LOGINNanatili kaming tatlo sa sala, walang sinuman ang kumikilos o nagsasalita. Tanging ugong ng aircon at malalakas na pintig ng puso ko ang pumupuno sa katahimikan.
Napatingin ako kay Anna. Namumugto ang mga mata niya, basa ng luha, habang mariing nakaturo ang daliri kay Dorian.
Si Dorian naman ay nakatayo sa harap namin. Maputla ang mukha at halos walang mabasang emosyon dito. Gayunman, may kung anong unos na namumuo sa kanyang mga mata.
"Anna," mahinang sambit ni Dorian. Pilit niyang pinananatiling kalmado ang boses. "Umupo ka. Kausapin natin ito nang maayos."
"Maayos?" Napatawa si Anna, ngunit walang bahid ng saya sa kanyang tinig. "Maayos? Dorian, kinuha ang anak ko. Isang linggo na. Hindi ako natutulog. Hindi ako kumakain. At sasabihin mo sa akin na kausapin natin nang maayos?"
"Hindi ako ang kumuha sa kanya."
"Sinungaling." Muling bumaling ang atensyon niya kay Dorian. "Sinungaling ka. Gaya ng dati. Gaya noong sinabi mong hindi mo ako pababayaan. Gaya noong nangako kang..." Naputol ang sasabihin niya. Saglit siyang pumikit bago nagpatuloy. "Gaya noong sinabi mong mahal mo ako."
Walang naisagot si Dorian.
"Anna," mahinahon kong tawag. Nang humarap siya sa akin, nakita ko ang tunay na kalagayan niya. Wasak. Takot. Sugatan ng lahat ng nangyari. "Umupo ka muna, please. Subukan nating pag-usapan ito nang maayos."
Ilang segundo niya akong pinagmasdan. Marahil ay nakita niya sa mukha ko na wala akong masamang intensyon. Sa wakas, bahagya siyang tumango.
Dahan-dahan siyang naupo sa sofa, malayo kay Dorian ngunit katabi ko.
Bahagya akong lumingon kay Dorian at nagbigay ng maliit na tango bilang senyas na maaari na siyang magpatuloy.
Humugot siya ng malalim na hininga bago muling humarap kay Anna.
"Anna, hindi ako ang kumuha kay Miguel. Hindi ko alam na buhay ka. Hindi ko rin alam na may anak tayo. Ngayon ko lang nalaman ang lahat."
Matalim ang naging reaksiyon ni Anna. "Sinungaling."
"Hindi ako nagsisinungaling."
"Sinungaling ka!" Bigla siyang napatayo. "Sinabi mo sa akin noon na ayaw mo sa bata. Sinabi mong hindi ka handa. Sinabi mong..." Napahawak siya sa dibdib habang nangingilid ang luha. "Sinabi mong hindi mo kami kailangan."
Hindi agad nakasagot si Dorian.
Pagkaraan ng ilang sandali, marahan niyang inamin, "Oo. Sinabi ko iyon."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng sofa.
Hindi makapaniwalang napailing si Anna. Bakas sa kanyang mukha ang galit, ngunit higit na nangingibabaw ang sakit na matagal na niyang kinikimkim.
"Bakit?" halos pabulong niyang tanong. "Bakit mo sinabi iyon?"
Muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa pagkakataong ito, may bahid na ng luha ang mga mata ni Dorian. Hindi ko matiyak kung namamalikmata lang ako, pero malinaw na nahihirapan siyang magsalita.
"Dahil natatakot ako," pag-amin niya. "Natatakot akong maging katulad ng tatay ko. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang responsibilidad. Natatakot akong biguin ka. Natatakot akong masaktan ka at pati na rin ang bata."
Hindi gumalaw si Anna. Tahimik lamang siyang nakinig.
"Pero hindi ibig sabihin noon na pinabayaan kita," pagpapatuloy ni Dorian. "Hindi ibig sabihin na tuluyan na akong sumuko sa paghahanap sa inyo. Buong taon kitang hinanap. Hinanap ko rin ang bata. Pero wala akong natagpuan. Basta na lang kayong naglaho na parang bula."
Umiling si Anna.
"Hindi ako naglaho," mariin niyang sagot. "Nagtatago ako."
"Pero bakit?"
Sandaling nag-atubili si Anna bago sumagot. "Dahil may nagbanta sa akin. Sinabi niyang kapag hindi ako umalis, papatayin ka niya. Papatayin din ako at pati ang bata."
Biglang nagbago ang anyo ni Dorian. Nawala ang bahagyang kalmadong ekspresyon niya.
"Sino?" mabilis niyang usisa.
"Hindi ko alam. Hindi ko nakita ang mukha niya. Pero may isang bagay akong natatandaan." Muli siyang humugot ng hangin bago nagpatuloy. "Lalaki siya. Matangkad, nakasuot ng suit, at may tattoo sa kamay. Hugis ahas."
Napatingin si Dorian sa kawalan, tila may biglang nabuo sa isip niya.
"Rafael," bulong niya.
Napakunot ang noo ni Anna. "Ano?"
"Si Rafael. Pinsan ko siya. May tattoo siyang ahas sa kamay." Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Siya ang nagbanta sa iyo. Siya rin ang kumuha kay Miguel."
Naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Kilalang-kilala ko siya. Buong buhay ko siyang binabantayan. Alam ko kung hanggang saan ang kaya niyang gawin."
Muli kaming binalot ng mabigat na katahimikan.
Maya-maya, tumayo si Dorian at nagtungo sa kanyang desk. Binuksan niya ang isang drawer at inilabas ang makapal na folder.
"May gusto akong ipakita sa iyo." Inilahad niya iyon kay Anna. "Mga dokumento at ebidensyang nakalap ko sa loob ng tatlong taon. Tungkol kay Rafael. Sa mga ginawa niya. At sa..."
Napatingin si Anna sa laman ng folder. May mga papeles at litrato roon na tila hindi niya inaasahang makikita.
"Sa ano?" tanong niya.
Diretsong humarap sa kanya si Dorian.
"Tungkol sa pagpatay sa tatay ko."
Para kaming napako sa kinatatayuan namin.
"Ano?" gulat kong usisa.
Sa pagkakataong iyon, hindi na niya naitago ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.
"Ang tatay ko, hindi namatay dahil sa sakit," paliwanag niya. "Pinatay siya. At si Rafael ang may kagagawan."
Hindi agad makapagsalita si Anna. Ilang sandali muna siyang nagproseso bago muling nagtanong.
"Paano mo nalaman?"
"May nakita ako isang gabi sa opisina niya. May pinirmahan siyang dokumento na nagbigay kay Rafael ng kapangyarihan. Kapangyarihang hindi naman dapat mapunta sa kanya."
"Ano ang dokumentong iyon?" usisa ni Anna.
Saglit na napalingon sa akin si Dorian. May kakaibang takot sa kanyang ekspresyon, isang bagay na hindi ko pa nakikita sa kanya noon.
"Isang testamento," sagot niya. "Pekeng testamento. Nakasaad doon na si Rafael ang tagapagmana ng lahat, hindi ako."
Unti-unting naunawaan ni Anna ang sitwasyon.
"Kaya pala," mahina niyang sambit. "Kaya pala gusto ka niyang pabagsakin. Gusto niyang makuha ang kompanya. Kaya pala..."
"Oo," putol ni Dorian. "Gusto niyang agawin ang lahat. At kinuha niya si Miguel para magkaroon siya ng hawak sa akin. Ginagamit niya ang bata bilang panakot at panangga sa mga plano niya."
Muling namasa ng luha ang mga mata ni Anna. Ngunit sa pagkakataong ito, may bahagyang pagbabago sa kanyang mukha. Sa kabila ng lahat, may natitira pa rin siyang pag-asa.
"Kung ganoon, kailangan nating hanapin si Miguel. Kailangan nating iligtas ang anak ko."
Walang pag-aalinlangang tumango si Dorian. "Oo. Gagawin natin ang lahat para mailabas siya roon."
Pagkatapos, humarap siya sa akin.
"Sofia, sasama ka ba?"
Saglit akong natigilan. Sa kabila ng panganib na naghihintay sa amin, may kakaibang determinasyong nabuo sa loob ko.
"Kasama ako," matatag kong sagot.
Buong gabi kaming nagplano.
Nasa sala kaming tatlo, nakapalibot sa mesa na punong-puno ng mga dokumento, mapa, litrato, at numero. Bawat detalye ay kailangang pag-aralan dahil isang maling hakbang lang ay maaaring maglagay sa buhay ni Miguel sa mas malaking panganib.
Sa gitna ng lahat ng iyon, mas nakilala ko si Dorian. Hindi bilang isang CEO o bilyonaryong sanay mag-utos, kundi bilang isang taong may sariling takot, pagmamahal, at mga bagay na matagal nang dinadala sa sarili.
"May isang lugar akong natukoy," panimula niya habang itinuturo ang isang bahagi ng mapa. "Isang warehouse sa Laguna. Pag-aari iyon ni Rafael. Hindi nakatala ang lugar sa alinman sa mga opisyal na dokumento, pero may nakakita rito. Isa sa mga tauhan ko na matagal nang nagmamatyag sa kanya."
Napaharap si Anna sa kanya. "May tao ka sa loob?"
"Oo. May isang taong nakabantay sa mga kilos ni Rafael at regular na nagbibigay sa akin ng impormasyon."
Napatingin ako sa kanya. "Sino siya?"
Sandali siyang nag-isip bago sumagot. "Hindi ko pa puwedeng sabihin. Hindi muna ngayon. Pero kapag naroon na tayo, malalaman mo rin kung sino siya."
Tumango na lamang ako.
"Kung ganoon, ano ang gagawin natin?" tanong ni Anna.
Itinapat ni Dorian ang daliri sa mapa. "Pupunta tayo bukas ng gabi, kapag madilim na. May dalawang bantay sa labas at isa sa loob. Kailangan nating makapasok nang hindi napapansin. Hahanapin natin si Miguel at ilalabas siya roon."
"At si Rafael?" tanong ni Anna.
Nag-iba ang ekspresyon ni Dorian. Tumalim ang kanyang mga mata habang mariing sumagot.
"Si Rafael, ako ang bahala."
Ilang sandali munang pinag-isipan ni Anna ang sinabi niya bago tumango. "Sige."
Pagkatapos, ibinaling ni Dorian ang atensyon sa akin.
"Sofia, hindi kita pipilitin. Alam kong delikado ang gagawin natin. Maraming maaaring mangyari, kaya kung magbago ang isip mo, maiintindihan ko. Hindi kita huhusgahan."
Hindi ako nagdalawang-isip sa pagsagot.
"Kasama ako."
Unti-unting gumuhit ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. Isang ngiting matagal ko nang hindi nakikita sa kanya.
"Sige," mahinang tugon niya.
Nang matapos ang aming pag-uusap, nagpaalam si Anna. May ilang bagay pa siyang kailangang asikasuhin at may mga taong kailangan niyang tawagan.
Nang tuluyan siyang makaalis, kaming dalawa na lamang ni Dorian ang naiwan sa sala.
"Salamat," sabi niya.
Napalingon ako sa kanya. "Para saan?"
"Sa pagsama mo. Sa pagtulong sa amin. At higit sa lahat..." Huminto siya sandali upang ayusin ang kanyang sasabihin. "Sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataong mapatunayan ang sarili ko."
Bahagya akong napangiti. "Hindi pa naman ako lubusang nagtitiwala sa iyo."
Napangiti rin siya. "Alam ko. Pero pakiramdam ko, hindi na ako ganoon kalayo."
Napatawa ako sa kumpiyansa niya. "Ang lakas naman ng loob mo."
"Hindi kumpiyansa ang tawag doon. Pag-asa."
Hindi ko napigilang mapangiti sa sagot niya. May kung anong init akong naramdaman sa dibdib, isang damdaming unti-unti kong kinikilala.
"Dorian," tawag ko.
"Ano iyon?"
"Kanina sa boardroom, bakit mo ako ipinagtanggol?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko. "Dahil tama ka. Maayos ang ginawa mong report. Hindi ako papayag na may manira sa pangalan mo gamit ang mga kasinungalingan."
"Pero hindi mo naman ako gaanong kilala. Hindi mo alam kung tama ba talaga ako o nagkakamali. Paano ka nakasiguro?"
"Binasa ko ang buong report mo. Bawat numero, bawat computation, at bawat detalyeng nakalagay doon." Saglit siyang huminto. "Alam kong tama ang ginawa mo. Mahusay ang trabaho mo at malinaw kang mag-isip."
Naghintay ako sa pagpapatuloy niya nang mapansin kong may gusto pa siyang sabihin.
"At higit sa lahat," dugtong niya, "isa ka sa iilang taong hindi kailangang magpanggap para lang mapahanga ang iba. Bihira ang ganoong klaseng tao sa mundong ginagalawan natin."
Hindi ko agad alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ako sanay makatanggap ng ganoong papuri mula sa kanya.
Maya-maya, tumayo siya at inayos ang suot niyang damit.
"Kailangan ko nang magpahinga. Mahaba ang araw natin bukas."
Tumayo rin ako. "Sige."
Bago siya tuluyang makaalis, muli niya akong tinawag.
"Sofia."
"Ano iyon?"
May kung anong lambing sa kanyang mga mata na hindi ko maipaliwanag. Hindi iyon ang karaniwang tingin niya sa akin.
"Goodnight," sabi niya.
"Goodnight," sagot ko.
Pagkaalis niya, nanatili akong nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang mga nararamdaman ko. Napakaraming nangyari sa loob lamang ng ilang oras, at hindi ko rin maintindihan kung kailan nagsimulang magbago ang pagtingin ko sa kanya.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Nasa kuwarto ako at abala sa paghahanda. Nagsuot ako ng maong, itim na T-shirt, at rubber shoes. Walang makeup o anumang palamuti. Gusto kong maging komportable at handa sa anumang maaaring mangyari.
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Iba ang nakikita ko ngayon. Sa likod ng pagod at pangamba, may tapang na hindi ko akalaing kaya kong ipakita.
Kaya mo ito, Sofia. Kailangan mong maging matatag.
Pagbaba ko, nadatnan ko si Dorian sa sala. Nakasuot din siya ng itim na hoodie at rubber shoes. Sa simpleng kasuotan niya, halos hindi ko makilala ang dating CEO na palaging pormal ang itsura.
Nang mapansin niya ako, sinalubong niya ako ng ngiti.
"Ready?"
"Honestly? Hindi."
Napatawa siya. "Ako rin."
Sandali siyang natigilan bago muling nagsalita.
"Sofia, bago tayo umalis, may kailangan akong sabihin sa iyo."
"Ano iyon?"
May kakaibang bigat sa kanyang mukha. Para bang may bagay siyang gustong sabihin ngunit nahihirapang ilabas.
"Kung may mangyari sa akin ngayong gabi, gusto kong malaman mong nagpapasalamat ako. Salamat sa lahat. Sa pagtulong mo, sa pagtitiwala, at sa..."
"Dorian, tama na." Agad ko siyang pinutol. "Walang mangyayari sa iyo."
Ngumiti siya nang bahagya. "Sana nga."
Hindi ko napigilang mapuno ng pangamba. Ayokong isipin ang posibilidad na may masamang mangyari sa kanya.
"Dorian," mahinahon kong tawag. "Kapag may nangyari sa iyo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."
Napansin kong bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. May luha ring namuo sa kanyang mga mata.
"Sofia," mahina niyang sambit. "Bakit?"
Sa pagkakataong iyon, nagpasya akong huwag nang itago ang tunay kong nararamdaman.
"Dahil... mahal na kita."
Walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago unti-unting gumuhit ang isang taos-pusong ngiti sa kanyang mukha.
"Mahal din kita," sagot niya.
Lumapit siya at marahang inilapat ang kanyang mga labi sa akin.
At iyon ang unang halik na ibinigay niya sa akin.
----------------------------
Matagal ang halik namin. Para bang ayaw naming matapos ang sandaling iyon. Sa gitna ng lahat ng panganib at problemang naghihintay sa amin, tila kaming dalawa lamang ang mahalaga.
Ngunit biglang umalingawngaw ang cellphone ni Dorian.
Agad kaming naghiwalay. Napatingin siya sa screen at saka sa akin. Nagbigay ako ng tango bilang senyas na sagutin niya iyon.
"Ano?"
Hindi siya nagsalita habang nakikinig sa kabilang linya.
Makalipas ang ilang segundo, biglang nagbago ang kanyang mukha.
"Ano'ng sabi mo?"
Muli siyang nakinig, tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Saan?"
Lalo akong kinabahan nang mapansin ang takot sa kanyang mga mata.
"Okay. Pupunta ako."
Pagkababa niya ng tawag, agad akong lumapit.
"Ano'ng nangyari?"
Saglit siyang natigilan bago sumagot. May luhang namumuo sa kanyang mga mata.
"Si Anna," sabi niya. "Kinidnap siya."
Parang biglang huminto ang paghinga ko.
"Ano?"
"Kinidnap siya," ulit niya. "Isang oras lang ang nakalipas. May pumasok sa bahay niya at sapilitang dinala siya. Pero may iniwan silang mensahe."
"Ano ang iniwan nila?"
Inilabas niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang isang litrato. Isang sulat na nakasulat-kamay.
"Para sa iyo ito," sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "Para sa akin?"
Tumango siya.
Inabot niya sa akin ang telepono. Nanginginig ang mga daliri ko habang binabasa ang mensahe.
"Sofia,
Kung nababasa mo ito, nakuha na nila si Anna. At si Miguel. At kung gusto mong malaman kung nasaan sila, kailangan mong gawin ang sinasabi ko.
Pumunta ka sa warehouse sa Laguna. Bukas. 8 PM. Mag-isa ka. Walang Dorian. Walang pulis. Walang kahit ano.
Kung hindi ka pupunta, hindi mo na sila makikita. Kahit kailan.
— R"
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa huling letrang nakasulat sa ibaba.
R.
Mabigat ang naging pakiramdam ko habang ibinababa ang cellphone.
"Rafael," bulong ko.
"Rafael," pagkumpirma ni Dorian.
Humarap siya sa akin at agad na nagbabala.
"Sofia, hindi ka pupunta."
"Pupunta ako."
"Sofia..."
"Dorian." Mariin kong sinalubong ang kanyang tingin. "Kailangan kong pumunta. Hindi mo ako mapipigilan."
Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Marahil ay nakita niya sa mukha ko na buo na ang pasya ko.
Sa wakas, bahagya siyang tumango.
"Sige. Pero hindi ka pupunta nang mag-isa."
"Dorian..."
"Hindi ka mag-iisa," mariin niyang ulit. "Sasama ako. Hindi para kontrolin ka, kundi para siguraduhing ligtas ka."
Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Alam kong hindi siya papayag na harapin ko ang panganib nang walang kasama.
"Okay," mahinang sagot ko.
Bahagya siyang ngumiti, at sa pagkakataong iyon ay gumanti rin ako ng ngiti.
Ngunit sa likod ng munting sandaling iyon, alam kong mas malaki at mas mapanganib na pagsubok ang naghihintay sa amin.
Pagkatapos ng nangyari sa warehouse, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Dorian.Hindi dahil may galit ako sa kanya o may gusto akong sisihin. Sadyang ubos na ang lakas naming pareho. Masyadong maraming nangyari sa loob lamang ng ilang oras, at sa puntong iyon, wala na akong ibang hinangad kundi ang makaupo, makapagpahinga, at makahinga nang maluwag kahit sandali.Dinala namin sina Anna at Miguel sa isang ligtas na bahay. Hindi sa mansyon ni Dorian at lalong hindi sa sarili kong tahanan. Isa iyong lugar na hindi madaling matutunton ng sinuman. Doon muna sila mananatili habang sinisigurado naming wala nang panganib na susunod sa kanila.Nasa sofa si Anna, karga si Miguel habang marahang hinahaplos ang likod nito. May ngiti sa kanyang mga labi, pero hindi maitatago ng mga iyon ang pangamba sa kanyang mga mata. Para bang hindi pa rin siya lubos na makapaniwalang ligtas na sila."Okay ka lang?" maingat kong tanong.Iniangat niya ang tingin sa akin. "Hindi pa. Pero... kakay
Hindi kami natulog.Magdamag kaming nagplano. Nasa study room kami ni Dorian, nakabukas ang laptop sa harap namin. Nakalatag sa mesa ang mga blueprint, radyo, flashlight, at iba pang kagamitang kakailanganin namin. Kung pagmamasdan, para kaming naghahanda sa isang malaking operasyon.At hindi naman kami nagkakamali. Buhay mismo ang nakataya sa gagawin namin."Dalawa ang bantay sa labas," paliwanag ni Dorian habang itinuturo ang bahagi ng warehouse sa blueprint. "Isa sa main entrance at isa sa likod. May CCTV sa bungad at motion sensor naman sa mga bintana. Kailangan nating makapasok nang hindi nila namamalayan."Sinuri ko ang nakaguhit na plano, partikular ang likurang bahagi ng gusali."May sensor din ba sa bintanang ito?""Meron. Motion sensor. Kapag may na-detect na galaw, tutunog agad ang alarm."Bahagya akong napakunot-noo. "Anong klaseng sensor ang ginamit nila?""Infrared. Bakit?"Napangiti ako nang may naisip na paraan. "Kung infrared ang gamit nila, may posibilidad na malito
Nanatili kaming tatlo sa sala, walang sinuman ang kumikilos o nagsasalita. Tanging ugong ng aircon at malalakas na pintig ng puso ko ang pumupuno sa katahimikan.Napatingin ako kay Anna. Namumugto ang mga mata niya, basa ng luha, habang mariing nakaturo ang daliri kay Dorian.Si Dorian naman ay nakatayo sa harap namin. Maputla ang mukha at halos walang mabasang emosyon dito. Gayunman, may kung anong unos na namumuo sa kanyang mga mata."Anna," mahinang sambit ni Dorian. Pilit niyang pinananatiling kalmado ang boses. "Umupo ka. Kausapin natin ito nang maayos.""Maayos?" Napatawa si Anna, ngunit walang bahid ng saya sa kanyang tinig. "Maayos? Dorian, kinuha ang anak ko. Isang linggo na. Hindi ako natutulog. Hindi ako kumakain. At sasabihin mo sa akin na kausapin natin nang maayos?""Hindi ako ang kumuha sa kanya.""Sinungaling." Muling bumaling ang atensyon niya kay Dorian. "Sinungaling ka. Gaya ng dati. Gaya noong sinabi mong hindi mo ako pababayaan. Gaya noong nangako kang..." Naputol
Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi ko alam kung bakit. Sanay na ako sa mansion. Sanay na ako sa malaking kama. Sanay na ako sa tahimik. Pero ngayong umaga, may kakaiba. May kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Tumingin ako sa cellphone ko. Walang message mula kay Rafael. Walang message mula kay Ate Belen. Walang message mula kay Mama.Okay. Okay lang lahat. Tigilan mo ang pag-iisip.Bumaba ako. Nasa dining room si Dorian, naka-suit, nakainom ng kape, nagbabasa ng newspaper. Nang makita niya ako, tumayo siya."Good morning," sabi niya."Good morning," sagot ko."Okay ka lang?" Tumingin siya sa akin. "Mukha kang... pagod."Tumingin ako sa kanya. Sa pag-aalala niya. At sa unang pagkakataon, ngumiti ako."Okay lang ako," sabi ko. "Hindi lang ako nakatulog.""Bakit?"Tumingin ako sa kanya. At naisip ko: sabihin mo ba? Sabihin mo ba ang tungkol kay Rafael? Sa litrato? Sa bata na may tattoo?Pero hindi ko sinabi. Hindi pa. Hindi ngayon."Nag-isip lang," sabi ko.Tumango siya. Hi
Tatlong araw akong hindi umuwi sa apartment.Tatlong araw na akong nanunuluyan sa mansion ni Dorian, natutulog sa kwartong hindi ko pag-aari, kumakain ng pagkaing hindi ko inihanda, at naglalakad sa malinis na sahig na hindi ko kailangang pagpaguran. Sa loob ng tatlong araw, pilit kong ipinapaniwala sa sarili ko na maayos lang ang lahat.Pero hindi.At alam kong may isang taong hindi titigil hangga't hindi niya nalalaman kung ano talaga ang nangyayari sa akin.Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si Ate Belen ang tumatawag.Napapikit ako at napabuntong-hininga. Heto na nga."Hello, Ate?""Sofia Villareal." Matigas ang tono niya, halatang nagpipigil ng inis. "Tatlong araw. Tatlong araw kang hindi umuuwi. Hindi ka man lang nagpapakita. Ang tanging natanggap ko lang na balita mula sa iyo ay isang text na nagsasabing, 'Ate, magpahinga muna ako, may trabaho lang.' TRABAHO?"" Ate, kasi...""Trabaho?" sarkastikong ulit niya. "Anong klaseng hanapbuhay ang dahilan para hindi ka makauwi nang
Hindi ko alam kung paano ako nagising sa mansion ni Dorian.Ang huli kong natatandaan, nakatayo ako sa labas ng pinto niya sa Baguio, hawak ang tsekeng nagkakahalaga ng limang daang libong piso, habang umiiyak nang hindi ko maintindihan kung bakit. Pagkatapos, may kamay na dumampi sa balikat ko. Sinundan iyon ng isang boses na nagsabing, "Hindi ka na makakauwi ngayon. Gabi na. Dito ka na muna."At ngayon, heto ako. Nakaupo sa pinakamalaking kama na nakita ko sa buong buhay ko. Nakakumot ng puting telang mas malambot pa sa balahibo ng pusa. Nakatitig sa kisameng may chandelier, habang tanaw mula sa bintana ang halos buong Baguio.Tama ba ang naging desisyon ko?Kinuha ko ang cellphone ko. May mensahe mula kay Mama."Anak, okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Nakausap ko si Dra. Lim. Next week daw ang test. Salamat, anak. Mahal kita."Napangiti ako, kahit may bigat pa rin sa dibdib ko.Binuksan ko ang bag at inilabas ang folder na naglalaman ng kontrata. Muli kong binasa ang Article 7.







