Share

Chapter 31

Alex's Pov

Lumarawan ang matinding galit sa mukha ni Uriel nang makita niya ako sa loob ng kulungan. Agad siyang napalapit at malakas na kinalampag ang kulungan. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras.

"Bakit, Alex? Bakit mo nagawa kay Mommy ang bagay na iyon? Napakabuti niya sa'yo tapos ito ang igaganti mo sa kanya?!" galit na galit na tanong sa akin ni Uriel habang nanlilisik ang mga mata. Kung wala lang sigurong rehas na nakapagitan sa aming dalawa ay baka nasaktan na niya ako dahil sa matinding galit na nakikita ko sa mukha niya.

"Nagkakamali ka ng iniisip, Uriel. Hindi ko magagawa ang iniisip mo," umiiyak na sagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Alex at ang iniisip niyang tumulak sa kanyang ina ay walang iba kundi ang kakambal kong si Alexa ngunit alam kong hindi siya maniniwala sa akin. At saka naniniwala ako na hindi magagawa ni Alexa ang bagay na iyon kaya ayokong masira siya sa mga mata ni Uriel.

"Sinungaling! Nagkasagutan kayo ni Tita Ursula dahil hindi mo m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status