"Nasaan si Felize, Pa?" muling tanong ni Christopher, hindi na makapaghintay na marinig ang boses ng asawa. Namimiss na niya ito, na excited na siya, dahil sa wakas, matutupad na ang matagal na niyang pinapangarap."Narito siya. Gusto ka ding makausap ni Felize. Siguro ay nabigla lang din siya sa tuwa—gaya namin ng Mama mo, kaya hindi pa siya makapagsalita kaagad," sagot ni Freddie, habang sinesenyasan si Felize na magsalita.Huminga nang malalim si Felize at pinilit na igalaw ang kanyang naninigas na labi. Hirap siyang maglabas ng mga salita—mga salita ng saya na hindi naman dapat para kay Christopher, kundi para kay Dominic, ang tunay na ama ng batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman."Hello, Felize… honey, buntis ka ba talaga?" Bakas ang excitement sa boses ni Christopher. "Mahal, bakit ang tahimik mo? Buntis ka, 'di ba? Sa wakas, magkaka-baby na tayo… 'di ba, honey?" tanong niya ulit nang hindi sumagot ang asawa.Muling sinenyasan si Felize ng
Baca selengkapnya