Compartir

Kabanata 52

Autor: Shinzanzou
last update Fecha de publicación: 2026-08-16 05:55:18

Kahit anong gawin kong alis sa mga luha ko ay hindi pa rin natutuyo ang mukha ko. Sunod-sunod pa rin ang pag agos ng mga ito na para bang ilang taon akong hindi umiyak at ngayon lang talaga ako nabigyan ng pagkakataon para umiyak ng ganito.

Pero shit! Anong dahilan ko para umiyak ako ng ganito kalala?

Para sa simpleng pagtira ni Merila dito? Ang babaw ko naman yata kung iyon lang ang rason ko? E, ano naman kung tumira iyong bestfriend niya dito? E, ano naman kung magkasama sila sa iisang bubong? Anong pakialam ko? Wala akong karapatang makaramdam ng kung ano man itong nararamdaman ko ngayon. I might end up breaching the contract if I won't stop this instant. At Ayaw ko namang mangyari iyon. Ayaw kong tuluyang mawala sa akin ang kompanya at ang mansyon. Iyon na lang ang natitira kong alaala kay daddy. Hindi ko maaatim na pati ang mga iyon ay mawala sa akin dahil lang nahulog na ako kay Spike.

Kaya blessing in disguise na rin siguro itong pagtira ni Merila dito.

Kinatok ako ni Spike ng banda alas otso. He wants me to go out for dinner pero hindi ako lumabas. Hindi ko rin siya sinagot. I remained silent. He has keys pero hindi siya sumubok na buksan ang p***o ng kwarto ko. I think nirerespeto niya ang desisyon kong hindi lumabas.

Kung hindi lang siguro ako buntis ay baka nakaya ko pang hindi kumain ng hapunan. Pero dahil buntis ako ay hindi talaga ako patutulugin nitong bata sa tiyan ko hangga't hindi ko siya napapakain. Tiniis ko ng ilang oras ang gutom. Kahit na naiiyak na ako ay nagtiis pa rin ako, huwag ko lang makikita sina Spike at Merila. I am not yet ready to face them!

Ala una na ng madaling araw ako bumaba para kumuha ng makakain. Siniguro kong nasa kani-kanilang kwarto na sila at nakapatay na ang ilaw nang bumaba ako. Pero laking gulat ko nang nakita si Spike na nakaupo sa kabisera. Agad na nag pang abot ang aming mga mata. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kung babalik ba ako sa kwarto o kung magpapatuloy ako sa paghahanap ng pagkain at balewalain siya?

Pwede ba 'yon? Kaya ko ba siyang balewalain? Papaano ko siya babalewalain? E, nakataas na nga ang kilay niya sa akin ngayon.

"Uhh... Kukuha lang ako ng pagkain. I didn't mean to disturb you," saad ko. Mukha kasing nagtatrabaho siya dahil nakaharap siya ngayon sa MacBook niya.

Sandali siyang nagbaba ng tingin sa wristwatch niya bago siya muling nagtaas ng tingin sa akin. "Pasado ala una na ng madaling araw, Serra."

I nodded. "I know."

"Bawal sa iyo ang nagpupuyat 'di ba?"

"Ngayon pa lang naman ako napuyat. Hindi naman siguro nakakasama ang isang beses."

He smirked. "Kahit na ilang beses pa... If it's bad, it's bad."

Hindi ako nakasagot. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Pero hindi ko nakuha ang iba pang nais niyang iparating. Alam kong may iba siyang kahulugan sa mga sinabi niya.

He took a deep breath and sighed. "Gutom na gutom si Merila kanina kaya kinain niya pati ang pagkain na dapat ay para sa iyo. I apologize."

Napapikit ako ng mariin, pinipilit ang sariling huwag magalit. What the fuck? Hindi lang siya sa bahay makikihati? Pati na rin sa pagkain? Don't tell me next time kay Spike naman?!

"It's okay. Bibili na lang ako sa labas."

"You don't have to. Pwede ka namang magpa-deliver."

I shook my head. "I preferred walking outside. Gusto ko ring makalanghap ng sariwang hangin," sabi ko at tinalikuran na siya.

Iritado at padabog akong naglakad palabas ng bahay. Hindi naman ako matatakutin pero bigla akong kinabahan pagkalabas ko ng gate at nang nakita ko ang walang katao-taong kalye. Malayo-layo pa ang labasan. What if may biglang magpakita sa akin dito? What if may aswang tapos kainin ako ng buhay? Sabi pa naman nila lapitin daw ng mga aswang ang mga tulad kong buntis kasi raw mabango sa pang amoy nila ang mga babies. What if-

"Fuck!" Agad kong naibulalas dahil sa gulat nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko na para bang aatakehin ako sa puso.

"What the fuck, Spike! Papatayin mo ba ako sa gulat ha?!"

Bahagya siyang natawa. Mas lalo akong nainis.

"Anong iniisip mo at hindi mo man lang narinig ang paglapit ko?"

Mabilis akong umiling ng sunod-sunod. "Wala ka na do'n!"

Naglakad ulit ako palayo sa kanya. Agad din naman niya akong sinundan.

"Wait!" he said.

Hinawakan niya ako sa siko. Natigil ako sa paglalakad. Is he going to join me? Sasamahan ba niya akong bumili ng makakain?

"Oh right!" Wala sa sarili kong naibulalas after kong ma-realize na wala pala akong perang pambili! Medyo tanga ka sa part na iyon, Serra!

Natawa na naman siya. "Nagdala ako ng pera," saad niya saka niya isinuot sa akin ang itim na jacket na hawak-hawak niya. Sandali akong natulala lalo pa nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at iginiya papasok sa loob ng jacket. Ngayon lang ako binihisan ng isang lalake. Madalas ay hinuhubaran nila ako at pagkatapos ay hinahayaan na lang nila akong magbihis sa sarili ko.

"W-what are you doing?" nauutal kong sabi. And shit! Bakit ako nauutal?

Nagtaas siya ng isang kilay at inayos ang hood ng jacket sa ulo ko, siniguro niyang natakpan ng maayos maging ang noo ko.

"May hamog... Ayaw kong mahamogan ka."

Nagsimula na siyang maglakad. Habang ako ay naiwan sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang mabilis na pagdabog ng dibdib ko na para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob. I admit, my heart flutters from what I've heard. Nangingiti ako pero ayaw kong ngumiti. Pinipilit ko ang sarili kong huwag ngumiti. I can't let him see me smiling like an idiot.

Ganito ba ang feeling ng kinikilig? Ito ba iyon? Iyong parang inaalon ka pero mga ulap ang umaalon sa iyo at dinadala ka papuntang langit?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status