"Get a room!"Pagkarinig ko no’n ay nagmamadali kong itinulak si Cassian palayo. Pero dahil maskulado siya at hindi hamak na mas malaki’t matangkad kaysa sa akin, ilang pulgada lang ang nagawa kong distansya sa pagitan namin.Jusko! Kasalanan nga talaga ang pagiging hunk niya, bukod pa sa nakakasilaw na kaguwapuhan.Hinay-hinay at nag-aatubili kong sinalubong ang tingin ng dalawa kong kasama. At hindi nga ako nagkamali—halos maningkit na ang nanunudyo’t nagbibigay-hinala nilang mga mata.Ipagtataka ko pa ba iyon, e alam ko namang madudumi ang utak ng mga ’to. Lalo na si Ginang Lily!"A—ah, ano… sige, Cassian. T—tatawagan na lang kita mamaya." Kabadong rason ko. "Aalis ka na, ’di ba?" pagpapalayas ko na rin sana para hindi na magtuloy-tuloy ang hinala ng dalawa.Alam kong kahina-hinala ang posisyon namin kanina, pero kilala ko na ang likaw ng utak ng mga kasamahan kong ’to. Iyong tipong holding hands pa lang, sa kanila ay parang nagtalik na.Pero teka…Namamalikmata ba ako? Ba’t parang
Last Updated : 2025-08-27 Read more