Chapter 67Calista POVPagkauwi ko mula sa buong araw na trabaho sa karinderya—pagod, pawisan, at may bahid pa ng mantika sa uniform ko—bumungad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng alak.Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na pinansin noong una. Pero pagkapasok ko sa bahay at nadatnan ko siyang nakaupo sa kahoy naming bangko, hawak ang bote ng gin, agad nanikip ang dibdib ko.“Lasing ka na naman,” malamig kong sambit habang inilalapag ang bitbit kong bag sa lamesa.Napatingin siya sa akin, mapupulang mata at pawis na noo. “Ikaw? May gana kang sumagot-sagot ngayon, ha?”Umiling ako, pilit iniintindi. “Kailangan ko ng pahinga, Pa. Magdamag akong nagtatrabaho.”Pero hindi siya tumigil. Tumayo siya, umalog-alog pa, at inilapit ang mukha sa akin. “Nagtatrabaho ka raw? Eh di ba pinaalis ka nga sa dati mong trabaho? Sa mansion nung mayaman mong amo? Wala ka naman talagang kayang gawin kundi mag-alis ng tsinelas ng iba, maghugas ng ping
Terakhir Diperbarui : 2025-07-08 Baca selengkapnya