HANGGANG PAG-AKYAT NI Bethany ng penthouse ay nakangiti pa rin siya. Naririnig pa rin kasi niya ang driver ng mga Dankworth na tinatawag siyang Mrs. Dankworth. Hindi pa ma-absorb ng katawan niya ang pagbabagong iyon. Pagkapasok niya sa loob ay pinakawalan niya ang mga kuting mula sa bitbit niyang maliit na cage na kinalalagyan nila. Binuhay niya ang lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa kabuohan ng tahimik na bahay. Matapos noon ay kumuha siya ng malinis na tubig para sa mga pusang nagsimula ng maglakad sa sala at amuy-amuyin ang buong paligid. Inilabas rin ni Bethany ang cat litter ng mga ito at ang lalagyan ng kanilang pagkain. Nilagyan niya muna sila doon ng ilang treats bago siya nagdesisyon magtungo ng master bedroom upang maligo at magpalit ng kanyang suot na damit. “Anong oras kaya uuwi si Gavin?” tanong niya sa kanyang sarili na sinipat na ang oras, “Baka maya-maya lang iyon.”Nilibang ni Bethany ang kanyang sarili sa pag-e-scroll ng cellphone. Nang hindi pa siya nakuntento
PAGKATAPOS NG MAINIT na tagpong iyon ay agad ng nakatulog si Gavin. Hindi naman siya kinulit ni Bethany na hinayaan na lang na magpahinga. Nang bumangon ay hindi nakatakas sa kanya ang tusok ng karayom nito sa bisig. Hindi nagsisinungaling si Albert, pero hindi dahilan iyon upang awayin niya ang asawa at pagtaasan ng boses. Habang natutulog ang asawa ay inabala ni Bethany ang kanyang sarili sa mga kuting. Nagluto na rin siya ng kanilang pagkain. Ginising niya si Gavin bandang alas-tres ng hapon. Matapos na mag-inat ay lumabas na ang lalaki upang kumain na. “Hindi na kita hinintay. Gutom na kasi ako kaya nauna na akong kumain.” Sinabi iyon ni Bethany habang kinukuhaan niya ito ng malamig na tubig sa fridge. “Siya nga pala, wala ng laman ang fridge mo. Kailan tayo pupunta ng market? Wala na tayong kakainin.” Nagsimula na si Gavin kumain. Halatang nag-iisip ng isasagot kay Bethany. “Mamaya. May night market pa naman kasi weekend. Feeling ko naman hindi rin magtatagal tayo sa mansion
PANAY ANG HALIK ni Bethany habang lulan ng sasakyan sa leeg ni Gavin habang nagda-drive ang abogado patungo ng kanilang bahay. Panibagong ugali na naman iyon ng kanyang asawa na kanyang nakita ngayong araw. Syempre, nang dahil sa ginagawa nito ay hindi niya mapigilang tigasan. Ikaw ba naman ang simpleng romansahin ng iyong asawa, hindi magre-react ang iyong katawan? Ilang beses na siyang napabuntong-hininga. Pilit kinakalamay ang sarili niya. “Mrs. Dankworth, hindi mo ba nakikitang nagmamaneho ako?” patanong na saway niya na dahil di na niya kinakaya.“Eh kasi naman, kulang na kulang iyong time. Magdamag kang nasa labas kagabi. Hinintay kaya kitang umuwi!”Ang buong akala ni Gavin ay nagkaintindihan na silang dalawa tungkol doon, tapos ngayon may pa-throwback ito?“Mrs. Dankworth—” “Kung umuwi ka agad kagabi, e ‘di malamang na-satisfy na ako!” pagputol nito sa kanya sa seryoso pang tono.Napakurap na ng kanyang mga mata si Gavin. Nakikipag-away ba sa kanya ang asawa? Akala niya tala
WALANG GATOL NA SUMANG-AYON ang kanilang mga magulang sa naging pahayag ni Bethany kung kailan niya gustong makasal kay Gavin. Hindi na rin sila nag-ilang usap pa dahil nasa hustong edad na rin naman ang mga anak. Gumawa ng group chat si Mrs. Dankworth at isinali doon ang dalawang pamilya just in case na may kailangan siyang itanong sa kanila. Inako ng mga Dankworth na sila na ang bahala sa lahat. Tradisyon iyon ng kulturang Pilipino na paunti-unting nawawala sa paglipas ng panahon, na kahit alta ang kanilang pamilya at parte na ng makabagong henerasyon ay gusto pa rin nilang sundin. Hindi na kailangan pang mag-effort na gumastos pa ng pamilya ni Bethany. Hindi sa minamaliit nila ang pamilya nila, gustong iparanas ng mga Dankworth na napakaswerte nila sa magiging manugang. Ang padre de pamilya ng kanilang pamilya ang nag-suggest noon na siyang gusto rin ni Mrs. Dankworth gawin. Hindi na makapaghintay pa ang Ginang na mamili ng kanilang magiging souvenir sa mga pupunta ng kasal. Ultimo
NANDILAT NA ANG mga mata ni Bethany sa konklusyon na narinig mula sa panig ni Gavin. Ano? Buntis? Siya? Imposible ang bagay na iyon. Kung buntis siya, malamang ay nagsusuka na siya. Hindi naman siya nagsusuka. Lamon nga siya nang lamon. Sa pagkakaalam niya, walang ganang kumain kapag buntis. Umaarte lang talaga siya. Walang ibang ibig sabihin ang bagay na ‘yun. Sa puntong iyon ay nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang kanyang mukha. Pinaypayan na niya iyon gamit ang kanyang isang palad kahit pa nakatutok naman sa kanya ang aircon ng sasakyan ni Gavin feeling niya ay ang init ng buong pakiramdam niya. Lihim na natawa si Gavin sa reaction ng kanyang asawa. Malamang niloloko lang naman niya ito. Tinitingnan niya kung matataranta ba.“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Attorney! Hindi ka na nakakatuwa!” “Bakit? May asawa ka naman. Anong ikinakatakot mo? Sa tingin mo hindi kita mabubuntis? Hindi iyon maaari. Hindi ako baog—aray ko naman, Mrs. Dankworth!”
NAKANGITI SIYANG PINANOOD ni Bethany habang nakasuot pa ito ng apron. Cute na cute ang babae sa hitsura ng kanyang asawa. Masusing pinanood muna ni Gavin ang paraan kung paano magluto ng adobong pusit online. Wala kasi siyang talent doon. Para sa kanya ay hindi naman iyon naging mahirap, kaya lang nainis siya ng maluto na ito sa reaction ng kanyang asawa. Excited na pinanood niyang tikman na iyon ni Bethany. Alam niyang hindi masarap ang luto niya, pero dahil mahal naman siya ng asawa kaya baka kahit na hindi masarap iyon ay sasabihin ng asawa niyang masarap.“Hindi masarap.” tahasang pula ni Bethany ng tikman na nito ang sabaw pa lang ng adobo.Ngumiwi pa si Bethany upang ipakita ang reaction niya sa asawa. Sa pagkakataong iyon ay napawi na ang mga ngiti ni Gavin. Hindi na siya natutuwa. Wala man lang katiting na appreciation ang asawa kahit pa sabihin na totoo ngang hindi nga iyon masarap. Oo na, hindi masarap pero sana man lang kahit kaunti ay pinagtakpan man lang ito ng kanyang as
NAKAAWANG NA ANG bibig na napaatras nang bahagya si Bethany sa ginagawang tahasang pagbibintang ng asawa sa kanya. Natatandaan niya na hindi naman siya ang unang humalik noon sa kanila kundi ang asawa, kaya bakit siya ang may kasalanan? Basically, ito ang gumahasa sa kanya at hindi siya. Pero malamang ay hindi niya maaalala iyon. Mukha ngang hindi nito natandaan na nangyari ang bagay na iyon, dahil kung alam nito ang lahat noon pa lang ay nabanggit na nito ang tungkol dito. Si Gavin pa? Wala sa vocabulary niya ang salitang pagpapalampas.“Ako? Ginahasa kita? Sigurado ka ba diyan sa binibintang mo?”Umalingawngaw pa ang malakas na halakhak ni Gavin sa hitsura ng asawa na parang luging-lugi pa ito sa kanya. Namula na ang magkabilang tainga ng abogado. Pilit na hinahalungkat sa kanyang isipan ang kaganapan ng gabing iyon. Lalo pa niyang minahal ang asawa.“Ayos lang iyon, Mrs. Dankworth. Hindi ko naman ikakalat.” taas at baba pa ng kilay ni Gavin sa kanya na halatang pinagkakatuwaan na m
SA HALIP NA pumasok ang mag-asawa sa trabaho ng araw na iyon ay nagtungo silang dalawa sa OB upang ipa-check up si Bethany. Pareho kasi silang hindi naniniwala na walang dahilan ang pagpapalit ng ugali ni Bethany. Iba ang kutob nilang dalawa. Kung si Gavin ay excited, si Bethany naman ay halatang kinakabahan na makikita sa higpit ng hawak ng kamay niya sa isang kamay ng asawa. Binabagtas na nila ang maliit na hallway patungo sa clinic ng OB. Parang gusto na naman niyang umatras.“Huwag na kaya natin ituloy? Natatakot ako, Gavin.”“Bakit ka naman matatakot? Kasama mo naman ako.” Umiling si Bethany. Gaya ng unang sabi niya parang hindi pa siya ready. “Ihanda na lang natin ang ating sarili. Kung sakaling wala talaga, anong magagawa natin kung hindi ang patuloy na subukan kahit gabi-gabi pa.” Pinandilatan na naman siya ng mga mata ni Bethany. “Oh, ayan ka na naman. Nasa publiko tayong lugar ha?” warning niya sa abogado na nagbabadya na naman ang kapilyuhan, “Magagalit na talaga ako.
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay