"Ayaw kong pag usapan 'yong tayo, Spike."Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang papunta sa bahay ng kaibigan niyang si Neo. Nang makarating doon ay agad kaming pumasok sa loob. Gaya ng bahay nina Roiden at Terese ay gwardiyado din ang bahay nitong si Neo."Ikaw si Serra? Ako si Adaline, asawa ni Neo," agad na bungad sa akin ng babaeng kasama ni Neo sabay abot nito ng kamay sa akin.Tumango ako at nginitian siya kasabay rin ng pagtanggap ko sa kamay niya."Nag breakfast na kayo?" muling tanong nito. Umiling ako."Love, paasikaso muna si Serra. Mag uusap lang kami nitong si Spike," ani Neo."Sure," ngiti nito. "Come on, Serra.""Thanks, Ada," pahabol ni Spike nang magsimula kaming maglakad ni Adaline papunta sa kitchen nila."Oh no! Wala na kaming stocks," si Ada habang tinitingnan ang ref nila. "Pasensya ka na, Serra. Pancakes lang ang mai-o-offer ko sa 'yo sa ngayon. Hindi pa kasi kami nakakapag-grocery ni Neo, e.""Naku! Ayos lang
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-19 อ่านเพิ่มเติม