot ni Art na sa halip bilisan ay bahagyang binagalan ang patakbo. "Para kang ibon na nakalaya sa hawla mo," natatawa na naiiling na sabi ng kaibigan ko.Ang totoo ay inilalabas ko ang stress, inis at pagkayamot ko sa matandang mayordoma ni Uriel. Idinadaan ko na lamang sa sigaw ang aking nararamdaman para naman gumaan ang aking dibdib."Ang tagal ko nang gustong maranasan ang mag-road trip kaso wala naman akong kotse. Can't afford kaya sa mga
Alex's PovNagising ako sa loob ng ospital na nakahiga sa hospital bed. Masakit ang ulo kong may benda pati na rin ang aking sugat sa braso na hindi pa gumagaling. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng kinaroroonan kong kuwarto. Nakita ko si Uriel na nakaupo malapit sa aking tabi ngunit hindi niya napansin na gising na ako dahil busy ito sa sinumang ka-text nito sa cellphone. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at nang kausap nito sa text dahil seryoso ang expression nito at kung minsan ay biglang dumidilim. "Uriel..." mahina ang boses na tawag ko sa kanyang pangalan habang bumabangon ng dahan-dahan. Saka pa lamang nabaling ang kanyang paningin sa akin. Agad siyang napalapit at pinigilan akong bumangon."Huwag ka munang bumangon, Alexa. Baka kung mapaano ka," saway niya sa akin. Ibinalik niya ako sa pagkakahiga. "Ano ang masakit sa'yo? Magsalita ka at tatawagin ko ang doktor," nag-aalalang sabi pa niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanyang mukha. Sa unang pagka
Alex's PovTatlong araw lamang ang inilagi namin ni Art sa ospital tapos ay sabay kaming na-discharge. Sinundo si Art ng pinsan niya na siyang nagbantay sa kanya sa ospital samantalang ako naman ay si Uriel ang sumundo. Ni hindi ko nga nakausap ang kaibigan ko bago kami umuwi dahil kaagad na akong iniuwi ni Uriel. Nagpadala na lamang ako ng text message sa kanya dahil baka hintayin pa niya ako. Nag-reply naman siya at sinabing palagi akong mag-iingat lalo pa at natuklasan namin na talagang may nagbabanta sa buhay ko."Magmula ngayon ay hindi ka nq puwedeng umalis ng bahay nang hindi mo ako kasama, Alex. Ayokong may masamang mangyari sa'yo dahil tiyak na ako ang sisisihin ng daddy mo lalong-lalo na ang mommy ko," ani Uriel sa akin habang lulan kami ng kanyang kotse pauwi sa bahay niya.Gusto kong mapangiti sa kanyang sinabi. Halatado namang nag-aalala siya sa akin ngunit idinadahilan pa nito ang ang daddy ni Alexa at ang mommy nito. Kung nag-aalala siya sa akin ay bakit hindi na lang n
Alex's Pov"You're so beautiful, Alex," nakangiting sabi ni Uriel nang huminto sa tapat ng malaking bahay ng kanyang mga magulang ang kotse niyang sinasakyan namin."Kanina mo pa iyan sinasabi, Uriel. Baka maniwala na ako sa'yo niyan," nakairap na sabi ko sa kanya habang nakangiti. Magmula sa loob ng aming silid ay hanggang dito sa bahay ng mga magulang niya ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ang mga katagang iyon. Halos lumubo tuloy ang aking puso sa kanyang papuri. Pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ko sa kanyang paningin ngayong gabi."Talaga namang naakaganda mo, Alex. Lalo na ngayong gabi. Parang ayoko na ngang tumuloy sa party at dahil na lamang kita sa loob ng hotel para masolo. Ayokong makita ng ibang lalaki ang kagandahan mo," nakangiting sabi pa niya habang nakatitig sa akin kaya hindi ko malaman kung binibiro lang ba niya ako o seryoso siya sa kanyang sinabi."Huwag mo nga akong biruin ng ganyan at baka mag-isip ako na may gusto ka na sa akin," napapail
Alex's PovNapakuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Medyo may edad na ito ngunit kababakasan pa rin ng kagandahang lalaki noong kabataan nito ang mukha. Hindi rin maitatago na maawtoridad ito base sa kanyang tindig at confident na paglalakad."Ano ang ginagawa mo rito sa labas? At saan ka papunta't palabas ka ng gate?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit."W-Wala po. Parang may nakita kasi akong kakilala na dumaan sa may gate kaya balak kong silipin sa labas kung ang kakilala ko nga ang taong iyon," paliwanag ko sa kanya. Ngayong kaharap kong muli ang aking ama na nang-iwan sa amin ni Mama ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man siyang sumbatan ngunit hindi maaari dahil malalaman niya na hindi ako si Alexa kundi ang isa pa niyang anak na inabandona niya. "Sige po, babalik na ako sa party," agad kong paalam sa kanya. Akmang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis niya akong napigilan sa
Alex's PovLumipas ang mga araw ay nanatiling mabait at sweet sa akin si Uriel. Magkatabi na rin kaming natutulog sa kama niya at halos gabi-gabi ay inaangkin niya na tila hindi niya pinagsasawaan ang aking katawan. Tuluyan namang naging mabait din sa akin si Aling Lorena kaya naging masaya ang pagsasama namin sa bahay ni Uriel. Higit sa lahat ay wala nang taong nagtangka sa buhay ko. Natuloy rin ang pagpapatayo ko ng maliit na flower shop na isang sakay lamang mula sa bahay ni Uriel. Kung ako lang sana ang tunay na asawa niya ay wala na akong mahihiling pa sa lalaking napangasawa ko. Ngunit alam ko na pansamantala lamang ito dahil kapag bumalik na si Alexa at makipagpalit sa akin ay para lamang akong nanaginip ng napakaganda at pagkatapos ay biglang nagising.Naudlot ang aking pag-iisip ng malalim nang biglang may kumatok sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay nakita ko si Aling Lorena na malawak ang pagkakangiti. Tila maganda rin ang aura niya ngayon. Para bang may magandang mangayayari
Alex's PovPakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang binanggit na pangalan ni Uriel na siyang pangalan ng babaeng nakayakap sa kanya ng mahigpit ngayon. Sandy. Iyan ang pangalan na sinambit ni Uriel sa mahinang boses ngunit nakaabot pa rin sa aking pandinig. Ngunit sino ang Sandy na ito? Siya ba ang girlfriend ni Uriel na anak ni Aling Lorena? Akala ko ba patay na siya? Bakit buhay pa siya ngayon? "Uriel, ang saya-saya ko na nakabalik ako sa piling mo. Alam mo ba na araw-araw kong ipinagdarasal na sana ay magkita tayong muli? Na sana ay makaalis ako sa putikan na kinalalagyan ko? At dininig naman ng Diyos ang dasal ko dahil muli tayong nagkita at nakabalik nga ako sa'yo. Ngayon ay maaari na nating ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan dahil sa nangyari," umiiyak na sabi ng babae habang nananatiling nakayakap kay Uriel. Hindi ko napigilan ang mapa-ismid. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiram ko ay nagda-drama lamang ang babae. At saka kung anak nga s
Alex's Pov"Makikipaghiwalay ka na ba sa akin, Uriel?" muling tanong konsa kanya pagkapasok niya sa loob ng aming silid. "Dito na ba magtatapos ang ating kontrata?" dugtong ko pa. Pinilit ko na huwag pumiyok ang aking tinig para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko."What are you talking about, Alex?" tanong ni Uriel na bigoang napalapit sa akin. "Bakit bigla mong nabanggit ang bagay na iyan? Ganoon lang ba kadali para sa'yo na maghiwalay tayo? Wala bang halaga sa'yo ang ating mga pinagsamahan?" madilim ang mukha na tanong pa niya sa akin.Lihim akong napaismid. Mukhang lumalabas pa ngayon na ako itong walang pagpapahalaga sa pinagsamahan namin samantalang siya itong hindi nagpahalaga sa aming mga pinagsamahan. Gusto pa yata niyang palabasin na ako ang may kasalanan para kapag nalaman ng mga magulang niya na hiwalay na kami ay hindi siya nila masisisi kundi ako. Ang galing mo naman Uriel. Para lamang makasama mo ang babaeng minamahal mo ay nakahanda kang gawin akong masama sa mata