All Chapters of HB 1: HIS BEAUTIFUL START: Chapter 21 - Chapter 30
46 Chapters
KABANATA 20
“RAVE, SAAN KA PUPUNTA?” Nauhaw siya kanina kaya bumaba siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na siya sa silid nila nang maabutan niya si Rave na palabas ng bahay. Nakasuot ito ng itim na track pants, gray T–shirt at itim na rin na running shoes. May nakapasak na headset sa isang tainga nito kaya narinig pa rin siya nito. Bahagya siya nitong nilingon. “Maglalakad lang sa labas.” “Alas diez na.” “Bawal bang maglakad nang ganitong oras?” “‘Di naman.” Lumapit siya rito. “Pwedeng sumama? ‘Di kasi ako makatulog.” Tumango lang ito at sabay na silang lumabas ng bahay. Binati agad siya ng malamig na hangin. Mabuti na lamang at naka pajama at long sleeve siya. “Madalas ka bang maglakad–lakad sa gabi?” “I like the feeling of walking alone.” “Sige, uwi na lang ako –” Tumalikod na siya nang mabilis na mahablot ni Rave ang hood ng long sleeve niya. “Rave?” “You chose to walk with me. Panindigan mong makasama a
Read more
KABANATA 21
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Laura nang bahagyang bumaba ang lagnat ni Rave. Mabuti na lang. Maayos na rin ang paghinga nito at mukhang mahimbing nang natutulog. Tinitigan niya ang mukha ni Rave. Gusto niyang kaawaan ito pero naiinis siya. Masyado nitong pinagod ang sarili. Hindi ito kumakain sa tamang oras at kulang din lagi ang tulog. Naiintindihan niya na trabaho nito ‘yon pero hindi tamang isakripisyo nito ang kalusugan para lang doon. Sino na lang ang mag–aalalaga kay Rave kung wala siya? Bata pa si Ross kaya hindi pa nito maaalagaan nang maayos ang daddy nito. Kilala niya si Rave, sigurado siyang sasarilihin lang nito ang nararamdaman. Hindi niya maiwasang mapabuntonghininga. “Hindi naman habang buhay na nandito ako,” aniya, habang tinitignan si Rave. “Dapat alagaan mo rin ang sarili mo.” Iniligpit na niya ang mga ginamit niyang pampunas dito. Ibababa na muna niya ‘yon at kukunin ‘yong naiwan niyang thermos ng mainit na tubig sa kusina. Malakas pa
Read more
KABANATA 22
ANG SAYA–SAYA NI Ross nang makarating sila sa school nito. Mabilis na lumapit ito sa mga kaibigan nito at masaya silang pinakilala. Nakakahawa ang saya ng bata. Nakakatuwa.Pareho sila ng kulay ng T–shirt na tatlo, light pink kasi ang assigned color sa team kinder 1 and 2. May naka print na Family Day sa harap ng T–Shirt na may kasama pang pangalan ng eskwelahan ni Ross. Pareho silang naka itim na pantalon ni Rave at white shoes. Itinali niya ang buhok sa likod dahil medyo mainit. Nakasuot naman ng kulay maroon na cap si Rave na kapareho kay Ross.Dala–dala niya ang Nemo backpack ni Ross. Nasa loob na ang pamalit na damit ng bata at water bottle nito. Mula sa baby powder at mga iba pang kailangan ni Ross ay nakahanda na. Hinayaan na muna nila si Ross sa mga kaibigan nito at dumiretso na sila sa registration table. Si Rave na ang nagsulat sa mga pangalan nila. Nang iabot sa kanya ni Rave ang ballpen nagtaka ito nang matigilan siya.“
Read more
KABANATA 23
NABUHAY YATA NI Laura ang pagiging–competitive ni Rave at halos salihan na nito ang lahat ng games. Naloka naman talaga siya. Ang hirap pala nitong pilitin. Wow, grabe! Mula sa newspaper game na sinalihan nilang dalawa, sa three–legged race nila Ross at Rave, sack race nilang tatlo na makailang beses silang natumba. Pero tawa pa rin sila nang tawa habang sinusubukang makatayo. Sumali rin sila ni Ross sa trip to Jerusalem at sa pass the egg challenge. At sa mga larong ‘yon, ‘yong apple eating challenge lang talaga ang naipanalo nila. Pero hindi naman matatawaran ‘yong saya ni Ross. Sa araw ding ‘yon, nakita niya ang isa pang ugali ni Rave. Hindi naman talaga pala ito KJ. Kailangan lang pilitin.   Tuwang–tuwa si Ross nang makuha nila ang Best Parent of the day award. Natawa siya sa pa crown na ipinasuot ng mga teachers sa kanila. Syempre, mawawala ba ang little prince ng king and queen? Hindi. Kasama rin nila si Ross sa award
Read more
KABANATA 24
NAGISING SI LAURA na parang pinupukpok ang ulo. Hindi niya magawang maimulat nang maayos ang mga mata at sobra siyang nasisilaw sa liwanag. Napahawak siya sa ulo. Anong bang ginawa niya at ganoon na lang ang pamimigat ng ulo at katawan niya?Nagtayo ba siya ng MOA sa panaginip niya? Wala siyang maalala maliban na lamang sa bumaba siya sa kusina kagabi para uminom ng tubig.“Gising ka na pala.” Naimulat niya ang isang mata nang marinig ang boses ni Rave. Bagong ligo at bihis na bihis na. Nakasuot ito ng itim na track pants at puti na shirt. Naupo ito sa gilid ng kama pagkatapos – nakahalukipkip. Basang–basa pa ang buhok nito. Buti pa ang ‘sang ‘to, fresh na fresh na. Gwapong fresh! “Nagluto ako ng spaghetti,” nakangiting wika nito.Naimulat niya ang mga mata. “Happy birthday.”Natawa ito sa kanya. “Kapag ba nagluto ng spaghetti ay may birthday?”“Hi
Read more
KABANATA 25
PADAPANG HUMIGA AGAD si Rave nang makapasok sila sa kwarto. Kanina, habang nasa sasakyan. Napansin niyang may malalim itong iniisip at mukhang pagod na pagod. Panay rin ang masahe nito sa likod ng leeg nito at ulo. Kahit ‘di sabihin ni Rave, alam na niyang may seryosong kinakaharap na problema ang family business ng mga ito.“Rave, maghubad ka muna.” Mabilis na umangat ang ulo nito. Kinuha niya ang efficascent oil niya sa bag at naupo sa gilid ng kama. “Mamasahein kita.”“Huh?” Ibinaling nito ang tingin sa kanya.Lumapit pa siya para hilahin ang katawan nito paupo sa kama. “Kagagaling mo lang sa sakit at ngayon mukhang stress na stress ka pa. Hubarin mo ‘yang suot mong polo at dumapa ka ulit sa kama. Mamasahein kita para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo. Ang dami mo na sigurong lamig sa katawan.”“No need –”“Need,” mariin niyang sagot niya rito. &ldq
Read more
KABANATA 26
BINATI si Laura ng isang tangkay ng pink rose mula kay Rave. Naingat niya ang tingin sa mukha nito. Nagtama ang mga mata nila. “Good evening, Laura,” may ngiting bati nito sa kanya pagkatapos. Ako ba ang dahilan ng pagdalas na pagngiti ni Rave? “Good evening din Rave.” Or assuming lang talaga ako? “Kumain ka na ba?” “Oo, ikaw, kumain ka na ba?” Ang awkward nito. Putik! Sisikatan pa kaya silang dalawa sa palitan ng linyahan nila? “I had dinner with the clients pero hindi ako masyadong nakakain. Ano bang meron sa kusina?” Ipinatong ni Rave ang itim na blazer nito sa backrest ng sofa. Mas lalo pa nitong niluwagan ang bukas ng polo nito sa pagkalas pa ng isang butones pagkatapos ng dalawa. “Ref, kawa, kalan, oven saka lababo.” “Huh?” “‘Yon ang meron sa kusina.” Malakas na tumawa si Rave. Napakurap–kurap siya. Naninibago siya sa ugali nito. Hindi no
Read more
KABANATA 27
“LAURA, WAIT!” Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Si Peter pala. Nauna sa sasakyan si Rave dahil naghanap pa siya ng banyo sa mall na ‘yon. Akala nga niya nakaalis na ang tatlo kanina pa. “O, Peter, nandito ka pa pala? Bakit?” “I forgot to give this to you.” Mula sa bulsa ng pants nito ay inabot nito sa kanya ang isang pamilyar na nakatuping papel sa kanya. “Kasama ‘to sa mga nakuha nila sa mga gamit mo. Mukhang importante kaya itinabi ko muna.” Halos nakalimutan na niya ang tungkol sa papel na ‘yon. Nakasulat doon ang pangalan ng totoo niyang ama na bigay sa kanya ng namayapa niyang tiyahin. “If you need help. I can help you find that person.” “Huwag na, ‘di naman importante ang taong ‘to.” “Are you sure?” Tumango siya. “Oo, wala ‘to. Salamat, Peter.” “Okay, basta, kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako Laura.” Tango lang ang sinagot niya rito. Akmang tatalikuran na siya ni Peter nang ibaling ul
Read more
KABANATA 28
NAGULAT SI LAURA nang makitang bihis na bihis na si Rave. Linggo, kaya maaga silang nagsisimba ni Ross kasama ang Lola Emilia nito. Hindi sumasama si Rave kapag nagsisimba sila pero sa istura nito ngayon ay mukhang may maagang lakad ito. Gwapong–gwapo ito sa suot na itim na pantalon at white short sleeved polo. Nakabukas ang dalawang butones sa unahan ng polo nito. “May lakad ka ba?” “Magsisimba.” Literal na nanlaki ang mga mata niya sa saya. “Talaga? Magsisimba ka?” Tipid ang ngiti na tumango ito. Lumapit siya rito at inilahad ang isang kamay kay Rave. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya. “Halika na, hinihintay na tayo nila Ross sa ibaba.” Nang hindi pa rin nito hinawakan ang kamay niya ay siya na mismo ang umabot ng kamay nito. “Huwag kang mag–alala, ‘di ka pa naman masusunog sa simbahan.” “That’s crazy. You think, I developed a demonic power?” “Oy, ‘di ah. Masyado kang gwapo para maging demonyo.” “I’ll take that as a compliment.” G
Read more
KABANATA 29
“ANYTIME NEXT WEEK, he’ll wake up.” Nakahinga naman nang maluwag si Laura sa good news ni Kevin. “Salamat sa Dios, thank you rin Kevin at sa mga magagaling na doctor na pinakilala mo sa amin.” “It’s my duty to save lives, Laura. I will do everything just to save a life hanggat sa kaya ng kakayahan ko. I believe, Rave should take all the credits here. He was the one who give you a miracle.” Napangiti siya. “Tama ka, kung hindi ko nakilala ang isang Rave Sanjercas, baka wala na ang kapatid ko.” Hindi niya napigilan ang bahagyang maging emosyonal. “And you were also his miracle, Laura.” Napatitig siya kay Kevin. “Hindi sa binubugaw ko ang kaibigan ko sa’yo, but it’s a fact. Hindi pa ba siya nag–o–open up sa’yo?” “Hindi pa. I–chika mo naman sa’kin.” “E, kasi, ganito ‘yon. Lumapit ka.” Itinukod ni Kevin ang isang siko sa mesa at iminuwestra ang isang daliri para lumapit siya. “Lumapit ka pa.” Isinandal niya ang dalaw
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status