( Dreymon's POV ) Nag aapoy ang mga mata at para akong sinisilaban sa nararamdamang galit habang nakatutok ng paulit ulit sa monitor ng laptop, muling tinitingnan ang kuha ng CCTV footage na nakuha ng tauhan ko sa lugar kung saan nakita ni Sophie si Emerald na may ibang kasamang lalaki. At kumpirmado ang lahat! Ang hirap! Napakahirap paniwalaan dahil buong pag aakala ko talaga ay mahal din ako ni Emerald. At iyon din ang nararamdaman ng aking puso. Kaya sa kabila ng kuha ng CCTV footage, kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko, I still gave her more more chances to explain herself. Kaya nanatili pa rin ako rito sa resort ng ilang linggo, halos isang buwan na nga kung tutuusin dahil umasa pa rin ako na tutuparin niya ang pangako niya na babalik siya. Pinanghawakan ko pa rin ang sulat niyang iyon. Pero maski anino niya ay hindi na muling nagpakita pa. Kaya ano pang dahilan ko para maghintay sa babaeng hindi na babalik? Sa babaeng wala ng planong bumalik? At ang hindi niya n
Huling Na-update : 2025-07-22 Magbasa pa