เข้าสู่ระบบNagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro.
"Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."
Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento.
"Ano 'yan?" tanong ni Nicolas.
"Tingnan mo na lang."
Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant.
"Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."
Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas.
"Kailan?"
"Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."
Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy.
"Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko."
"Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."
Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi na niya inalam kung tungkol saan ang mga dokumento.
Diretso niyang binuklat ang mga pahinang kailangang pirmahan. Walang pag-aalinlangan niyang pinirmahan ang dalawa bago ibinalik kay Maisy.
"Okay na. May aasikasuhin lang ako."
Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Nang tuluyan nang makaalis si Nicolas, tahimik na tiningnan ni Maisy ang mga dokumentong hawak niya. Ang isa ay ang kaniyang resignation letter, at ang isa naman ay ang divorce agreement. Pareho nang may pirma ni Nicolas.
Hindi napigilan ni Maisy ang mapangiti.
Maayos na inihanda ng abogado ang divorce agreement. Nakasaad doon na mapupunta sa kaniya ang kalahati ng mga ari-arian ni Nicolas kapag naghiwalay sila. Akala niya ay mahihirapan siyang papirmahin ang asawa. Hindi niya inasahang ganoon lang pala kadali. Sa sobrang pagmamadali nitong habulin si Yana, ni hindi man lang nito binasa ang mga dokumentong pinirmahan.
Dahan-dahang pinunasan ni Maisy ang natitirang luha sa kaniyang mga mata.
Matagal niyang inasam na mahalin siya ni Nicolas. Ngunit ngayon, hindi na niya kailangan ang pagmamahal nito.
Ang kailangan na lamang niya ay ang makalaya sa kanilang kasal.
****
Kinagabihan, habang nagse-cellphone si Maisy, nakita niya ang bagong post ni Yana sa social media.
“He upset me, so he bought me a diamond ring to make it up to me. Isn't that sweet? Too bad some girls can't even get one.”
Dalawang minuto pa lamang mula nang i-post iyon ni Yana, napansin ni Maisy na agad na itong ni-like ni Nicolas.
Bahagyang napangiti si Maisy. Mukhang hindi talaga nag-aksaya ng oras ang asawa sa pagsusuyo kay Yana.
Sa halip na mainis, ni-like din niya ang post. Pagkatapos, gumawa siya ng sarili niyang post.
“Honey, third wedding anniversary photoshoot natin bukas. Don't forget! @NicolasMondragon”
Ang totoo, ang lola ni Nicolas ang may gusto ng wedding anniversary photoshoot.
Minadali kasi ang kasal nina Maisy at Nicolas para pagtakpan ang iskandalo nila ni Yana. Dahil dito, hindi na sila nakapagpa-wedding photoshoot. Maging ang wedding gown ni Maisy ay binili lamang sa huling sandali.
Kaya inutusan ng matanda si Nicolas na samahan si Maisy sa isang photoshoot tuwing anibersaryo nila. Umaasa itong sa ganoong paraan, mas mapapalapit ang dalawa.
Ilang beses nang nangako si Nicolas na sasamahan niya si Maisy, pero ni minsan ay hindi ito sumipot.
Noong una, palagi siyang nasasaktan sa tuwing naghihintay siya nang walang dumadating. Ngunit kalaunan, nasanay na rin siyang umasa sa wala.
Kaya alam niyang malamang ay hindi rin matutuloy ang photoshoot nila bukas.
Nag-post lamang siya para inisin si Yana. Kung kaya nitong ipagyabang ang singsing na ibinigay ni Nicolas, wala rin namang masama kung ipaalala niyang siya pa rin ang legal na asawa nito.
Lumipas ang sampung minuto, ngunit hindi pa rin nila-like ni Nicolas ang kaniyang post.
Napangiti nang mapait si Maisy. Siguro ay abala pa rin ito sa pagsusuyo kay Yana sa airport.
Hindi na siya naghintay pa.mIbababa na sana niya ang cellphone para matulog nang biglang may lumabas na notification.
May nag-like sa kaniyang post.
Saglit na inakala ni Maisy na si Nicolas iyon. Ngunit nang tingnan niya ang notification, bigla siyang natigilan.
Hindi niya inaasahang makikita muli ang pangalang iyon—si Logan Valiente.
Noong nakipaghiwalay siya rito, agad niyang binlock ang numero nito. Ngunit bago iyon, nakatanggap pa siya ng huling mensahe mula sa lalaki.
“Good job.”
Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang dalawang salitang iyon.
Alam naman niyang hindi na siya kokontakin ni Logan kaya hindi na niya naisipang i-block ito sa social media.
Isang simpleng like lang mula kay Logan, at biglang bumalik sa isip ni Maisy ang huling mensahe nito, pati ang malamig nitong mga tingin sa kaniya.
Bigla siyang kinabahan at agad na inihagis ang cellphone sa kabilang bahagi ng kama.
***
Kinabukasan, nagdesisyon na si Maisy na umalis sa ospital kahit hindi pa siya lubusang magaling. Ayaw na niyang manatili roon, kaya siya na mismo ang nag-asikaso ng kaniyang discharge papers.
Nag-alok si Bea na sunduin siya dahil sa malakas na ulan, ngunit tumanggi siya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga alalahanin ng kaibigan.
Habang naghihintay ng taxi, lalo pang lumakas ang ulan. Napayakap si Maisy sa sarili habang nilalamig sa hangin.
Maya-maya, napansin niya ang isang itim na Maybach na nakaparada sa di-kalayuan.
Bumukas ang p***o nito at bumaba si Nicolas, hawak ang isang payong. Matangkad at guwapo ang lalaki, at gaya ng dati, maayos at may kumpiyansa ang tindig nito.
Saglit na natigilan si Maisy.
Habang pinagmamasdan ang asawa, hindi niya maiwasang maalala si Logan.
Pareho silang matangkad, guwapo, at may malamig na mga mata. Pareho rin silang may malakas na dating na madaling makakuha ng atensiyon.
Ngunit kahit may pagkakahawig sila, malaki pa rin ang kanilang pagkakaiba.
Para kay Maisy, si Nicolas ay parang mas mababang bersiyon lamang ni Logan.
Napabuga siya ng hangin dahil ang masakit, pareho rin siyang hindi minahal ng dalawang lalaki.
Limang taon silang magkasintahan ni Logan, ngunit sa huli, hindi pa rin niya nakuha ang puso nito. May ibang babaeng matagal nang mahal ang lalaki.
At ngayon, ganoon din ang nangyari sa kaniya kay Nicolas.
Napapatanong na lang siya kung bakit parang lagi na lang siyang malas pagdating sa pag-ibig?
Mabilis niyang inalis ang mga kaisipang iyon at muling tumingin sa unahan. Doon niya napansing hindi pala nag-iisa si Nicolas dahil kasama nito si Yana.
Maingat na inalalayan ni Nicolas si Yana habang nakapayong. Mas inilapit pa niya ang payong sa dalaga upang hindi ito mabasa.
"Maisy, na-discharge ka na pala?" tanong ni Nicolas nang makita siya.
Napatingin si Maisy sa kanila.
"Oo. Bakit nandito kayo?"
"Hindi ba may wedding anniversary photoshoot tayo ngayon? Naayos ko na ang lahat. Tara na."
Natigilan si Maisy.
Hindi niya inaasahang maaalala ni Nicolas ang photoshoot nila, lalo na't ilang taon na itong hindi ito sumipot kahit ilang beses na siyang naghintay. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagbago ng isip.
Nakangiting nagsalita si Yana. "Maisy, gusto ko rin sanang sumama. Okay lang naman sa'yo, 'di ba?"
May halong pang-aasar ang ngiti ni Yana habang nakatingin kay Maisy.
Agad na naintindihan ni Maisy kung bakit biglang pumayag si Nicolas sa photoshoot. Hindi pala dahil gusto nitong makasama ang asawa, kundi dahil gustong sumama ni Yana.
Dahil doon, napakuyom ang mga kamay ni Maisy habang pilit na nilulunok ang kaniyang galit.
Nagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro."Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento."Ano 'yan?" tanong ni Nicolas."Tingnan mo na lang."Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant."Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas."Kailan?""Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy."Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko.""Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi
Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. "How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas."Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi."Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas."Yana, anong ginagawa mo?"Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas."Nicolas, sabi ni Yan
Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk
"Nicolas!"Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas."Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa."Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit."Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina."Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."Sumimangot si Yana nang makita siya."Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo
Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala."Paano kung ako ang parusahan ni Lola?""Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero ala
Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito."Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit n







