Chapter 75 - You love me, I love him, but he doesn't love me!Bago sumapit ang alas siyete ng gabi ay nainit ko na sa microwave ang hapunan ni James, nakaligo na ako at kasalukuyan nag-memakeup bago magpalit ng damit na isusuot. Lahat ng ito ay nakikita ni James habang nanonood ng TV dahil nga studio-type ang apartment. Hindi naman siya kumikibo, makamasid lang sa lahat ng ginagawa ko.“Dinner date lang kay Jessie, ganyan ka katagal mag-ayos?” pa-ismid na tanong ni James.“Malay mo, ligawan ulit ako nung tao.” sagot kong pa-inis habang papasok ako sa banyo para magbihis. “Ngayon pang alam nya na ex na kita!”“Ex-boyfriend o ex-husband? Alam ba niyang kaya tayo nandito sa Vegas ay dahil sa divorce natin?” panunuya ni James.“Hindi!” So... what he doesn't know won't hurt him!” sagot ko ng lumabas ng banyo na nakasuot ng isang black midi fitting dress na takip sa harapan pero backless sa likuran. “E, di parang niloloko mo rin siya!” sabi ni James. “Iyan ang suot mo sa dinner-date
Last Updated : 2025-05-19 Read more