LOGINHindi pa tapos ang party kagabi ay umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga. Bawal kasi akong magpuyat dahil nga buntis ako. Ayaw ko namang malalaki ang mga eyebags ng mga anak ko paglabas. Kahit na hindi naman siguro totoo iyong mga paniniwalang iyon at biro lang pero what if 'di ba? Ang gullible ko lang talaga! Ang bilis kong maniwala sa mga sabi-sabi.
Medyo late na nga iyon, e at pasado alas onse na ng gabi pero heto ako at nagising ng alas sais dahil nag iingay ang tiyan ko. Nagugutom ako pero nauna akong tumakbo sa banyo upang magsuka bago bumaba sa kusina upang kumain. Ngayon ko lang talaga napagtanto kung gaano kahirap magbuntis. Iyong kahit wala kang maisuka ay pipilitin mong sumuka para sa ikakaginhawa ng pakiramdam mo. "Ang aga mong nagising." Si Spike ang agad na sumalubong sa akin sa kusina. He's wearing an apron and cooking something. "Ang aga mo rin," agad kong tugon sa kanya. "Anong oras kang natulog kagabi?" "Sumunod agad ako pagkaakyat mo. Mukhang napagod ka at tulog ka na agad pagkapasok ko. Gutom ka na? Anong gusto mong kainin?" Kumuha ako ng gatas sa ref saka ako nagsalin sa baso at agad iyong inilagay sa microwave. "Anong niluluto mo?" sabay silip ko sa lutuan. Nagpiprito siya ng bacon. Mukhang kakasimula pa lang. "Bacon is fine." Hinintay ko lang matapos ang pinapainit kong gatas bago ako naupo at sinimulan iyong inumin. "Nakita ko kayong magkausap ni Fierra kagabi. Anong pinagusapan niyo?" Nagkibit-balikat ako. "Random things." Nilingon niya ako. Bahagya siyang sumandal sa counter. "Like?" I sipped on my milk first at habang ginagawa iyon ay iniisip rin kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga napagusapan namin kagabi ng pinsan niya o hindi. I took a deep sigh. "Naikwento niya lang na niligawan mo raw noon si Merila." Agad na tumaas ang dalawang kilay niya. Bahagya rin siyang napaatras at mabilis na naglikot ang kanyang mga mata, pilit na iniiwasan ang mga tingin ko. Nagkibit balikat ako. "Naikwento niya lang naman. Wala rin naman akong pake kaya hindi na lumaki 'yong usapan namin tungkol doon." "We were just highschool when it happened." Tumango ako at muling uminom ng gatas. Rinig ko ang mahaba niyang pagbuntonghininga bago siya humarap sa niluluto niya at iyon ang pinagtuunan niya ng pansin. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik habang tinatapos niya ang niluluto niya at ako'y tinatapos rin ang gatas ko. "Do you want some fried eggs?" Umiling ako. "Ayos na ako sa bacon." Tumango siya at isa-isa na niyang nilapag ang mga niluto niya sa lamesa. Naglagay siya ng plato sa harapan ko. Pinanood ko siyang ipagsandok ako ng kanin at ulam. "Thanks," sabi ko bago ako nagsimulang kumain. Tahimik rin siyang nagsimula. I don't mind us being silent during our breakfast. Pero bigla na lang siyang nagsalita at itinuloy niya 'yong topic namin kanina na talaga namang ikinagulat ko. "We never had an intimate relationship. I courted her because I thought I had feelings for her back then. I just realized it now that it was shallow and close to not real. A puppy lovelove to be exact." Nagtaas ako ng isang kilay. "Hindi mo kailangang ikwento sa akin 'yan." "I just don't want you to overthink na may past kami. Especially now that she's living with us." I was taken aback by what he just said. Ayaw niya akong mag overthink? Bakit? Anong pake niya kung mag overthink ako? Does he really have feelings for me? "Matagal na iyon, Serra. Walang namamagitan sa amin ngayon." Bahagya akong natawa. "Parang defensive ka naman." Mabilis na kumunot ang kanyang noo. "I am not. I just want to reassure you." "Anong reassurance pinagsasasabi mo? Wala kang dapat na patunayan sa akin, Spike. Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kontrata natin. You really don't have to explain it to me. May namamagitan man sa inyo o wala. May past man kayo o wala. Wala na akong pakialam doon." Hindi siya nakasagot. Bigla ring lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Nanatili ang mga tingin namin sa isa't-isa ng ilang minuto. Bago siya tuluyang nag iwas ng tingin saka tumikhim. "Good morning!" Marahan akong napapikit at napabuntonghininga nang marinig ang boses na iyon ni Merila. Masiglang-masigla na para bang masarap ang tulog niya. "Ang aga niyo namang nagising," aniya at naupo sa upuang nasa harapan ko. "Oh? Walang fried eggs?" sabi pa niya pagkatapos makitang bacon lang ang nakahaing ulam sa lamesa. Pareho kami ni Spike na hindi sumagot sa kanya. She pouted her lips saka niya nilingon ang asawa ko. "Can you cook fried eggs for me? And sinangag too." "Pwede namang ikaw ang magluto, Merila," sagot ni Spike. "Ihhh, mas masarap kasi kapag ikaw." Agad na tumaas ang isang kilay ko. Anong kalandian itong pinagsasasabi niya? "Male-late na ako sa trabaho. Ikaw na lang muna ang magluto," ani Spike saka tumayo at iniwan kaming dalawa ni Merila sa hapagkainan. "Nakakainis naman itong si Spike, e! Alam naman niyang nagc-crave ako sa eggs lately." Bahagyang kumunot ang noo ko. "Oh? Hindi mo alam?" Nakapaskil sa kanyang labi ang papausbong na nakakainsultong ngiti. Parang ayaw kong marinig ang kung anumang sunod niyang sasabihin. Ewan ko! I have a bad feeling about this. "I am pregnant..." Umawang ang labi ko. Namilog ang aking mga mata. Don't tell me... "And your husband, Spike is the father," dagdag niya pa saka tuluyang kumawala ang malademonyo niyang ngiti. "W-what did you just say?" mahina kong tanong. Kahit na narinig ko naman ang mga sinabi niya pero gusto ko pa ring sabihin niya ulit. Na buntis siya at si Spike ang ama! I suddenly remember. Nagtanong si Spike kanina kung gusto ko ba ng fried eggs. Is he thinking about Merila and their baby while offering me those things? "Buntis ako, Serra." Inulit pa talaga! "H-how sure are you na si Spike ang ama?" Hindi ko nagawang pigilan ang agarang pagpatak ng mga luha ko. Ni hindi ko nga napansin ang pagbadya ng mga ito. "Because I only did it with Spike. Hindi sa asawa ko, hindi sa kung sinong lalaki. Kaya sigurado akong siya ang ama ng batang dinadala ko."SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







