Se connecterPagkapasok pa lang ni Kristine sa bahay, agad niyang nakita si Tita Rica na nakaupo sa sofa, tulala, at halatang kaiiyak lang. Namumugto ang mga mata nito, at mahigpit ang pagkakahawak sa panyo.
Napalunok si Kristine. “Tita Rica, anong nangyari? Nasaan si Papa?”
Si Tita Rica ay ang pangalawang asawa ng kaniyang ama, si Mr. Lucas Montero. Sa tanong ni Kristine, biglang napaiyak muli ang ginang. Nanginginig ang boses nito habang nagsimula nang magsalita.
“Kristine… si Leo! Anak ng—” Napahawak ito sa sentido, galit at lungkot ang halatang bumabalot sa kanya. “Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon! Walang utang na loob!”
Napatigil si Kristine, unti-unting sumisikip ang dibdib. “Tita, ano pong ibig n’yong sabihin? Ano’ng ginawa ni Leo?”
Mabilis na tumayo si Tita Rica, galit na galit. “Hindi mo ba alam?! ‘Yung lalaking ‘yon na pinagkatiwalaan ng tatay mo, na tinulungan n’yo noong bagsak ang negosyo niya—ngayon, siya mismo ang nagpaaresto sa tatay mo! Kristine, nasa detention center na!”
Halos mabitawan ni Kristine ang hawak niyang bag. Nanigas siya sa kinatatayuan. “Ano?” mahina niyang nasabi. “Hindi... imposible ‘yan, Tita. Si Leo? Hindi niya ‘yon magagawa.”
“Magagawa niya!” singhal ni Tita Rica. “Sabi ko na nga ba noon pa! Hindi ‘yan marunong tumanaw ng utang na loob. Noong wala siyang pera, halos patayin ng tatay mo ang sarili sa pagtulong sa kaniya! Tapos ngayong nakabangon siya, ito ang kabayaran? Ang ipabilanggo ang ama mo?!”
Napahawak si Kristine sa dibdib niya. “Tita Rica, huwag po kayong mag-alala. Tatawagan ko siya. Kakausapin ko si Leo.”
Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas, pero kahit papaano ay umaasa siyang may natitira pang awa si Leo. Kahit tapos na sila, kahit sira na ang lahat, sigurado siyang hindi niya kayang pabayaan si Kristine nang ganito.
Nanginginig ang mga daliri niyang dinial ang numero nito.
Sumagot si Leo agad, malamig ang tono. “Hello?”
Mahinang tinig ni Kristine, “Leo, alam kong tapos na tayo. Pero… huwag mo namang idamay si Papa. Wala siyang kasalanan sa nangyari. Kung galit ka sa akin, ako na lang ang parusahan mo.”
May marahang tawa sa kabilang linya — malamig at mapanlait. “Kristine, may kailangang managot sa nangyaring pagkawala ng pondo. Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan.”
“Leo, please,” pakiusap niya. “Ibabalik ko ‘yong pera kahit paunti-unti. Huwag lang si Papa…”
“May isa pang paraan,” putol ni Leo, mababa at kontrolado ang boses. “Depende kung kaya mo.”
Natigilan si Kristine. “Anong ibig mong sabihin?”
“Simple lang,” sagot ni Leo. “Manatili ka sa akin sa loob ng limang taon. Bilang kapalit, palalayain ko ang tatay mo. Iuurong ko ang kaso. Hindi na siya makukulong atvmapapahiya ang pamilya mo.”
Nanlamig ang mga kamay ni Kristine. “Ano?! Leo, wala ka talagang hiya, no?! Ako na nga ‘tong niloko mo, bakit parang ako pa ang may utang na loob sa iyo?”
“Kristine,” malamig niyang sabi, “alam mo kung sino ako. Huwag kang magkunwaring inosente.”
Nanginginig si Kristine, halos hindi makahinga sa galit. “Hindi ako magiging kabit mo, Leo. Kahit kailan ay hinding-hindi ako babalik sa iyo! Manloloko ka! Ginamit mo lang ang pamilya ko! Pagkatapos mong gatasan ang tatay ko, ipapakulong mo siya?!”
Tumahimik sandali si Leo bago muling nagsalita, kalmado pa rin ang boses. “Kung gano’n, maghanda kang kumuha ng abogado. Pero gusto kong ipaalala, sa laki ng perang nawala, sampung taon ang pinakamababang sentensiya. Huwag mo akong sisihin kapag hindi mo na siya nakita sa labas ng kulungan.”
“Gagawa ako ng paraan,” sagot ni Kristine, pinipigilan ang luha. “Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado sa Maynila!”
“Si Harvey?” natatawang tugon ni Leo. “Nakalimutan mo yatang bayaw ko siya. Sa tingin mo, tutulungan ka niya laban sa pamilya namin?”
Parang binuhusan ng yelo si Kristine. Nanlamig ang buo niyang katawan. Hindi siya nakasagot.
Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang huling linya ni Leo. “Kristine, darating din ang araw na ikaw mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin.”
Tuluyang bumagsak ang luha niya nang ibaba niya ang tawag.
“Hayop talaga siya!” galit na sabi ni Tita Rica, nang marinig ang nangyari. “P*****a! Gusto pa niyang sirain ang buhay mo! Hindi siya magtatagumpay, Kristine, hindi natin siya hahayaang durugin ka!”
Napaupo si Kristine sa sofa, ubos na ang lakas niya. Tahimik siyang huminga nang malalim bago nagsalita.
“Tita… may iba pa akong paraan. Si Attorney Hilton. Nabanggit mo dati—siya ang pinakakilala sa corporate cases, ‘di ba?”
Tumango si Tita Rica. “Oo, pero siya nga ang bayaw ni Leo. Imposibleng tutulong siya sa atin.”
Natahimik si Kristine sandali. “Na-meet ko na siya kagabi… aksidente lang. Pero susubukan ko. Kahit maliit na posibilidad, pipilitin ko.”
Tiningnan siya ni Tita Rica mula ulo hanggang paa — amoy alak, pagod, may suot pang coat ng lalaki. Ramdam niyang may nangyari kagabi pero hindi na niya tinanong. Ngayon ay hindi na mahalaga iyon. Mas kailangan nilang mailigtas si Mr. Montero.
***
Kinabukasan, maagang pumunta si Kristine sa Vantare Law Firm. Malinis, moderno, at halatang mataas ang pamantayan ng opisina. Agad siyang nilapitan ng receptionist.
“Good morning, Ma’am. May appointment po kayo kay Attorney Hilton?” magalang na tanong ng babae.
Umiling si Kristine. “Wala, pero kailangan ko siyang makausap ngayon. Urgent lang po talaga. Nandiyan ba siya?”
“Pasensiya na po,” mahinahon ngunit malamig ang sagot ng receptionist. “Hindi po puwedeng umakyat ang mga walk-in clients. Fully booked po siya hanggang dalawang linggo.”
“Dalawang linggo?!” halos mapahiyaw si Kristine. “Wala na kaming ganoong oras. Pakiusap naman, kahit sandaling makausap ko lang siya. Kailangan ko ang tulong niya.”
“Ma’am, sumusunod lang po ako sa patakaran,” mahinahong tugon ng receptionist, bagama’t halata ang pagod sa paulit-ulit na pakiusap ng mga katulad niya.
Napahawak si Kristine sa noo. Halos mamilipit siya sa kaba at frustration. “Kung alam ko lang, tinanggap ko na sana ‘yong business card niya kagabi…” mahina niyang bulong.
Parang dininig ng tadhana ang hinaing niya. Biglang bumukas ang elevator, at mula roon ay lumabas si Harvey Hilton — matangkad, maayos ang postura, at suot ang klasikong itim at puting suit. Katabi niya ang isang babaeng halatang galing sa mayamang pamilya, naka-bodycon dress at halatang sanay makakuha ng atensyon.
Mula sa kinaroroonan niya, pinagmamasdan ni Kristine ang dalawa. Kita niya kung paano ngumiti si Harvey sa babae.
Narinig pa niya ang sinabi ng babae, malambing ang tono. “Attorney Hilton, I really owe you this time. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko makukuha ang parte ko sa divorce settlement. That bastard husband of mine—he’s been so stingy lately!”
Bahagyang ngumiti si Harvey. “It’s part of my job, Ms. Castro.”
“Then maybe I can thank you properly? A dinner tonight, perhaps?” Halos idampi ng babae ang kamay sa braso ni Harvey.
Napatingin si Kristine, hindi niya maiwasang kabahan. Ang ganda ng babae, halatang sanay sa atensyon ng mga lalaki.
Ngunit tumingin lang si Harvey sa relo niya. “I’m afraid I already have an appointment tonight. Maybe some other time.”
Bahagyang namula ang babae, pero ngumiti pa rin bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ng babae, huminto si Harvey sa harap ng front desk. Napansin niya agad si Kristine na nakaupo sa gilid. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at ilang segundo silang tahimik.
Lumapit siya nang dahan-dahan. “You’ve changed your mind?” kalmado niyang tanong, may bahid ng pagtataka sa tinig.
Mula simula hanggang sa huli, wala talagang kapangyarihan si Kristine para lumaban—katulad ng kung paano nawala ang relasyon nila noon ni Leo.Tinitigan niya ito, puno ng poot ang mga mata.Binitiwan siya ni Leo, sabay ngising-matulis. “Trying to hook up with Harvey? Seriously, Kristine? Do you even have what it takes?”Natahimik lang si Kristine, pinipigilan ang sarili.Ngunit nagpatuloy si Leo. “Lahat ng tao sa industriya alam kung gaano siya kapihikan. He doesn’t just sleep with anyone. At ikaw?” Napailing ito, may halong paghamak ang tono. “You’re so stiff you’d freeze to death if someone kissed you. Kaya mo bang tiisin kung may maghubad sa’yo?”Parang biglang lumabo ang paligid sa pandinig ni Kristine. Hindi niya gustong marinig ang mga salitang iyon lalo na mula sa lalaking minsang minahal niya nang buong puso.Hindi siya tumingin sa mukha ni Leo. Ibinaba niya lang ang mga mata, pilit pinapakalma ang boses.“This is my business. Hindi mo na dapat pinakikialaman.”Lumapit pa si L
Parang walang nangyari, nilapitan ni Harvey si Daniel at nakipagkamay. Kalma at walang kahit anong emosyon sa mukha nito.“Nice to see you again, Mr. Tan,” sabi niya, malamig ang tono. Ni hindi man lang lumingon kay Kristine.Tumango si Daniel, halatang honored na kinakausap siya ng isang kilalang abogado. “Same here, Attorney. It’s a pleasure.”Tahimik lang si Kristine sa gilid, pero ramdam niyang umiinit ang tainga niya sa hiya at inis. Para siyang invisible sa harap ng lahat. Ngunit kahit kunwari’y walang pakialam si Harvey, pansamantalang dumulas ang tingin nito sa kanya.Napabuntong-hininga si Bea at mahinang bulong sa kaibigan, “Girl, ito na siguro ang pagkakataon mo. Huwag mong palampasin.”Ngunit bago pa man makalapit si Kristine kay Harvey, biglang nagsalita si Leo, nakangiti pero halatang may halong panunuya.“Harvey, kilala mo pala si Kristine? What a small world.”Ngumiti si Harvey, bahagya lang, at malamig pa rin ang tono. “Nakita ko lang siya minsan sa firm. Nothing more
Napatigil si Kristine sa pagkakatayo nang makita si Harvey. Bahagya siyang namula at mabilis na inabot ang hawak niyang paper bag. “Ah, nandito ako para isauli ang coat ni Attorney Harvey,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Harvey habang tinitingnan siya. Matagal bago niya inabot ang kamay para kunin ang bag. “Salamat. Hindi mo na sana inabala ang sarili mo,” malamig niyang tugon.Matapos iyon, tumalikod siya at diretsong naglakad papunta sa elevator. Wala man lang dagdag na salita.Nagulat si Kristine sa lamig ng tono niya. “Sandali lang, Attorney Harvey,” habol niya habang nagmamadaling sumunod. “May gusto sana akong itanong.”Pinindot ni Harvey ang elevator button at walang lingon-lingon na nagsalita. “Wala akong oras ngayon, Miss Montero.”Pero hindi siya natinag. Nang bumukas ang pinto, sumabay pa rin siya sa loob ng elevator, hindi alintana kung nakakahiya man. Napatingin si Harvey sa kaniya nang patagilid, bahagyang tumaas ang kilay.Habang inaayos ang manggas ng kanyang polo
Pagkapasok pa lang ni Kristine sa bahay, agad niyang nakita si Tita Rica na nakaupo sa sofa, tulala, at halatang kaiiyak lang. Namumugto ang mga mata nito, at mahigpit ang pagkakahawak sa panyo.Napalunok si Kristine. “Tita Rica, anong nangyari? Nasaan si Papa?”Si Tita Rica ay ang pangalawang asawa ng kaniyang ama, si Mr. Lucas Montero. Sa tanong ni Kristine, biglang napaiyak muli ang ginang. Nanginginig ang boses nito habang nagsimula nang magsalita.“Kristine… si Leo! Anak ng—” Napahawak ito sa sentido, galit at lungkot ang halatang bumabalot sa kanya. “Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon! Walang utang na loob!”Napatigil si Kristine, unti-unting sumisikip ang dibdib. “Tita, ano pong ibig n’yong sabihin? Ano’ng ginawa ni Leo?”Mabilis na tumayo si Tita Rica, galit na galit. “Hindi mo ba alam?! ‘Yung lalaking ‘yon na pinagkatiwalaan ng tatay mo, na tinulungan n’yo noong bagsak ang negosyo niya—ngayon, siya mismo ang nagpaaresto sa tatay mo! Kristine, nasa detention center na!”Halos
Si Kristine Montero ay halos hindi na makakilos nang maayos sa sobrang kalasingan. Magdamag siyang umiinom sa bar, sinusubukang lunurin sa alak ang pait at galit na bumabalot sa kaniya nitong mga huling araw matapos siyang lokohin ng dating nobyo. Nag-propose si Leo sa ibang babae.Niloko siya. Nilapastangan ang tiwala niya. At ngayong gabi, habang abala si Leo sa pagpro-propose sa ibang babae—isang babaeng ipinakilala pa sa kaniya bilang kaibigan.Habang naglalakad siya palabas ng bar, medyo hilo at lutang, pumasok siya sa isang madilim na koridor. Ang ilaw ay mahina, at ang paligid ay maingay pa rin mula sa musika sa loob. Sa kalituhan niya, napagkamalan niyang ibang tao ang isang lalaki.Walang pasintabi, bigla niyang niyakap ang lalaki at hinalikan ito nang mariin. Halatang puno ng poot at kalungkutan ang bawat galaw.Sandaling natigilan ang lalaki, halatang nabigla. Ngunit nang maramdaman ang lambot ng mga labi niya, marahan itong tumugon. Ang halik ay naging mabagal, kontrolado







