Share

Chapter 7

Florence's POV

Madilim ang mukha na nilapitan ako ni Joaquin at waang babala na hinawakan niya ako sa braso pagkatapos ay hinila palayo sa hindi nakahumang si William. Nang lingunin ko siya ay nakatunganga pa rin siya sa amin habang nakalarawan ang labis na pagtataka sa mukha nito. Sinenyasan ko na lamang siya ng aking kamay na tatawagan ko siya. Tumango lamang ito at napapakamot sa ulo na tumalikod na lamang.

Hindi ako binitiwan ni Joaquin hangga't hindi kami nakakarating sa tapat ng kotse niya. Wala pa roon si Manang Aida na malamang ay nasa loob pa ng palengke.

"Sino ang lalaking iyon, Feelin? Kakakasal pa nga lang natin ay may nagloloko ka na?" sita niya sa akin matapos akong isandig sa kotse niya.

"Nababaliw ka na, Joaquin? Kausap ko lamang iyong tao ay pinag-iisipan mo na ng masama?" inis na sagot ko sa kanya. Tinangka kong umalis sa pagkakasandal sa kotse ngunit muli lamang akong itinulak ni Joaquin pasandal sa kotse pagkatapos ay iniharang nito ang dalawang braso nito sa aki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status