Share

Chapter 18

Kanina pa hindi mapakali si Olivia sa kanyang upuan. Hindi niya halos malasahan ang nilutong mga pagkain sa lamesa.

Sino ba kasi ang hindi mawalan ng ganang kumain kung sa kanyang harapan pa mismo naglalambingan ang dalawa. Nakita niya kung gaano alagaan ni Zach si Silvia.

Nilagyan ni Zach ng juice ang baso ni Silvia at nilagyan din nito ng mga pagkain ang plato ng dalaga. Gusto niyang kurutin ito dahil nanggigil siya sa inis.

Wala man lang bang respeto ang lalaking ito at sa harapan pa talaga niya?

O sadyang inalis na talaga siya sa isipan nito.

"Oh, iha, are you okay?" tawag ni Isabel sa anak na kanina pa walang kibo at parang walang ganang kumain sa mga ipinagluto nila.

"Po?"

Kiming ngumiti ang ginang sa kanya. Napatingin na rin si Zach sa kanyang gawi habang si Silvia naman ay walang pakialam sa presensya nilang mag-ama.

"Napansin ko kasi na parang may problema ka, kasi hiniwa-hiwa mo na ng pino ang karneng baka na niluto ni Aling Lucy."

Nahiya siya sa sinabing iyon ng kany
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status