Leo’s POV Inayos nila ang buong likod ng beach house—mga custom na rattan lounge set, mahabang granite table, ice-cold premium drinks, at lahat ng paborito naming handa. Ito na ang unang pagkakataon na kumpleto ang lahat: sina Giovanni, Elian, at ang mga kaibigan ko sa business world—sina Marco, Kiko, at Diego. Mga taong kasama ko sa hindi mabilang na board meetings, high-stakes deals, at matitinding pagsubok, pero ngayon ay nandito bilang tunay na pamilya. “Grabe, akala namin hindi ka na aabot dito,” biro ni Giovanni sabay abot sa akin ng baso. “Ang daming pinagdaanan mo, halos hindi ka na makahinga sa gulo at pressure.” Tumawa ako habang nag-clink kami ng baso. “Akala ko rin ‘yun. Pero heto tayo—buo, payapa, at handa nang magpakasal.” Nagsimula ang kwentuhan—halo ng tawanan, asaran, at mga aral na dala ng panahon. Pinaghalo namin ang mga kalokohan noong college at mga wild moments sa corporate world. “Alam niyo ba,” simula ni Elian, “noong nagsisimula pa lang tayo sa negosyo, s
続きを読む