Share

Kabanata 13

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-06-29 19:47:09

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang galit na salubungin ang mga titig niya. I gritted my teeth. Mariing nakakuyom ang mga kamao ko. Walang pakialam kahit na bumabaon na ang mga kuko ko sa aking palad.

"9 months. Siyam na buwan lang naman ang titiisin mo."

Siyam na buwan nga. Pero sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay marami ang pwedeng mangyari. Hindi naman 'yon pwedeng itulog lang tapos paggising mo, siyam na buwan na.

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang aking mukha.

"Stop crying." Malumanay ang boses niya pero hindi nababakasan ng pag aalala.

Nanatiling dilat ang aking mga mata nang muli niyang inangkin ang aking labi. Bagama't malumanay ang bawat galaw ng kanyang labi ay ramdam ko naman ang rahas niyon. Puno ng panggigigil ang bawat s****p at kagat niya.

Bumaba ang mahihigpit niyang mga hawak sa aking mga braso, inaangat ako kahit na sapat naman na ang pagkakayuko niya para magpang-abot ang mga labi naming dalawa. Ang isang kamay niya'y bumaba sa aking likod pababa sa aking balakang at pang upo. Napapikit ako nang unti-unti kong naramdaman ang pag iinit ng aking katawan. Nagagawa ko nang tumugon sa kanyang halik. Kumapit ako sa kanyang batok at marahang sinuklay ng isa kong kamay ang kanyang malambot na buhok. Kasabay niyon ang pagpisil ng malaki niyang palad sa isang pisngi ng aking pang upo.

Biglang bumukas ang pintuan na siyang ikinagulat naming dalawa. Agad niya akong naitulak palayo at nabitawan.

"Ma! La! What are you doing here?!" Lumapit si Spike sa mga bagong dating samantalang ako'y naghahabol pa ng hininga mula sa mainit na halik na aming pinagsaluhan at sa gulat dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan.

"Dumaan kami sa bahay niyo upang sana ay bisitahin si Serra pero walang tao roon kaya dumiretso kami dito," rinig kong sabi ni Tita Rosella.

"Hijo, naisturbo ba namin kayo?" bakas ang pag aalala sa boses ng lola ni Spike nang itanong niya iyon.

Humarap ako sa kanila at ngumiti.

"Hi po," bati ko at lumapit na rin.

"Of course not, lola."

"Mukha kasing may importante kayong ginagawa at nakaisturbo kami. Hijo, may mantsa ka pa ng lipstick sa iyong labi."

Agad akong napatingin kay Spike at napatakip sa aking bibig. Samantalang rinig ko naman ang paghagikhik ni Tita Rosella.

Nagsasalubong ang mga kilay ni Spike nang nagbaba siya ng tingin.

"Oops, sorry."

Galit siyang nag iwas ng tingin sa akin bago nagtungo sa kanyang table upang kumuha ng tissue.

"Let's go shopping, Serra. Ibibili kita ng maraming lipstick na kissproof," sabay tawa ni tita.

"Ma!" mabilis na saway ni Spike sa kanyang ina.

"What, Spike? What?!" agad namang tugon ni Tita Rosella na tila ba galit pa sa anak dahil sa ginawa nitong pagsaway sa kanya.

Marahang napapikit si Spike saka malalim ang naging pagbuntonghininga.

"Tita, I love shopping!" I giggled.

"Me too!" she giggled too.

Spike's grandmother heave out a sigh. "Rosella finally found a daughter," nangingiti nitong sabi.

"You two can go shopping. Serra will stay," singit ni Spike, pinuputol naman agad ang kaligayahan ko.

"I can't go shopping. I'm going to visit some of my amigas. This is why we're here to fetch your fiancee. Para may makasama ang mommy mo," sabi naman ng lola ni Spike.

"Walang pera si Serra pang shopping. Just go alone, ma."

Tita Rosella pouted her lips. Ngayon ay idinadaan sa pagpapaawa upang payagan ako ni Spike na sumama sa kanya. "I can't go alone, anak! Ililibre ko naman siya. At saka mag s-shopping din kami ng mga gamit para kay baby."

Marahang napapikit si Spike saka marahas na napabuntonghininga habang hinihilot ang sentido niya.

"Fine."

"Yes!" tila batang sumuntok pa si tita sa ere bago ako nakangiting hinarap.

"Pero kasama si Rynette," agad niyang dagdag.

Napabuga ako ng hangin. Kunot noo naman siyang nilingon ni tita.

"Who's Rynette?"

"Her assistant. Wait, I'll call her."

Tinalikuran kami ni Spike upang gawin ang tawag. Humarap naman sa akin ang lola at mommy niya.

"I really have to go, Rosella, Serra. Kanina pa naghihintay ang mga amigas ko sa akin."

"You take care, Mama," sabay beso ni tita Rosella kay lola.

Nang humarap sa akin ang matanda ay agad ko siyang nginitian. Niyakap niya rin ako.

"Next time na lang tayo mag bonding, Serra. Basta bago ang kasal niyo. Ingatan mo ang apo ko sa tuhod, okay?"

Nakangiti akong tumango sa kanya. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang init ng pagtanggap nila sa akin. At para akong kinakain ng konsensya ko sa isiping niloloko ko sila. Na hindi talaga ako totoong buntis. I just hope na magiging maganda ang resulta ng planong ito ni Spike. I don't wanna disappoint them.

Tila kumikinang ang lahat ng bagay na nakikita ko. Busog na busog ang aking mga mata sa mga sapatos at bags na aking nakikita sa napasukan naming shop.

"I like the blue one, don't you wanna try it?" tanong ni Tita Rosella.

Agad akong tumango at binitawan ang maroon na ankle strap pump.

"Oh? Do you like that pump? Are you fine wearing something like that? Baka matapilok ka, hija. Maganda sana kaso—"

"Oh no, tita! Tinitingnan ko lang naman po. I have no plans of buying it."

Ngumiti si tita at nagbalik ng tingin sa wedge na hawak niya. "Tita . . ." she murmured.

"Po?"

"You call me tita." alanganin ang ngiting nakaplaster sa kanyang labi. "Hindi ka ba komportableng tawagin akong mommy? You know . . ." Nag angat siya ng tingin sa akin. "I've always wanted to have a daughter, hija. Pero hirap akong magbuntis. It took us four years before I got pregnant with Spike. And then after him, ilang miscarriage ang natanggap ko before I finally accepted the fact na si Spike lang talaga ang magiging anak namin. Inggit na inggit ako dati sa tuwing ipapasyal namin si Spike sa playground tapos may makikita akong mga batang babae na nakasuot ng magagandang dress at may magagandang palamuti sa buhok. Kaya as early as 16, sinasabi ko na kay Spike na magdala naman siya ng babae sa bahay. Pero ewan ko ba at dumating na lang siya sa edad na ito at ikaw lang talaga ang naipakilala niya sa amin. And I'm so very happy to have you in our family, Serra. So please call me mama. Mas magiging masaya ako kung mama na ang itatawag mo sa akin."

Kumikinang ang mga mata ni tita. Namumuo ang mga luhang nagnanais na kumawala. Hindi ko alam kung bakit naiiyak din ako. Kung dahil ba nadala ako sa estorya niya o dahil alam kong balang araw ay masasaktan ko siya. Kasi kahit ano pang gawin kong palusot, niloloko pa rin namin sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status