Chloe’s POV Matapos basahin ang tahasang pagbabanta ni Don Emilio, hindi na kami nagdalawang-isip pa. Agad kaming nagdesisyon ni Leo na ilayo muna si Leonel sa siyudad—malayo sa ingay, panganib, at mga taong gustong manakit sa amin. Ang napili niyang lugar ay ang lumang Villafuerte vacation beach house, nakatago sa isang liblib na bahagi ng baybayin sa Siargao, napapaligiran ng matatayog na puno at malinaw na tubig-dagat. Dito, umaasa kaming makakahanap ng panandaliang kapayapaan habang pinaplano ang aming next move. Pagkarating namin, agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin—presko, maalat, at puno ng katahimikan, na kabaligtaran ng magulong buhay na aming iniwan. Maingat na inilapag ni Leo si Leonel sa duyan na inihanda ng mga tauhan, habang ako ay umupo sa balkonahe, pinapanood ang mahinang pagbagsak ng mga alon sa pampang. “Feels so peaceful here, right?” sabi ni Leo habang umupo sa tabi ko at ipinatong ang braso sa aking balikat. “Dati, dito lang ako pumupunta kapag gusto
Leer más