เข้าสู่ระบบMahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak.
"Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya..."
"So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"
Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana.
"O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"
Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.
Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.
Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.
Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagkakayakap. Kumunot ang kaniyang noo bago seryosong nagsalita.
"Yana, problema na naming mag-asawa 'yon. Mahal ko man siya o hindi, asawa ko pa rin siya."
Pagkarinig noon, muling tumulo ang mga luha ni Yana. Hindi niya matanggap ang sagot nito.
"Pero..."
"Tama na. Huwag na nating pag-usapan 'yan. Isa pa, pamangkin kita at mas matanda sa'yo si Maisy. Dapat Auntie ang tawag mo sa kaniya at Uncle naman sa akin. Matuto kang rumespeto."
Nanlaki ang mata ni Yana, napaatras siya habang umiiling.
"No way! Hindi naman tayo magkadugo, kaya bakit kita tatawaging Uncle? At halos magkaedad lang tayo! Isa pa, three years ago, pinalayas na ako ni Lola sa pamilya Mondragon. Kung hindi mo ako pinabalik, wala na sana akong koneksiyon sa pamilya ninyo. Kaya Nicolas pa rin ang itatawag ko sa'yo! Okay?"
Wala nang nagawa si Nicolas kundi mapatingin kay Yana. Alam niyang wala rin itong balak makinig, kaya hindi na niya pinahaba ang usapan.
***
Pagbalik ni Maisy sa kaniyang kuwarto, hindi nagtagal ay pumasok si Yana nang hindi man lang kumakatok.
Inutusan siya ng lola ni Nicolas na alagaan si Maisy hanggang makalabas ito sa ospital. Kahit ayaw niya, wala siyang lakas ng loob na sumuway sa matanda.
"Maganda ba?"
Lumapit si Yana sa kama ni Maisy at ipinakita ang kaniyang kamay.
May suot siyang diamond ring sa palasingsingan. Agad itong nakilala ni Maisy.
Iyon mismo ang singsing na nakita niya sa closet ni Nicolas.
Nanlamig ang tingin ni Maisy.
Mukhang hindi na talaga nakapaghintay si Nicolas. Kababalik pa lang ni Yana, binigyan na agad niya ito ng singsing.
Masakit man, hindi niya iyon ipinahalata. Iniwas na lamang niya ang tingin.
"Gift 'to ni Nicolas sa akin. Pinagawa pa niya talaga 'to just for me. Sweet, 'di ba? Simbolo raw kasi 'to ng forever love."
Kalmadong ngumiti si Maisy. "Maganda naman,” sagot niya.
Natigilan si Yana. Hindi iyon ang reaksiyong inaasahan niya. Sinadya niyang ipakita ang singsing para saktan si Maisy. Gusto niyang makita itong nagseselos at nalulungkot. Pero sa halip, kalmado lamang itong ngumiti, na para bang wala siyang pakialam.
Lalo tuloy nainis si Yana. Lumapit pa siya kay Maisy at seryosong tinitigan ito.
"Come on, Maisy! Huwag kang magkunwaring okay ka lang. Alam kong nasasaktan ka!"
Bahagya siyang yumuko palapit kay Maisy bago muling nagsalita.
"Actually, may isa pa akong sikreto. Gusto mo bang malaman?"
Natahimik na lamang si Maisy. Samantala, muling napatingin si Yana sa singsing na suot nito.
"Alam mo bang 'yang singsing mo, specially made rin 'yan ni Nicolas para sa akin? Kung hindi ka naniniwala, tingnan mo ang loob. Nakaukit diyan ang initial ng pangalan ko."
Napatingin si Maisy sa singsing na suot niya.
Matagal na niyang alam na hindi talaga para sa kaniya iyon, lalo na't mas maliit ito kaysa sa sukat ng kaniyang daliri. Noon, akala niya ay para kay Nicolas ang letrang 'N' na nakaukit sa loob nito. Ngunit ngayon, saka niya naalala na 'N' din pala ang unang letra ng tunay na pangalan ni Yana—Niyana Mondragon.
Napatingin si Maisy sa singsing. Iningatan niya iyon dahil akala niya, kahit hindi siya mahal ni Nicolas, totoo naman ang kanilang kasal. Ngunit kahit ang singsing na ibinigay nito ay hindi pala talaga para sa kaniya.
Napakagat siya sa labi, pero agad ding pinakalma ang sarili. Hindi niya hahayaang makita ni Yana kung gaano siya nasaktan.
Lalo namang nainis si Yana nang makitang walang pagbabago sa mukha ni Maisy.
"Alam mo ba kung bakit ka pinakasalan ni Nicolas? Dahil magkamukha tayo! Lalo na ang mga mata natin. Ginawa ka lang niyang substitute ko habang wala ako. Kaya ngayong nandito na ako, ibalik mo na sa akin ang singsing at si Nicolas!"
"Okay. Ibabalik ko siya sa'yo."
Walang pag-aalinlangang hinubad ni Maisy ang singsing sa kaniyang daliri at iniabot iyon kay Yana.
Nanlaki ang mga mata ni Yana. Hindi niya inaasahang ganoon kadaling papayag si Maisy na ibigay ang singsing.
Agad niyang iniabot ang kamay para kunin iyon. Ngunit bago pa niya mahawakan, biglang binitiwan ni Maisy ang singsing. Nahulog iyon sa sahig.
Natigilan si Yana. Alam niyang sinadya iyon ni Maisy.
"Ibinabalik ko na sa'yo si Nicolas, pero..." Bahagyang ngumiti si Maisy bago kalmadong nagpatuloy. "Sigurado ka bang pakakasalan ka niya?"
Nagulat si Nicolas sa sinabi ng asawa. Saglit siyang natigilan bago napangiti, na para bang may narinig siyang nakakatawang biro."Hindi mo magagawa 'yon, Maisy. Hindi mo ako kayang iwan."Hindi na sumagot si Maisy. Bahagya lamang siyang ngumiti bago lumapit sa cabinet at kumuha ng dalawang dokumento."Ano 'yan?" tanong ni Nicolas."Tingnan mo na lang."Kinuha ni Nicolas ang mga dokumento at sinimulang buklatin. Ngunit bago pa niya mabasa ang laman ng mga iyon, biglang pumasok ang kaniyang assistant."Sir, bumili po si Miss Yana ng plane ticket papuntang America. Babalik na raw po siya roon."Agad na nagbago ang mukha ni Nicolas."Kailan?""Sa susunod na flight po. Nasa airport na si Miss Yana."Kumunot ang noo ni Nicolas. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaling kay Maisy."Maisy, babasahin ko na lang 'to pagbalik ko.""Hindi puwede. Kailangan ko na 'yan ngayon."Saglit na tinitigan ni Nicolas ang asawa. Ngunit dahil nagmamadali siyang puntahan si Yana, hindi
Kalmado lamang ang pagkakasabi ni Maisy, ngunit sapat iyon para lalong magalit si Yana. "How dare you say that, Maisy?!" inis na sabi ni Yana at kinuyom ang magkabilang kamay niya.Maya-maya, itinaas ni Yana ang kamay para sampalin si Maisy. Ngunit saktong papasok naman si Nicolas kaya hindi na siya umiwas."Yana!" galit na sigaw ni Nicolas.Agad na natigilan si Yana, at huminto sa ere ang nakataas niyang kamay.Kasabay nito, biglang namuo ang mga luha sa mga mata ni Maisy. Kanina ay kalmado pa siya, ngunit ngayon ay mukha na siyang kawawang asawa na inaapi."Yana, I'm sorry. Pero wedding ring ko kasi 'to. Si Nicolas mismo ang nagsuot nito sa daliri ko noong kasal namin. Puwede bang huwag mo na lang kunin?"Natulala si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Maisy. Hindi niya akalaing ganoon ito kagaling magpanggap.Bago pa siya makapagsalita, mabilis nang lumapit si Nicolas."Yana, anong ginagawa mo?"Agad na bumangon si Maisy mula sa kama at yumakap kay Nicolas."Nicolas, sabi ni Yan
Mahinang sumagot si Nicolas habang pinagmamasdan si Yana na umiiyak."Huwag kang magsalita nang ganyan, Yana. Mabuti siyang asawa, kaya...""So what? Wait, gusto mo ba siya? Matagal na kayong kasal ni Maisy, kahit minsan, may naramdaman ka ba para sa kaniya?"Natigilan si Nicolas. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, ngunit wala siyang naisagot. Agad naman na nagpatuloy si Yana."O, kita mo na? Kahit kaunting feelings, wala ka pa ring nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka ba napapagod sa ganyang klaseng pagsasama?"Hindi nila alam na narinig ni Maisy ang buong usapan.Tahimik siyang nakatayo sa di-kalayuan. Kahit matagal na niyang alam ang totoo, masakit pa ring marinig na wala talagang nararamdaman si Nicolas para sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti nang mapait. Mabuti na lang at hindi na siya umaasa sa pagmamahal ng asawa. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Nicolas. Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kuwarto.Samantala, marahang inilayo ni Nicolas si Yana sa kaniyang pagk
"Nicolas!"Biglang pumasok si Yana at kinakabahang hinawakan ang braso ni Nicolas."Nandito na si Lola! Paano na tayo? Natatakot ako. Sa tingin mo, tutuparin kaya ni Maisy ang pangako niya kahapon?"Napatingin si Nicolas kay Yana bago isinara ang folder na hawak niya at ibinalik iyon sa mesa."Huwag kang matakot. Mabait at masunurin si Maisy. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya."Saktong pagpasok ni Maisy sa kuwarto, narinig niya ang sinabi ng asawa.Totoo naman. Sa tagal nilang magkasama, palagi siyang mabait at masunurin. Kaya siguro akala ni Nicolas, kahit ano ang gawin nito, hindi siya marunong magalit."Maisy? Saan ka galing?" tanong ni Nicolas nang makita siya.Nakasuot si Maisy ng hospital gown na may cardigan sa ibabaw. Dahil sa kapayatan at pamumutla niya, lalo siyang mukhang mahina."Sira ang gripo sa banyo, kaya sa labas ako naghugas ng kamay."Sumimangot si Yana nang makita siya."Akala ko tatakas ka na! Huwag mong kalimutan ang pangako mo kahapon. Sasabihin mo
Natigilan si Maisy. Hindi niya akalaing manggagaling sa sarili niyang asawa ang ganoong kahilingan.Gusto ni Nicolas na akuin niya ang kasalanan. Na para bang siya ang nagpumilit na pumunta sa isla at dapat siyang sisihin kung bakit muntik siyang mamatay.Napakagat sa labi si Maisy. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang takot na naramdaman habang nalulunod sa dagat. Akala niya, hindi na siya makakaligtas.Pero sa halip na alalahanin ang kalagayan niya, ang iniisip pa rin ni Nicolas ay kung paano mapoprotektahan si Yana.Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay? Kailangan pa ba niyang akuin ang kasalanan para lang hindi maparusahan si Yana?Gusto niyang magalit, pero pinigilan niya ang sarili at nagkunwaring nag-aalala."Paano kung ako ang parusahan ni Lola?""Pagtiisan mo na lang. Mas matanda ka kay Yana, kaya dapat ikaw ang umintindi at umako ng responsibilidad para sa kaniya."Napakagat sa labi si Maisy. Gusto niyang isumbat ang lahat ng ginawa ni Nicolas, pero ala
Muntik nang mamatay si Maisy nang tumaob ang kanilang yate sa gitna ng malakas na bagyo. Habang pilit niyang inililigtas ang sarili mula sa malalaking alon, nakita niya kung paano pinili ng asawa niyang si Nicolas Mondragon na iligtas si Yana habang siya ay iniwang malunod sa dagat.Mabuti na lang ay nakaligtas si Maisy. Hindi siya umiyak, nagalit, o nagreklamo sa asawa kaya nagtaka si Nicolas sa naging reaksyon nito."Maisy, sa tagal nating mag asawa, kahit kailan hindi ka pa nagreklamo sa akin."Napayuko si Maisy at mahigpit na kinuyom ang kaniyang mga kamay. Naalala niya kung paano inagaw ni Nicolas ang kaniyang life jacket para ibigay kay Yana, habang siya ay iniwang mag-isang lumaban sa malalakas na alon kanina.Masakit isipin na sa oras na kailangan niya ang sariling asawa, ibang babae pa rin ang pinili nitong iligtas.Gusto niyang magalit. Gusto niyang itanong kung wala ba talagang halaga ang buhay niya para rito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pilit na nilunok ang sakit n







