“No. I was never yours, West.”Inayos ni Amber ang bag sa balikat niya, kasabay ng pagpigil sa nanginginig na damdamin, saka siya nagpatuloy sa paglalakad palayo. Pero bago pa siya makalayo, mabilis na hinuli ni West ang pulso niya at mariing hinila papalapit—hanggang sa mapayakap ito sa kanya mula sa likod.“Ano ba, West!” singhal ni Amber, pilit na kumakawala.Pero sa kahit na gusto nitong makalawa ay tila humihigpit lang ang pagkakayakap sa kanya ni West. Alam ni Amber na may fiance ang lalaki, paano kung may makakita sa kanila?Pero dahil summer ay walang masyadong estudyante sa dorm. Kaya walang makakapansin sa kanila.“West Markus Lee! Are you crazy?!”“Hmm.”He frowned and groaned when he was pushed, but he did not move. Instead, he pushed Amber against the wall, lowered his head slightly, and buried it in the neck of the angry girl.“Don’t move,” bulong nito, “Let me hold you… just for a while.”Napakunot ang noo ni Amber. Hindi niya mawari kung anong problema ng lalaki, pero
“Hindi dapat pinapaiyak ang isang magandang babaeng katulad mo,” marahang wika ni Zavian, “at mas lalong hindi dapat pinapaluha ang magaganda mong mga mata, Lulu.”Napapitlag si Amber ng marinig ang salitang ‘Lulu’. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng gano’n, at iyon ang lalaking nakilala niya noong bata pa siya.“A-Anong tawag mo?” she asked blankly.“A-Anong… tawag mo sa’kin?” she asked blankly, her voice barely a whisper.“Lulu,” sagot ni Zavian habang napabuga ng hangin at napangiti. Ngunit may lungkot sa likod ng kanyang mga mata habang naupo siya sa tabi ni Amber. “You might have forgotten me, but I don’t. Lulu…”Nilingon ni Zavian ang babae na nagtataka pa rin sa sabi nito.“Yes, it’s me, Lulu,” Zavian continued, this time may biro sa tinig, “The ‘crying baby’.”Nanlaki ang mata ni Amber.“‘Yong batang…” she trailed off, as the memory slowly came back to her.Labing-taong gulang siya noon. Summer. Nasa itaas siya ng punong mangga, pilit inaabot ang prutas bilang pananghali
Napatitig si Amber sa kalawakan ng dagat. Ang alon ay marahang humahampas sa gilid ng barko, habang unti-unting nilalamon ng dilim ang araw. Ang kulay ng langit ay nagiging obra ng kalikasan—nagkakahalo ang kahel, lila, at bughaw na tila ba iniiyak ng kalangitan ang paglubog ng araw.Tahimik ang paligid. Tahimik ang kanyang puso—pero hindi ang kanyang isipan.Ilang sandali lang ay marahang lumapit si Theron at naupo sa kanyang tabi. May hawak itong paper cup ng kape, ngunit hindi iyon ang sentro ng atensyon nito, kundi ang kabighani ng dagat at ang babaeng katabi niya.“Aalis ka talaga, Ate Amber?” tanong ni Theron, bahagyang may lungkot sa tinig.Hindi siya sinagot ni Amber. Nakatitig lang ito sa kawalan, tila ba may hinahanap sa tanawing hindi naman maabot ng kanyang paningin. Wala man siyang sinasabi, halata sa kanyang mga mata ang mabigat na iniisip.Naalala na naman niya ang panaginip kagabi—mga pira-pirasong alaala ng nakaraan na tila hindi kanya, pero damang-dama ng kanyang pus
Nandidiri si Amber sa sarili.She let herself be kissed… Touched… By someone who’s already engaged.He lied.At habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang lahat ng ginawa nila ni West—ang mga halik, ang init ng mga haplos, ang mga bulong na akala niya’y totoo—pakiramdam niya'y para siyang sinakal ng sarili niyang kahinaan.Nasusuka siya.“Amber?” pagpukaw sa kanya ng isang kalmado at mahinhing boses ng lalaki. “Are you okay? Namumutla ka.”Napakunot ang noo ni Amber habang unti-unting inangat ang kanyang paningin. Nasa harapan niya si Zavian, nakatitig, puno ng pag-aalala ang mga tingin.“Okay lang ako, Kuya Zavian…” pilit niyang pinipigil ang panginginig ng tinig. “Medyo sumakit lang ang tiyan, pero ayos lang ako.”Sa isang iglap, inilapit ni Zavian ang kanyang mukha para masuri siya. Dahil sa gulat, bahagyang umatras si Amber at muntik nang mahulog sa upuan kung hindi siya nasalo agad ng lalaki.“You’re not okay,” seryosong sabi ni Zavian habang nakasuporta sa kanyang bal
Nang gabing iyon, matapos makatanggap ng tawag ay hindi na bumalik pa si West. Walang pali-paliwanag. Amber waited until Jacob went back and brought her back to her dorms—just him. Hindi na nito kasama si West.And what she hated the most was that she waited for him. Bigla siyang nahiya sa mga pinaggagawa niya, and now cursing the man again ang again.Matapos ang gabing rin iyon ay hindi na pumasok sa eskwelahan si West, nor hindi na rin siya ginugulo nito, maging si Jacob ay nawala rin sa school.As if they disappeared like bubbles. Just like that. No trace at all.Amber felt relieved. Kahit paano ay naibsan ang bigat na dinadala niya—hindi, dahil si West lang pala ang nagpapabigat ng mga dinadala niya.“Mas mabuting hindi na siya magpakita sa’kin! Nababanas ako sa pagmumukha niya!” inis niyang wika.Kaharap niya ang computer at ginagawa ang code para sa computer science project na sinalihan niya.She immersed herself in the project, studying and doing part-time jobs—dahil tulad ng
AM PENTHOUSE.Nakaupo sa sahig sina West at Amber at nasa tapat nila ang floor-to-ceiling window kaya kita nila ang buong tanawin ng Maynila na kumikislap sa madilim na kalangitan.Nakaakbay si West sa balikat ni Amber, habang ang isang kamay ay hawak ang malamig na bote ng beer. Sa harapan nila'y nakalatag ang iba’t ibang pagkain—pizza, milk tea, burgers, fries, lasagna, egg tarts, pero ni isa sa mga iyon ay hindi ginalaw ni Amber.She sat there quietly, lost in her thoughts.Napatingin si West sa kanya. He leaned closer and gently brushed his lips on her bare shoulder, bahagyang kinagat iyon na parang nanunukso. Amber’s off-shoulder semi-crop top left part of her skin exposed, making her flinch at the contact.“Bakit hindi mo sinuot ‘yung binigay ko?” tanong ni West sa isang paos na tinig, may halong biro at pananabik. “You could’ve been so hot and sexy wearing those.”Amber turned her head, eyes glaring at him sharply. “Anong pinagkaiba kung suotin ko man o hindi?” she muttered. “