Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-25 อ่านเพิ่มเติม