Samantala, nang makita ni Sarina na nakaalis na ang kaibigan niyang si Marie kasama si Luna ay nakahinga siya ng maluwag. Ang mga taong kanina ay nanonood sa kanila sa hallway ay nagsimula na ring mawala. Wala ng ibang naririnig si Sarina kung hindi ang exaggerated na mga hikbi ni Avionna. Napapangiwi siya dahil halata naman na nag iinarte lang ito dahil gusto nitong kunin ang simpatya ni Damon!Tama na, please! OA na!“Damon, I didn't push that little girl! Why is everyone accusing me? I really just wanted to talk to her and be nice!” Nagmamakaawa at mukhang inosente na paliwanag ni Avionna. Umikot ang mga mata ni Sarina. Hindi talaga niya alam kung paanong napapaniwala ng babaeng yan si Damon.“In fairness to you, Avionna. Ang galing mong pumatol sa bata, huh? Tsaka ano bang iniiyak iyak mo dyan? Takot ka ba na baka balikan ka ng mga magulang non?” Nang aasar na sambit ni Sarina. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na asarin ito. “Why the hell would I be afraid? I said I didn’t do
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-05 อ่านเพิ่มเติม