Glen cooperated submissively gaining positive feedbacks from the team handling her case. Matiwasay niyang naitawid ang kanyang treatment. Samantalang ang kanyang kalusugan naman ay malaki na rin ang ibinuti. Nakadagdag sa pagbalik ng tiwala niya sa sarili at sigla ang bonding nila ng kanyang mga anak araw-araw.Ngunit utang niya ang mabilis na paggaling kay Vladimir na hindi umaalis sa kanyang tabi at laging nakaalalay sa kanya lalo na sa gabi kapag dinadalaw siya ng mga bangungot. Magpapatuloy ang kanyang counseling, dalawang beses sa isang linggo ayon sa rekomendasyon ng psychologist."Ma, para saan po iyang mga construction materials na dumating?" tanong niya sa ina habang nakasilip sa may bintana.Nasa loob siya ng silid ng mga anak nang marinig niya kaninang may mga dumptrucks na dumating at nagdiskarga ng mga sako-sakong semento, malalaking kabilya, angle bars, hollow blocks, buhangin at graba."Nag-usap kagabi sina Vladimir at ang Papa mo para sa renovation nitong bahay. Sabi k
Mehr lesen