“Oh my goodness, Avionna! The handsome doctor is actually walking right towards you!”Parang biglang natigilan si Avionna nang marinig ang sinabi ng kaibigan niyang si Pepper. Nagulat siya sa sinabi nito na lalapitan siya ni Dr. Harold Mendez. Bigla tuloy na parang hindi siya mapakali dahil hindi niya inaasahan iyon.Alam naman niya sa sarili niya na maganda talaga siya. Hindi lang talaga siya makapaniwala na mukhang sabik na sabik na si Dr. Mendez na makilala siya. Ngayon pa lang sila nagkita at isang beses pa lang na nagtama ang paningin nila pero mukhang nagkagusto na talaga ito sa kanya kagaya ng sinasabi ni Pepper. Masyado ba talagang malakas ang sɛx appeal niya? Well, wala naman siyang magagawa kung na-love at first sight nga talaga ito sa kanya. Tumayo si Avionna at saka naghanda para salubungin si Dr. Mendez. Nag focus siya sa gwapong mukha ng doktor na naglalakad palapit sa gawi nila.Sa isip ni Avionna, hindi man niya pwedeng ikumpara si Harold kay Damon, pero kung magkakar
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-08 อ่านเพิ่มเติม