INICIAR SESIÓN"Who's marrying who?"
Agad akong napalingon sa gilid ko nang biglang may baritonong nagsalita. Kumunot ang noo ko nang nakitang pamilyar ang kanyang mukha pero hindi ko maalala kung sino siya at kung saan ko siya nakita.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Are we even close?
Nagtaas din siya ng isang kilay na may pilyong ngiti pa sa kanyang labi. "Anong look 'yan? Hindi mo na ako naaalala? I'm your husband's cousin!" Natatawang sabi niya.
"Didn't you hear? I am yet to marry someone. So what husband are you talking about?"
"Ows? You're not yet married? Are you denying your marriage with my cousin just because I wasn't there at you're wedding?" mapaglarong ngisi ang makikita sa kanyang bibig habang siya'y nagsasalita.
Kumunot ang noo ko. Unti-unti ay naaalala ko na kung saan ko siya nakita.
"Herrex?"
He immediately shrugged his shoulders upon hearing his name. "The one and only."
Pumikit ako't huminga ng malalim. "I am not married with anyone. That wedding you missed? It was fake."
He shook his head. "Not according to my source."
Kumunot ang noo ko. "Mali 'yang source mo! Si Spike mismo ang nagsabi sa aking hindi kami kasal! Na peke ang kasal naming dalawa!"
"Well, si Spike din ang nagsabi sa aking hindi peke ang kasal niyo at ikaw ang legal niyang asawa. Iyon nga lang ay may anak ka sa iba. Tsk, tsk, tsk, tsk, tsk! You better embrace yourself, Serra because he's now after you and your man now that he's done with the family issues. Kakasuhan ka niya ng adultery!" Umiling siya. "Hindi mo maide-deny 'yon, kasi may anak kayo ng kabit mo. Triplets pa."
Bakas ang pananakot niya sa akin sa tono pa lang ng pananalita niya, maging sa ekpresyon ng kanyang mukha. At Anong sinasabi niyang adultery? Pangangabit? E, wala naman akong kabit. At 'yong triplets ay anak naman talaga ni Spike.
Sarkastiko akong natawa. "So totoong kasal kaming dalawa? At kakasuhan niya ako ng adultery kasi may kabit ako? Edi magkasuhan kaming dalawa! Siya 'yong may anak sa iba remember?"
Kumunot ang noo niya. "Are you talking about Aila? Hindi niya anak 'yon. Anak 'yon ni Merila sa asawa niya. Ikaw 'yong may anak sa iba."
"Bakit niyo ba sinasabing may anak ako sa iba? E kay Spike nga 'yong triplets! Kahit ipa-DNA test niyo pa! Pero huwag na lang pala. Kasi kahit kailan, hinding-hindi makikilala ng mga anak ko si Spike. I will never allow it!" sabi ko at agaran nang umalis.
We were getting too much attention already. No. Ako lang pala. Nakakainis lang at nagawa pang dumagdag nitong si Herrex! Inis na nga ako kay Miller at sa mommy ay dumagdag pa siya. At sa laki ng Las Vegas ay talagang magkikita pa kami? Pwede naman sanang hindi!
Dumiretso ako sa bahay ni Miles upang kunin ang triplets. Pero naabutan kong wala na doon ang mga anak ko. Maging si Miles ay wala.
"Did you see Miles and my children? Where are they?" tanong ko sa kasambahay nila.
She shrugged her shoulders. "Sir Miller fetched them."
"What? Why did he do it?"
Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot ng katulong . Agad na akong sumakay sa sasakyan ko at nagdiretso sa bahay. Habang nasa byahe ay sinusubukan kong tawagan si Miles at Miller pero pareho silang hindi ko ma-contact. Tahimik ang bahay nang datnan ko. Walang kahit anong bakas na nagsasabing naroroon ang mga anak ko.
"Miller, saan mo dinala ang mga anak ko?!"
Nagsimula na akong kabahan. Iba na ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Something is off.
Pumunta ako sa bahay ng parents ni Miller, sa opisina niya, sa mga lugar na posibleng puntahan nila pero wala sila. Naiiyak na ako sa sobrang pag aalala kung nasaan na ang mga anak ko. May tiwala naman ako kina Miller at Miles. Knowing our history, they're the people I really can rely on. Pero sa nangyaring sagutan namin ni Miller kanina sa dinner ay hindi ko maiwasang kabahan.
Agad kong sinagot ang tawag nang rumihestro sa screen ang pangalan ni Miller.
"Mill!" agad kong bungad sa kanya.
"I told you, Serra. You're marrying me."
Kumunot ang noo ko. "Nasaan ang mga anak ko?"
"Hihintayin kita sa airport. Ngayon tayo aalis papuntang Pilipinas. Nakahanda na ang private plane."
"Nasaan ang mga anak ko, Miller?! Kasama mo ba sila?!" I asked, binabalewala ang mga sinabi niya. Pero imbis na makakuha ng sagot mula sa kanya ay pinatayan niya ako ng tawag. I tried to call him again pero naka-off na ang phone niya.
Pagkasakay na pagkasakay sa sasakyan ay agad ko itong minaniobra papuntang airport. Wala akong planong umuwi ng Pilipinas o magpakasal sa kanya. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay kailangan kong makita ang mga anak ko.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko habang nagmamaneho ako papunta kina Miller. Pero pilit kong binabalewala ang lahat ng 'yon. Sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko. Paanong sa isang desisyong akala ko magiging maayos na ang lahat ay biglang naging ganito? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Mabuting tao si Miller. Iyon ang alam ko. Pero bakit hindi ako makampante? Bakit labis-labis ang kaba ko?
Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag maniobra ko sa manibela pakana. Agad akong pumreno ng malakas nang makaiwas ako sa sasakyan na kasalubong ko.
"GET OUT OF THE CAR!" Kinatok ako ng driver ng sasakyan pero tanging pag iyak lang ang ginawa ko. I locked all the doors. Takot na takot ako sa nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"YOU ALMOST GET US KILLED! GET THE FUCKING OUT OF THE CAR, WOMAN!"
Mas lalo lamang akong natakot sa ginawa niyang pagsisisigaw at pagpukpok sa bintana. Kung kaya niya lang basagin 'yon ay masamang ginawa na niya. Unti-unti na ring dumadami ang mga tao sa paligid namin. Can this night get any worse? Parang qouta na ako sa gabing ito, e.
I really wanted to get out of the car, apologize, and explain to him what happened. Pero nauunahan ako ng takot ko. At isa pa, nagmamadali ako dahil hinahanap ko pa ang mga anak ko na hindi ko alam kung saan dinala ni Miller!
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







