Napatingin si Julie sa may pinto nang pumasok si Jhona. Ang kanyang sekretarya."Ma'am, nandito po si Ma'am Valeen.""Papasukin mo," sabi niya rito.Sige po." Lumabas ang sekretarya.Ang aga-aga pa, naligaw na sa opisina niya ang kaibigan? Wala ba itong pasok? High School teacher si Valeen at nagtuturo sa isang public school.Matapos ayusin ang mga gamit sa ibabaw ng desk ay hinarap niya ang computer.Dinig niyang muling bumukas ang pintuan. Sumulyap siya roon. Si Valeen nga ang pumasok pero hindi ito nag-iisa. Kabuntot nito ang lalaking...It is him! That guy that lives in her thought for a while now. What is he doing here? Tumayo siya. Nakatunganga sa mga bagong dating."Hi, there, bestfriend! This gorgeous and hot guy here is looking for you. Nakita ko siya sa labas kaya isinama ko na rito," nagsalita si Valeen. Nanunukso."Good morning, Ms. Martinez," bumati sa kanya ang lalaki.Hirap siyang marinig dahil natutulig siya sa malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Nagwawalang parang
Read more