Share

Chapter 19.4

last update Huling Na-update: 2025-02-21 11:02:59

NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.

“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”

‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’

Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Michelle Tayag Mandap
Ms A nka2 emotional nmn haha dalang dala ako sa ngya2ri haha Gabe kc sinira mo moment ni tta Briel Kya ayan mad na sya ...
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
salamat sa maagang update miss a tama si lolo mo gabe makinig ka sa mga nakakatanda sayo
goodnovel comment avatar
Cäth Ër Inë
thank you ms.A , sana more update pa...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.1

    MULING NAUPO NAMAN si Giovanni nang marinig niya ang sinabi ni Briel. Mukhang alam na niya kung ano ang kailangan nilang pag-usapang dalawa. Malamang ay ang nangyari sa kanila iyon. Wala naman silang dapat pag-usapan, unless piliin nitong pag-usapan nila ang dating sila.“I was drunk last night.” panimula ni Briel na unti-unting pumawi sa ngiti ni Giovanni. Ang ibig ba nitong sabihin ay itatanggi niya ang lahat ng kanilang ginawa ng nagdaang gabi? “Alam kong may nangyari sa atin at ramdam iyon ng katawan ko. Sana hindi ka nag-take ng advantage—”“Sandali lang, Gabriella.” taas ni Giovanni ng kanyang isang kamay na pinapatigil siya magsalita. Hindi pwede na sa kanya lang ang maging sisi. Noong mg abandang huli, alam niyang wala na ang bakas ng alak sa katawan nito pero pumayag pa rin itong ulitin nila nang ulitin ang pagniniig. “Taking advantage? Huwag mong sa akin lahat ibigay ang sisi, please lang. Ikaw ang naunang humamon sa akin. Isa pa, pareho rin tayong nag-enjoy di ba? Pareho ta

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.4

    BAKIT SIYA PUMAYAG na may mangyari sa kanila? Anong mukha ang ihaharap niya kay Giovanni? Dapat talaga hindi siya uminom. Binigyan lang kasi siya nito ng lakas ng loob na kumaringking na kapag nasa tamang katinuan na ay hindi niya alam kung paano niya dadalhin.“Sasabihin ko ba na wala akong maalala? Pero shit, nasarapan naman kaming pareho kagabi! Saka ako na naman talaga ang unang nag-move kagaya noon. Kailan ba ako magtatanda? Kainis!”Pinalo-palo pa ni Briel ang unan na katabi niya na alam niyang ginamit ni Giovanni sa ulo niya. “Kapag ako na-disgrasya na naman ako, kapag nagbunga na naman ang lahat ng ito ako na naman ang talo. Ako na naman ang luhaan. Kailan ka ba magtatanda, Briel? Ang landi-landi mo!”Napatalukbong ng kumot sa buong katawan si Briel nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Abot-abot na ang kanyang kaba habang nahihirapan ng huminga kung sino ang nagbukas noon. Maaaring ang mga anak nila. Si Giovanni o kung hindi naman ay ang Mama ng dating asawa upang tingn

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.3

    PARANG MAY SARILING buhay na kumubabaw na si Giovanni sa katawan ni Briel na nang dumikit ang kanyang balat sa balat ng babae ay parang may dumiklap doong invisible at nakatagong apoy. Yumundo ang kama nang dahil sa kanyang ginawang pagmamadali doong pagsampa upang pagbigyan lang ang kanyang sarili. Ngumisi si Briel na animo ay nagtagumpay sa kanyang plano hindi pa man nagsisimula si Giovanni sa kanyang planong gawin sa kanya. Amoy na amoy na niya ang pamilyar at mabangong hininga ang dating asawa. Hinaplos pa ng kamay ni Briel ang mukha ng dating Governor na para bang ipinapakita ng kanyang mga mata na sobrang mahal na mahal niya ang dating asawa. Gumalaw naman ang adams apple ng dating Gobernador nang sunod-sunod siyang mapalunok ng sarili niyang laway sa tanawing iyon sa mukha ni Briel na halatang puno ng pananabik sa kanya. Hindi siya disabled para hindi mag-react ang katawan sa tanawing nakahain sa kanyang harapan. Gahibla na lang ang agwat ng kanilang mga mukha. Isang maling gal

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.2

    MAGKASUNOD NA KUMANDONG sina Gia at Brian kay Giovanni na lantarang ikinairap ni Briel ng mga mata dahil harap-harapan ang ginagawang iyon ng kanyang mga anak sa kanya. Kapagdaka ay itinuro na niya ang mga anak na para bang may inggit na nakabalot sa mga mata. “Ayan, ang Daddy niyo na naman ang favorite niyo? Samantalang ako naman ang mas naghirap sa inyo para lumaki kayo ng ganyan. Sige, ipagpalit niyo na lang ako sa Daddy niyo!” halukipkip pa niyang tila nagtatampo sa kanyang mga nakikita, “Diyan naman kayo magaling. May pinagmanahan talaga kayo!” diretsong akusasyon pa niya sa mga batang nakatingin lang naman. Batid ni Giovanni na pabiro lang iyon kung kaya naman hindi niya mapigilang matawa lalo na nang tumingin sa kanya ang mga anak na pigil ang mapangisi dahil lasing na nga ang ina nila. “Iwan ko na lang kaya kayong dalawa dito sa Daddy niyo at magbuhay-dalaga na lang ako?” Kumibot-kibot na ang bibig ni Giovanni na aliw na aliw sa pagiging lasing na doon ni Briel. Sari-sari

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 92.1

    NANG MAMATAY ANG tawag ni Gavin ay tinawagan naman ni Giovanni ang pamangkin. Gusto niyang kunin ang side nito at hindi lang ng asawa nitong naunang nag-reached out sa kanya. Agad namang sinagot iyon ni Bethany na sa mga sandaling iyon ay kasama ni Rina. Nasa bar ang magkaibigan at doon napiling sandaling uminom para pagaanin ang mabigat nitong pakiramdam. Naka-block dito ang asawa kung kaya naman hindi matawagan ngayon ni Gavin.“Tito? Napatawag ka?” masigla nitong sagot sa kanya na hindi kakabakasan ng anumang problema, medyo maingay ang background na hindi na bago sa pandinig ni Giovanni kung saan.“Nasaan ka? Tumawag sa akin ang asawa mo. Hinahanap ka.” walang patumpik-tumpik na saad ni Giovanni, hindi niya kailangan pang magpanggap sa pamangkin na nangungumusta lang at wlaang anumang kailangan, kailangan niyang deretsuhin ang babae.. “Umuwi ka na. Gabi na rin.” “Hmm, Tito. Tinatapos lang namin ni Rina ang order naming tequila.”“Sige, mag-ingat pauwi.” Hindi na rin pinatagal pa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 91.4

    INUBOS NILANG MAG-ANAK ang natitirang oras na kalaro ang dalawang bata. Panay ang tingin ni Briel kay Giovanni. Iniisip pa rin ang ginawa nitong balikan paakyat at baba ng Baguio. Hindi niya man aminin ay nag-aalala siya na baka bumigay ang katawan nitong nagpapagaling pa rin. “Hindi ka pa ba uuwi para magpahinga?” Nang maramdaman ni Briel na tumingin sa kanya si Giovanni nang dahil sa biglang katanungan niya, iniiwas niya ang mga mata. Nagkunwaring may tinitingnang importante sa cellphone niya. “Hindi sa pinapaalis na kita, kahit pa sabihing naka-chopper ka nakakapagod pa rin ang biyahe.” Maliit na ngumiti si Giovanni kay Briel at kapagdaka ay tumayo na. Sinabayan niya ang mag-iinang kumain ng dinner. Hindi niya nakita ni anino ng dati niyang biyenan dahil wala dito. Nasa playroom pa rin sila noon at hinahayaang maglaro ang dalawang bata na nag-eenjoy pa rin.“Inaalala ko lang ang malayong naging biyahe mo.” dagdag ni Briel nang di pa rin sumagot ito. “Okay, uuwi na ako.” anunsy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status