“Ewan ko!” inis na sagot ni Irina, halatang iritado pa rin mula sa tawag ni Gia kanina.“Salamat, pinsan! Nagkabati na kami ni Mari!” tuwang-tuwang sabi ni Marco, halos kumikislap sa saya na parang batang nakatanggap ng paboritong laruan.Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Irina; sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. “Congrats, Marco. Alagaan mo si Mari, ha? Mabait siyang babae—simple, totoo, at punô ng liwanag.”“Alam ko, Irina, alam ko,” masiglang sagot ni Marco, abot-tainga pa rin ang ngiti.May balak sanang itanong ni Irina kung sasabay ba ito mag-lunch kasama si Gia, pero agad din niyang binawi ang ideya. Wala namang saysay pang pag-usapan iyon.Sa halip, binago niya ang usapan. “Mukhang hindi na kami makakasabay ni Queenie kay Mari mag-lunch ngayon. Kayo na lang—mag-enjoy kayo.”“Syempre!” masiglang tugon ni Marco.“O, siya. Akyat na tayo at magtrabaho.”Buong umaga, halos hindi na makainom ng tubig si Irina sa sobrang dami ng ginagawa.Pagsapit ng tanghali, lumap
Last Updated : 2025-11-10 Read more