LOGINAng bawat paglipat ng pahina ng pulang folder ay tila pagbukas ng mga kabaong.Nakaupo pa rin ako sa kandungan ni Wilbert. Ang isang matibay at mainit niyang braso ay mahigpit na nakapulupot sa aking baywang, habang ang kabilang kamay niya ay marahang itinuturo ang mga pangalan at numero sa mga dokumento. Ang boses niya ay mababa, kalmado, at may halong mapagmataas na himig habang inilalantad niya sa akin ang mga kalansay na nakatago sa ilalim ng Vanguard Empire."Ito si Judge Valderama," panimula ni Wilbert, tinapik ang isang litrato ng isang pamilyar at kagalang-galang na huwes sa Korte Suprema. "He’s hailed as a pillar of justice. Pero ang totoo, may dalawang milyong dolyar siya sa isang offshore account sa Cayman Islands na nakapangalan sa isang dummy corporation na hawak ko. Apex Holdings."Pinaikot niya ang pahina. Tumambad ang mga bank transfer slips at mga kopya ng titulo ng lupa."Kaya noong nagkaroon ng kaso laban sa isa sa mga land development projects ko sa probinsya... ib
Mabilis kong hinubad ang velvet robe at naghanap ng maisusuot sa loob ng higanteng walk-in closet. Gusto ni Wilbert ng ‘presentable’. Gusto niyang makita ang isang reyna na karapat-dapat pumasok sa kanyang kaharian. Kung hindi ko lang kailangan na pakisamahan siya, sasabihin ko talagang ang OA niya. Pero wala akong magagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Kumuha ako ng isang itim na silk blouse na may mahabang manggas at ipinares iyon sa isang pormal na charcoal slacks. Tinali ko ang buhok ko sa isang mahigpit at malinis na pusod. Kahit wala ako sa mood na magbihis at magtali ng buhok, gagawin ko na lang.Nang humarap ako sa salamin, wala na ang bakas ng babaeng umiiyak sa banyo kanina. Ang nakita ko ay isang babaeng handang makipaglaro sa demonyo.Lumabas ako ng master suite at naabutan ko si Wilbert na naghihintay sa pasilyo. Tumaas ang isang kilay niya nang makita ang suot ko. Tila nagustuhan niya ang pormal at malamig na aura na ipinapakita ko. Iniabot niya ang kamay niya, at na
Malamig ang tubig na idinampi ko sa mukha ko. Pilit kong hinugasan ang mga bakas ng luha at pawis na naiwan mula sa ginawa ko kanina.Nang mag-angat ako ng tingin sa salamin, pinagmasdan ko ang mukha ko. Wala na ang mamula-mulang pisngi at ang namamagang labi na dulot ng matinding pagnanasa kay Leobert. Ibinalik ko ang blangko at malamig na ekspresyon na siyang paboritong baluti ko sa mansyong ito.Mabilis kong kinuha ang isang makapal at kulay burgundy na velvet robe. Isinuot ko iyon at mahigpit na itinali sa aking baywang, sinisiguradong walang anumang balat ang makikita bukod sa leeg at ibaba ng binti ko. Itinago ko rin ang dyamanteng kwintas sa ilalim ng tela. Ayokong makita ang kumikinang na bato na iyon ngayon. Gusto ko munang maging malinis, kahit sa panlabas lang.Binuksan ko ang pinto ng en-suite bathroom at naglakad palabas pabalik sa master suite.Sakto namang umalingawngaw ang tunog ng pagpihit ng doorknob mula sa main door ng kwarto.Awtomatikong tumigas ang mga balikat k
Tinitigan ko ang babae sa malaking salamin.Pinalilibutan ng ginto, makikintab na puting marmol, at maiinit na ilaw ang malawak na en-suite bathroom ng master suite. Amoy mamahaling lavender at jasmine ang hangin. Nakabukas ang shower sa di kalayuan, nagbubuga ng mainit na usok na dahan-dahang bumabalot sa malamig na silid. Ngunit kahit anong init ng tubig o bango ng paligid, hindi nito kayang tunawin ang yelong bumabalot sa puso ko.Nakasuot pa rin ako ng manipis at itim na silk robe. Sa leeg ko, nakasabit ang mabigat at malamig na dyamanteng kwintas na kailanman ay hindi pinayagan ni Wilbert na tanggalin ko. Ang babaeng nasa salamin ay ang reyna ng Vanguard Empire, perfect, mayaman, at pag-aari ng isang halimaw.Pero sa loob-loob ko, ako pa rin si Catherine. Ang Catherine na natagpuan ang kapayapaan sa isang maalikabok na probinsya.Napapikit ako nang mariin habang nakasandal sa gilid ng lababo. Leobert.Kusang pumasok ang pangalan niya sa isip ko, dala ang isang matinding alon ng
LEOBERT POVSanay ako sa ingay. Bilang isang MAPEH teacher, ang araw-araw na buhay ko ay umiikot sa tunog ng pito, sigawan ng mga estudyante sa basketball court, tawanan sa pasilyo, at ang malakas na paghampas ng bola sa sahig ng gymnasium. Sanay ako sa gulo. Sanay ako sa buhay.Pero ngayon, habang nakaupo ako sa pamilyar na silya ko sa loob ng faculty room, ang katahimikan ay nakabibingi.Tinitigan ko ang bakanteng desk sa kanan ko. Malinis na ito. Wala na ang mga nakasalansan na test papers, wala na ang lumang mug na may mantsa ng kape, at wala na ang mga pulang ballpen na palagi niyang kinakagat sa dulo kapag nag-iisip siya. Wala na ang nag-iisang babaeng nagbigay ng panibagong kahulugan sa bawat umaga ko dito sa San Isidro High School.Wala na si Catherine.Isang linggo na ang lumipas mula nang dumating ang tatlong itim na SUV at ang lalaking nagpakilalang fiancé niya. Isang linggo na rin mula nang durugin niya ang puso ko sa mismong pasilyo ng eskwelahang ito.“Wala kang alam sa
Matapos ang nakabibinging palakpakan at ang nakakapasong kislap ng libo-libong camera, tila isang malamig at madilim na kuweba ang loob ng limousine pabalik sa mansyon.Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kalsada ay nag-iiwan ng mabilis na guhit sa salamin, sumasabay sa tahimik na pag-ugong ng makina. Sa tabi ko, nakasandal si Wilbert sa leather seat, isang baso ng mamahaling whiskey ang hawak ng kabilang kamay, habang ang isa ay mahigpit na nakapulupot sa aking baywang.Hindi niya ako kinakausap, ngunit nararamdaman ko ang mabigat at mapanuri niyang paningin. Hinihintay niyang gumuho ang maskara ko. Hinihintay niyang umiyak ako ngayon dahil wala na ang mga matang nakamasid sa amin.Ngunit nanatili akong tuwid at kalmado. Hindi ko ibibigay sa kanya ang kasiyahan ng pagkakita sa kahinaan ko.Nang marating namin ang mansyon, sinalubong kami ng pamilyar na hilera ng mga kasambahay at bodyguard. Sabay-sabay silang yumuko, ang kanilang mga anino ay humahaba sa ilalim
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







