Share

The Forbidden Desires 09

(TFD) Chapter 09

"Napagalitan ako ni kuya kanina nang mawala ka! Dapat hindi ka umalis kasi alam ko ang daan pabalik!" Nakasimangot si Neth sa akin.

"Pasensya na. Nalibang ako sa pagtingin sa mga puno..." Nahiya ako bigla. Nasermunan siya dahil sa akin.

"Hindi ka ba nasaktan? Mabuti at nahanap ka ni kuya! Pagkatalon niya pababa sa puno ikaw kaagad ang hinanap niya! Muntik na akong umiyak habang nagpapaliwanag na nawawala ka!"

Umiling ako at hinaplos ang tuktok ng buhok ko kung saan ko naramdaman ang ahas kanina.

"Hindi naman ako nasaktan..."

"Makinig ka kasi kay kuya! Natakot ako nang sinigawan mo siya kanina! Alam mo ba na kami ni Ate Laura hindi namin iyan ginagawa sa kanya?"

Tumango ako at ngumiti. Dinirekta ko ang tingin kay Silas na nasa harapan. Nasa likuran ulit kami ni Neth ngayong papauwi na. Hindi ko alam ang daan kaya hindi ko magawang manguna.

Ang mga nakuha na kahoy ay nasa tulak tulak ni Silas na wheelbarrow. Ang isang kutsilyo na mayroon ahas ay nasa ibabaw ng mga kahoy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gemma Aris
pa unlock pls...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status