Nandidilim ang mukha ni Sarina at lalong nadagdagan ang inis habang nakatitig kay Pepper na sadyang humaharang sa dadaanan niya.Inangat niya ang kanyang tingin nang walang sinasabi at pinakita lamang ang isang malamig at mariin na titig kay Pepper na mukhang walang balak na tigilan siya.Samantala, wala talagang balak si Pepper na papasukin o tigilan si Sarina ngayong araw. Sa tuwing nakikita niya ang napakagandang mukha nito ay pakiramdam niya ay nababaliw siya sa matinding inggit na nararamdaman.“Who the hell do you think you are, huh, Sarina?” Sarkastikong singhal ni Pepper habang nilalakasan ang boses at sinisiguro na lahat ng nasa department nila ay makakarinig sa sinasabi nito.“Dahil lang nakahanap ka ng padrino para makapasok sa ospital na 'to, akala mo kung sino ka nang magaling, huh? Ayusin mo 'yang paliwanag mo ngayon, kundi hindi ka makakalabas sa pintong 'to! Hayaan mong ang lahat ng tao rito ang humusga! Wala naman ginagawang masama sa'yo si Avionna! Nag magandang-loob
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-17 อ่านเพิ่มเติม