แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Roselle Madrigal
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-24 12:08:31

2 YEARS LATER| LEXI:

I hummed softly as I dusted the shelves in our bedroom. Sunlight streamed through the tall windows of the Valmont mansion, bathing everything in a warm golden glow. The room smelled faintly of fresh linen and the flowers I had arranged earlier that morning.

Today was special.

Our second wedding anniversary. Napangiti ako habang naglilinis dito sa silid naming mag-asawa. Ang saya-saya ko dahil dalawang taon na ang nakakalipas ng pagsasama namin ni Ashton at ni minsan. . . hindi kami nagtalo.

Ashton would be home later than usual. Ever since he officially took over as CEO of Valmont Real Estate, his schedule had become impossibly packed. Meetings. Conferences. Business trips. Endless paperwork. Walang araw na nasa mansion ito kahit may occasion pa.

But still, he always came home at night.

And every single day, I waited for him. Ginagampanan ang titolo ko sa buhay niya bilang kanyang asawa. Hindi kasi ako nagtatrabaho dahil hindi ko pa rin maalala ang nakaraan ko. Kaya nagpasya akong maging full-time housewife ni Ashton at para na rin maalagaan ko ang anak naming si Baby Ashford.

My gaze drifted toward a framed family photo on the bedside table. Ashton stood proudly beside me while our little boy sat in his arms, smiling brightly at the camera. Kapwa kami nakangiti sa picture at kuha namin iyon noong first birthday ni baby at tuloy binyag nito.

Inabot ko ang framed. Para akong hinahaplos sa puso ko. This was my family. My home. My happiness. Hindi kami nagtatalo ni Ashton. But it doesn't mean that our marriage is perfect and happy. Ang totoo niya'n. Malungkot ang marriage naming mag-asawa. Malamig si Ashton sa akin. Hindi nga niya ako tinatabihan sa kama e. At si Baby Ashford? Adopted son lang namin siya.

Gano'n pa man, mahal na mahal namin ito. At first , ayoko sana. Kaya ko naman siyang bigyan ng anak e. Pero tumanggi ito ayaw niya. Kaya nagdesisyon itong umampon kami. Nagkasundo kami na palabasing wala akong kakayahang manganak, kaya umampon kami ng bata. Iyon ang alam ng mga tao.

Hindi naman kasi talaga ako mahal ni Ashton. Pero inaalagaan at pinagsisilbihan ko pa rin siya dahil mahal ko siya. Ayokong masira ang image niya sa publiko, lalo na ang binuo naming pamilya.

"Mama!"

A tiny voice pulled me from my thoughts. I turned around just in time to see my son climbing onto a chair near the desk. Kaagad kong ibinaba ang hawak kong framed, at dahil hindi ako nakatingin ay nahulog ito. . . at nabasag!

“Oh my God!” bulalas ko na natulala sa picture framed namin na basag na!

Napalingon ako sa anak ko at kaagad itong tinakbo nang umakyat siya sa mesa! His small hand accidentally hit the glass of milk sitting on the table! Napasapo ako sa ulo na natumba ang baso at natapon ang gatas no'n sa mesa kung saan may mga papeles pa man ding nakalagay doon!

"It's okay, baby. It's okay." Wika ko sa anak ko.

My son looked seconds away from crying, so I quickly kissed his forehead before gathering the wet documents. Mabuti na lang at mga itatapon ko ang mga iyon na mga rejected proposal ng mga kliyente ni Ashton sa kumpanya. Kaya kahit masira ay ayos lang.

Until my eyes landed on one particular paper.

My breath caught. Nanigas ako sa kinatatayuan na nakamata sa papel. Our marriage certificate! Tulala akong maingat na ibinaba si baby sa crib at bumaling sa papel.

"Oh G-god. Ano'ng gagawin ko?” usal ko.

I carefully lifted the document. Some parts were still readable, but others were completely ruined. Nangilid ang luha ko na nakamata sa marriage certificate namin ni Ashton. Hindi ko na ito maisasalba. Sira na siya at tiyak na magagalit si Ashton kapag malaman niya ito!

“What should I do? Paano kung kailanganin ito ni Ashton someday?” usal ko na nanginginig.

I shook my head. Pumikit ako na humingang malalim. I was overthinking. I could simply request another copy. Problem solved.

“Tama, pwede naman akong mag-request e. Sabihin ko na lang sa kanya sa susunod. Hindi ngayon. It's our anniversary,” usal ko.

Kaagad kong nilisan ang mesa at ang nabasag na framed namin. Naligo ako at inayos ang sarili bago lumabas ng silid.

“Yaya?”

Kaagad namang lumapit ang yaya ni baby. Ngumiti ito sa akin.

“Lalabas po kayo, señorita?” tanong nito.

“Oo e. Ikaw na munang bahala kay Ashford ha? Babalik din kaagad ako. May kukunin lang ako sa bayan.” Sagot ko.

I handed my son over to his nanny. Matapos kong magpaalam sa anak ko, lumabas na ako ng mansion. Marunong naman akong magmaneho, kaya hinahayaan ako ni Ashton gumamit ng sasakyan.

Napabuga ako ng hangin na binuhat ang engine ng kotse and drove straight to the civil registry office.

*****

I expected the process to take less than an hour. Kaya makakabalik ako ng mansion after lunch. Makakapagluto pa ako ng especial dinner para sa amin ni Ashton mamayang gabi. May mga katulong naman kami doon, pero ako kasi ang nagluluto ng dinner naming mag-asawa.

Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko habang nakaupo. Hinihintay ang request ko. Three hours later, I was still sitting there. Hindi na ako mapalagay. Hindi pwedeng hindi ako makakuha ng kopya. Ayokong ito ang maging sanhi ng unang pagtatalo namin ng asawa ko.

"Ma'am, can you please confirm the names again?" one of the staff members asked politely.

I forced a smile. "Ashton Valmont and Lexi Lawrence Valmont."

The woman typed something into her computer. Then frowned. Just like the previous employees. Kanina pa sila gan'to. Hindi ko alam kung ano ang problema dahil hindi nila makita ang record namin ni Ashton!

"I'm sorry, ma'am. There doesn't seem to be any record." Saad nito.

I swallowed. "That's impossible. Pakisilip mo ulit, please? I really need it,” wika ko.

She checked another database. Then another. “Ma'am Clara, can you come over here?” pagtawag nito sa isang kasama.

Napatampal ako sa noo. Pinagpapawisan na ako. Tatlong oras na ako dito at tiyak na aabutin ako ng dilim sa daan kung hindi nila maayos ang kailangan ko! Soon, three employees were staring at their screens.

Nagkatingan ang mga ito na tila may gusto silang sabihin pero nag-aalangan.

"What do you mean there's no record?" pabulong tanong ng isa.

The employees exchanged glances. One of them carefully opened another website. A public records database. Lumapit na rin ako. I watched him type Ashton Valmont's name.

My heart started pounding. Para akong kakapusin ng hangin sa baga habang naglo-loaded ang page.

Then the result displayed on the screen. Nanigas ako at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig habang nakamata sa computer.

Civil Status: Single.

For a moment, I couldn't breathe. Parang pinipiga ang puso ko at hindi ako makahingang maayos! Namuo ang luha ko na dama ang pangangatog ng mga tuhod ko.

"That's impossible," I whispered. “Imposible ito. H-hindi.”

Kaagad akong inalalayan na makaupo ng isang staff dahil para na akong matutumba, ang isa naman ay inabutan kaagad ako ng tubig at pinainom. But still, nakatulala ako na umaagos ang luha sa pisngi ko.

Paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko ang nalaman ko.

“H-hindi kami kasal? Hindi kami totoong kasal?” usal ko.

Napailing ako na mapait na napangiti. Iniisip ang nakitang civil status ni Ashton. He's single. Single. Which could only mean one thing. . . Ashton and I were never married.

Tulala akong naglakad palabas ng office. Hiyang-hiya ako sa mga tao roon. Nakakahiya. Para akong pinagtatawanan ng mga tao sa paligid ko. Sumakay ako sa kotse at napahagulhol na sumubsob sa manibela.

Naglalaro pa sa imahinasyon ko ang naging buhay ko sa nakalipas na dalawang taon bilang Mrs. Valmont.

Waking up before sunrise to prepare our breakfast. Carefully ironing Ashton's clothes before work. Packing his lunch. Adjusting his tie before he left. Lahat inihahanda ko para wala na siyang alalahanin. Kaya naman iyon ng mga katulong pero–ako ang personal na umasikaso sa asawa at anak namin.

Sa gabi, naghihintay ako sa kanya sa sala kahit hindi ko alam kung ano'ng oras siya uuwi. Pagdating niya, nakahanda na ang makakain niya, ang pagbibihisan niya, ang panligo niy. Sinisiguro kong maayos ang lahat sa araw-araw.

When he worked late, I stayed awake beside him. I made coffee. Prepared snacks. Massaged his shoulders whenever he looked exhausted. Kahit hindi siya nagsasabi, kusa kong ginagawa ang mga ito. Dahil alam kong kailangan niya iyon. Kahit hindi siya nagpapasalamat, sapat na sa aking tinatanggap niya ang mga ginagawa kong pag-aasikaso sa kanya.

When he came home drunk after meeting friends or business partners, I never complained. Not once. I removed his shoes. Changed his clothes. Cleaned him up. Wala siyang maririnig na pagtatalak mula sa akin.

I Made soup the next morning when his stomach hurt from drinking. I gave him everything. Everything. Because I loved him. Halos sambahin ko na siya. Ibigay maski buhay ko para lang sa kanya. Kahit na wala naman akong nakukuhang kapalit ng mga ito. Still, minamahal at inaalagaan ko pa rin ang asawa ko.

Even when people laughed at me. Even when they said I wasn't good enough for Ashton Valmont. Even when they called me nothing more than a housewife living off her husband's name. I endured it all.

Because I believed I was his wife. Nangako ako kay lola na pagsisilbihan ko si Ashton at hinding-hindi ko siya iiwan. Nangako ako na bibigyan ko ng maraming apo ang Valmont family. Na magiging masaya si Ashton at mga anak namin. Kaya naman payapang namahinga si lola at nagtiwala sa pangako ko.

A sob escaped my lips.

“H-hindi niya ako asawa. H-hindi ko siya asawa. Hindi ako asawa ng asawa ko?” paulit-ulit kong sambit habang umiiyak.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 15

    LEXI:PASADO alas-onse na nang matapos namin ni Ashton ang lahat. Saktong nagising na rin si baby kaya gumayak na kami. Tumuloy na kami sa party at tumatawag na ang mga kaibigan ni Ashton dito. By the time we arrived at Julius's house, the party was already in full swing.Colorful balloons decorated the garden, children's laughter filled the air, and upbeat music played softly in the background. There were tables filled with food, drinks, and a beautifully decorated birthday cake waiting for the birthday boy. Kilala ko na ang mga kaibigan ni Ashton, maging ang mga asawa nila. Kaya kahit paano, hindi ako naiilang na makasama ang mga ito.The moment we stepped through the entrance, Julius spotted us."Ashton!"He immediately walked over, a huge smile spreading across his face. Nanatili ako sa tabi ni Ashton. Hinintay namin itong makalapit."You're finally here!"Ashton chuckled and shook his hand. "Happy birthday to your little man, dude.""Thanks for coming, man." Ani Julius na hinaplo

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 14

    LEXI:NASA backseat kami ni baby habang si Ashton naman ang nagmamaneho. Bawal kasi ang bata sa harapan, kaya dito ako sa likod nauupo kapag kasama namin si baby. Naka-focus lang naman si Ashton sa daan, kaya tahimik akong karga si baby at nakamata sa labas ng bintana. Mamayang tanghali pa ang party kaya sa kumpanya muna kami tutuloy. He had already mentioned it before we left the mansion, so I wasn't surprised when our car turned toward the company instead of Julius's house.Ashton parked in front of the building, then got out and opened the back door for us. "Gusto mo bang sumama sa loob?” he said as he lifted our son from his car seat.Tumango ako bilang sagot. I grabbed the baby's bag from the trunk and followed him inside. The moment we entered Valmont Corporation, several employees greeted Ashton."Good morning, sir.""Good morning, ma’am."Ashton and I acknowledged them with brief nods as we made our way toward the private elevator. I stayed beside him, occasionally glancing

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 13

    LEXI: MABILIS akong naghilamos at sepilyo bago lumabas ng banyo. When I stepped out, Ashton and Baby Ashford were already gone. I quickly fixed myself, fixed the bed and Ashton’s stuff before leaving the room as well. Tumuloy ako sa baba at alam kong nasa dining room na ang mag-ama. Malayo pa ako pero dinig na ang ingay na nagmumula sa dining room. Ang boses ng mga katulong na nagtatawanan. A small smile crossed my lips when I saw Ashton already there, Baby Ashford comfortably settled in his arms while the servants prepared breakfast. "Magandang umaga po, Ma’am Lexi!" one of the servants greeted me when she noticed me. Napangiti ako na pumasok na ng dining. "Good morning, manang." Sunod-sunod ding bumati ang iba pa sa akin. Napahinto ako sa gitna nang salubungin ako ni Ashton. A mischievous smile immediately appeared on his lips. Pinaningkitan ko ito. Napapasulyap na naman kasi siya sa panga ko na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Ano ba’ng problema ng hudas na ‘to? Kani

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 12

    LEXI: NAPATITIG ako dito, nakamata sa malayo at malalim ang iniisip. Hindi na rin ako nagsalita pa. An awkward silence settled between Ashton and I after that conversation. Walang imikan sa pagitan naming dalawa. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko sa kanya e. Kaya hindi ito makasagot dahil marahil ay nag-aalangan siya. So we simply continued drinking our wine in silence. One glass became two. Then another. Until, eventually, the bottle was completely empty. Ito ang unang beses na nagkainuman kami ni Ashton. Kahit hindi na kami nag-iimikan, masaya pa rin ako. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumayo at binasag ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. "Uhm, mauuna na ako,” pamamaalam ko. Ashton nodded. "Okay." I headed back inside. Isang wine lang ang nainom namin, pero dahil hindi naman ako umiinom, ramdam ko na ang apekto ng alcohol sa katawan ko. When I returned to our room, Baby Ashford was still sleeping peacefully. I carefully climbed on the bed beside him, ma

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 11

    LEXI:HABANG kumakain, boses nila mommy, daddy at Lucy ang naghahari sa buong dining room. Hindi ako nakikisali sa usapan. Maging si Ashton ay tahimik lang din na kumakain katabi ko.“Oh my God, mo–tita, I miss this!” maarteng bulalas ni Lucy.Ilang beses na itong nadudulas ng tawag kay mommy at daddy pero hindi ko na lamang pinapansin. “Ipinahanda ko talaga ang dessert na iyan para sa’yo, hija. Kumain ka pa.” Nakangiting tugon ni mommy na pinaglagyan ng mango graham sa plato si Lucy.“Thank you, tita. I really appreciate your efforts. Kaya nakakamis ang Pinas e.” Wika pa nito na napaarte ng kilos at pananalita.****After dinner, we moved to the living room and continued talking. My parents seemed especially happy to have Lucy around. They kept asking her questions, telling her stories, and catching up on everything they had missed."How about you, Lexi? What do you do?" Lucy asked me.I'd answer with a smile. “For now, heto, focus ako sa pag-aalaga kay baby.”“Oh, I see.” She repli

  • The Unmarried Wife of the Cold Billionaire    Chapter 10

    LEXI:PAGKAALIS ni Ashton ay tinawag ni mommy ang lahat ng mga katulong at sinabihan ang mga ito tungkol sa pagdating ni Lucy. The mansion suddenly became busier than usual. Servants moved back and forth through the halls, carrying fresh linens, arranging flowers, and making sure every corner of the house was spotless. Hindi na lamang ako nakialam pa at itinuon ang attention kay Baby Ashford.My mother had even ordered them to prepare the largest guestroom for Lucy’s arrival. Para itong reyna ng mansion kung makapag-utos sa mga katulong. Halatang halata na gusto niyang iprincess treatment ang anak niya pagdating dito. Naiiling na lamang ako.I stood quietly, watching everything unfold. Kung hindi ko pa natutuklasan ang lahat, magtataka ako sa ikinikilos ng magulang ko–gayong pamangkin lang naman nila si Lucy. But I already knew everything.Lucy wasn’t simply my parents’ niece who was visiting the country for a while. That was the story they had told everyone else–the convenient lie th

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status